Ang mga batang edad apat ay madalas na naglalaro at wala pang ideya sa maraming bagay kaya’t madalas na nakakagulat kapag may sinasabi silang maganda. Isang apat na taong gulang na bata ang nag-viral sa social media matapos nitong magbigay ng suporta sa kanyang tita habang curious itong nanunood sa ginagawa nito.
Ang tita na si Windell Gay Juntilla ay ibinahagi sa social media ang video kung saan ang kanyang apat na taong gulang na pamangkin ay pinalakas ang kanyang loob habang gumagawa siya ng school requirement. Ang kanyang cute na pamangkin ay nanunood sa kanyang ginagawa at pinupuri siya na nagpaantig ng kanyang puso.

Si Gay ay isang 4th year veterinary student mula sa Cotabato City. Makikita sa video na nagda-dissect siya ng karne ng baboy para sa kanyang surgery class nang biglang lumapit ang kanyang pamangkin na si Lunette Marian Juntilla. Curious itong nanonood sa kanyang ginagawa at ikinagulat niya nang bigla itong nagbigay ng mga papuri na nagpangiti sa kanya.
“You’re so cool, Tita Gay! You’re so cool,” papuri ng batang si Lunette.

Simpleng mga salita lamang ito ngunit nakakatuwang pakinggan kung manggagaling sa isang apat na taong gulang na bata. Tila ba nakita nito ang paghihirap ng kanyang Tita Gay kaya’t bilang suporta ay binigyan niya ito ng papuri sa pagsasabi na “cool” ito.
“Why?” tanong ni Gay sa kanyang pamangkin kung bakit nito nasabi na cool siya.
“Because you can do science in the pig,” sagot naman nito sa kanya.

Makikitang may mataas na emotional quotient ang batang si Lunette dahil sa murang edad ay mayroon na siyang simpatya sa ibang tao. Ang pagpapalakas ng loob sa kanyang tita ay ipinakita niya sa pagbibigay ng papuri dito.
“Is it easy or not easy?” tanong ng bata sa kanyang Tita Gay.
“Not easy,” sagot naman ni Gay dahil bilang isang medical student mahirap talagang maituturing ang kanyang ginagawa. Agad naman siyang sinabihan ni Lunette na kaya niya iyong gawin na may buong pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

“Don’t worry, you can do it!” pagpapalakas ng loob ni Lunette sa kanyang tita.
“Aww, thank you baby!” hindi napigilan ni Gay na mapangiti at maantig sa sinabi nito.
Ayon kay Lunette, Best in Science umano ang kanyang tita kaya buo ang tiwala niya dito na kayang gawin ang kanyang mga school requirements. “Because you’re a best science ever!”

Kwento naman ni Gay, natural na malambing umano ang kanyang pamangkin na si Lunette. Sanay na sila sa pagiging sweet nito at madalas umano itong magtanong kung okay lang sila. Si Lunette daw ay isang curious na bata at palaging nanonood at nagtatanong sa tuwing gumagawa siya ng mga school requirements.
Ayon naman sa mga netizens, napakaswerte umano ni Gay at ng kanilang pamilya na magkaroon ng malambing na bata katulad ni Lunette. Nakakatunaw umano ng puso ang mga papuri nito at pagpapalakas ng loob na hindi madalas marinig sa mga bata.

“Ang cute ni baby girl, napaka-sweet.”
“Aw nakaka-touch naman siya, sana all may sweet na pamangkin.”
“Napakaswerte nyo sa batang yan, treasure her because she’s a pure soul.”
“A very sweet and loving niece, wag ka sanang magbago baby girl.”

Walang ideya ang batang si Lunette na sikat na siya sa internet dahil sa kanyang mga papuri sa kanyang tita. Masaya naman si Gay na nakuhanan ng camera ang pabibigay nito ng papuri at pagpapalakas ng kanyang loob, ipapakita niya daw ito kay Lunette kapag nakakaintindi na ito. Nagpapasalamat din siya sa maraming netizens na nagbigay paghanga at papuri sa kanyang pamangkin.
“Luntian had no idea what’s going on with us on socmed, and she may not understand anything right now, but I’ll probably show her this when she grows up. I’m sure her future self will be very proud and happy when she knows how many people have liked her because of what she showed in this video. And I am glad as well I was able to record this moment. I am soooo proud of you, Lunette Marian Juntilla,” saad ni Gay.