Single Mom, Pinaikot ang Natitirang 3.5k, Napalago ang Negosyo at Kumita ng 3.4M

Mahirap para sa isang single mom ang mag-isang buhayin ang kanyang aak dahil lahat ng responsibilidad ay naka-atang sa kanyang balikat. Wala siyang ibang masasandalan kundi ang kanyang sarili lamang at kailangan niyang magpakatatag para sa anak.

Si Vannerie Picar ay isang single mom at mag-isang tinataguyod ang kanyang anak dahil hiwalay na siya sa kanyang dating partner. Dati siyang guro ngunit huminto siya sa pagtuturo dahil maselan ang kanyang pagbubuntis at namalagi na lamang sa kanila upang mabantayan ng mabuti ang kanyang dinadala.

Credit: Facebook / Vannerie Picar

Sa kasamaang palad ang kanyang partner at ama ng kanyang dinadala noon ay nahuli niyang may karelasyong iba. Masakit para kay Vannerie na ang taong inaasahan niya sa pagpapalaki ng kanyang anak ay may ibang babae, kaya naman napagdesisyunan niyang makipag-hiwalay na dito.

Lakas loob na itinaguyod ni Vannerie ng mag-isa ang kanyang anak, hindi na siya bumalik sa pagiging guro sa halip ay nag-apply siya bilang call center. Ang kanyang sinasahod sa call center ay hindi naging sapat sa kanila ng kanyang anak, lalo na at mag-isa lamang siya at walang kahit singko na nakukuhang suporta sa ama ng kanyang anak.

Credit: Facebook / Vannerie Picar

Dahil sa kakulangan at matinding pangangailangan, naisip ni Vannerie kung paano palalaguin ang natitirang 3,500 sa kanyang bulsa. Noong una ay takot na takot siyang gamitin ito dahil baka mapunta lang sa wala at masayang lang ang huling pera na mayroon siya.

Kalaunan ay nakahanap siya ng lakas ng loob at naisip na magnegosyo. Dahil maliit lamang ang kanyang puhunan ay nahirapan siya noong una, ngunit sa kabutihang palad ay may mabuting supplier ang tumanggap ng kanyang 3,500.

Credit: Facebook / Vannerie Picar

“Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500.”

After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”

Napag-desisyunan ni Vannerie na magbenta online ng mga skin care products dahil ito ang patok na patok ngayon. Sa una ay hindi naging madali ang kanyang pagbebenta, walang gustong bumili sa kanya dahil bago pa lang siya sa negosyo at hindi pa kilala.

Credit: Facebook / Vannerie Picar

Kaya naman naisip ni Vannerie na gamitin mismo ang kanyang binebentang mga skin care products upang maipakita sa mga tao na maganda at epektibo ang kayang mga binebenta. Siya mismo ang naging modelo ng kanyang mga skin care products, at hindi naman siya nabigo dahil unti-unti na siyang nakilala at marami ng bumibili sa kanya.

Dahil sa kanyang sipag at tiyaga matagumpay na ngayong online seller si Vannerie. Umabot lang naman ng 3.4 million pesos ang kabuuan ng kanyang kinita sa pagbebenta ng skin care products. Ang dating 3,500 ay lumago ng isang libong beses dahil sa ipinakita niyang determinasyon at kagustuhan na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak.

Credit: Facebook / Vannerie Picar

“Hindi ko inaakala na mararating ko yung Php3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iya talaga ako.”

Nagbunga ang lahat ng paghihirap ni Vannerie bilang isang ina at isang online seller. Hindi niya lubos akalain na darating ang panahon na magiging milyonaryo siya sa tulong ng 3,500 na puhunan. Ang tanging gusto niya lang noon ay maitaguyod ang anak, ngunit sobra-sobra pa ang ibinigay sa kanya ng Panginoong Diyos.

Credit: Facebook / Vannerie Picar

“Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seler, bilang isang anak.”

Maraming netizens ang natuwa at na-inspire sa kwento ni Vannerie. Patunay lamang ito na malayo ang mararating ng taong may determinasyon. Kahit mahirap ay gagawin ang lahat para sa kapakanan ng anak. Hindi dahilan ang kakulangan ng pera, kapag gusto ay may paraan. Ang kulang ay palaguin imbes na magreklamo sa sitwasyon.

Leave a Reply