Bakit Itinuturing na “California Gold” ang Laman ng Sea Urchins at Sadyang Napakamahal Nito?

Ang sea urchin ay isang uri ng lamang-dagat kung saan ito ay hugis bilog na patusok-tusok. Itinuturing ito na isa sa pinakamahal na lamang-dagat sa mundo kaya naman tanging mayayaman lamang ang kayang bumili at may kakayahan na makakain nito. Ngunit bakit nga ba napakamahal ng sea urchins?

Credit: Business Insider

Ang laman ng sea urchin ang pinakadahilan kung bakit ito ay napakamahal. Ang dilaw na laman sa loob nito ay tinatawag na gonads kung saan ay may matamis at malinamnam umanong lasa na hindi mo matitikman sa kahit anong uri ng lamang-dagat. Tanging ang gonads sa loob ng sea urchin lamang ang pinaka-importante habang ang patusok-tusok nitong shell ay hindi na ginagamit at itinatapon na matapos buksan.

Credit: The Daily Meal

Itinuturing ang gonads bilang isang prized delicacy dahil sa napakamahal nitong presyo na umaabot ng $100 o mahigit 5,000 pesos kada 200-gram tray. Sa bansang Japan naman ay 5 times pa umano ang presyo nito na madalas ilagay sa mga mamahaling sushi nila.

Kilala rin ang gonads bilang California Gold dahil tila ginto ang presyo nito at napakahirap ring kunin na para kang nagmimina ng ginto. Bukod sa beach, nakilala rin ang California dahil sa mga sea urchins na mayroon ang kanilang karagatan. Sa isang factory sa California, sa may Santa Barbara ay umaabot lang naman ng 20,000 pounds ng sea urchins ang kanilang nadedeliver kada-linggo.

Credit: Economic Times

Ayon kay Gene Demachi, ang General Manager ng Tradewind Seafood Factory kung saan idini-deliver ang mga bagong kuhang sea urchins, noon ay umaabot ng 2,000 pound ang kanilang nakukuhang sea urchin kada-araw. Ngunit dahil sa kakulangan ng kelp ay nasa 300 hanggang 500 pounds sea urchin na lamang kada-araw ang kanilang nakukuha.

Ang kelp ay isang uri ng sea algae na pangunahing pagkain ng mga sea urchins, dahil naging kaunti na lamang ang mga kelps sa karagatan ng California ay naapektuhan rin nito ang bilang ng mga nakukuhang sea urchins. Ito ang naging dahilan kung bakit mas lalong naging mahal ang mga sea urchins.

Credit: Futurity

Dahil sa pagbabago ng ecosystem at polusyon sa karagatan ay naapektuhan ang mga kelps. Kapag kulang ang kelp ay hindi lalaki ng maayos at hindi dadami ang mga sea urchins, mas kakaunti ang makukuha nila at hindi rin ganun kaganda ang kalidad ng gonads na makukuha sa loob ng mga ito. Bukod pa diyan, napakahirap ring kunin ng mga sea urchins dahil mano-mano itong sinisisid ng mga divers.

Credit: Business Insider

Hindi katulad ng pangingisda na maghahagis ka lang ng lambat at hihinitayin ang mga isda na lumapit, ang mga sea urchins ay isa-isang sinisisid sa karagatan. Ang mga divers ay kailangan eksperto na sa pagkuha at kailangan rin nila ng mga kagamitan na tutulong upang makahinga sila habang nasa ilalim sila ng dagat.

Ang mga sea urchin divers ay hindi basta-basta kumukuha lang, kailangan may sapat na laki ang sea urchin upang masigurado na may lamang magandang kalidad ng gonads ang mga ito. Kahit marami ang sea urchins sa dagat kung maliliit naman at hindi maganda ang kalidad, ay hindi nila ito kinukuha dahil hindi naman ito mapapakinabangan.

Credit: Simple Delights

Pagkatapos mahatid ang mga sea urchins sa factory, agad itong lilinisin at bubuksan upang makuha ang mga gonads. Importanteng sariwa ang mga gonads at kailangan dahan-dahan itong alisin sa loob ng sea urchins at linisin upang maiwasan ang pagkasira nito. Dapat buo itong mailagay sa mga tray upang maibenta ito ng mahal, dahil ang mga nasirang gonads ay bababa ang kalidad at presyo.

Napakamabusisi ng pagpa-package ng mga gonads dahil mabilis lamang itong masira na tila isang gelatin. Pagkatapos mailagay sa mga tray ay agad rin itong ihahatid sa mga mamahaling restaurants upang mapanatili ang pagkasariwa ito. Hindi mo ito basta-basta mabibili sa mga grocery at tanging matitikman lamang sa mamahaling restaurants.

Credit: Sushi Making It

Ayon sa kasaysayan, ang mga sea urchins ay walang halaga sa bansang America noong taong 70s. Binabalewala lamang ito at pinapatay dahil itinuturing itong salot at nakakasakit sa mga divers noon. Ngunit isang Hapon (Japanese) umano ang nagsabi na mahal ito sa kanyang bansa at itunuturing na delicacy, at doon na nga nagsimula ang pagkakaroon ng malaking halaga ng mga gonads sa loob sea urchins.

Leave a Reply