12-Anyos na Bata, Napabayaan at Nasawi Dahil sa Severe Lice (Kuto) Infestation

Ang kuto ay isang uri ng parasitic insect na sumisipsip ng dugo ng tao na nagdudulot ng labis na pangangati at pagsusugat. Dito sa Pilipinas, ang mga kuto ay pamilyar sa marami lalo na at halos lahat ng bata ay nakaranas na magkaroon nito. Ngunit hindi lang pala simpleng pangangati at pagsusugat ang maaring idulot ng mga kuto, kundi maaari ring magdulot ng pagkasawi ng buhay.

Isang 12-anyos na bata sa Giorgia, USA ang napabalitang pumanaw dahil umano sa severe lice infestation o pagkakaroon ng maraming kuto sa kanyang katawan. Dahil dito, nahaharap sa mga kasong second-degree murder at second-degree child cruelty ang kanyang mga magulang.

Credit: Metro

Kinilala ang bata na si Kaitlyn Yozviak at natagpuang wala ng buhay noong August 26, 2020. Ayon sa medical records na ipinakita ni special agent Ryan Hilton ng Georgia Bereau of Investigation, dumanas umano si Kaitlyn ng cardiac arrest at severe anemia bago tuluyang pumanaw.

Ayon kay Ryan, ang kaso ni Kaitlyn ay ang pinakamalalang lice infestation na nahawakan ng GBI. Base sa kanilang imbestigasyon, mukhang tatlong taon na umanong pabalik-balik ang problema ng mga kuto ni Kaitlyn sa kanilang tahanan. Kaya naman naniniwala siya na ang paulit-ulit na pagkagat at pagsipsip sa dugo ni Kaitlyn ang nagpababa ng kanyang blood iron levels na nagdulot ng anemia, at siyang nauwi sa heart attack ng bata.

Credit: Reddit

Batay sa mga media reports, nakatanggap umano ang 911 dispatcher ng tawag noong August 26 mula sa tahanan ni Kaitlyn. Nakausap nila ang ina nito na si Mary Katherine ‘Katie’ Horton at nagsasabing walang malay ang kanyang anak na si Kaitlyn. Agad na pinuntahan ng mga paramedics ang bahay nila at sinugod sa ospital ng Navicent Medical Center ang bata, ngunit huli na umano ang lahat.

Saad ng mga imbestigador, napakadumi umano ng tahanan nila Kaitlyn, at maraming mga parte na sira at kailangan kumpunihin. Bukod sa madumi at sira, nagkalat umano ang mga vermin (parasitic worms or insects) sa kama, mga muebles, at mg laruan ng bata sa kanyang kwarto.

Credit: 13WMAZ.com

Mula naman sa records ng Georgia Division of Family and Children Services (DFCS) mayroon na palang kaso ng kapabayaan ang mga magulang ni Kaitlyn na sina Katie Horton at Joey Yozviak. Nauna na umanong inihiwalay ang dalawa pang kapatid ni Kaitlyn dahil sa unsanitary conditions sa bahay ng mag-asawa at dinala ang mga ito sa kanilang lola.

Noong panahon naman na ipinanganak si Kaitlyn taong 2008, balak na palang ipaampon ng mag-asawa ang bata ngunit nagbago umano ang isip ng mga ito at napiling sila na lang ang mag-aalaga at magpapalaki. Ngunit makalipas ang sampung taon, naireklamo ang mag-asawa dahil sa dumi ng kanilang bahay na hindi ligtas para sa batang si Kaitlyn.

Credit: The What If Show

Ang sampung taong gulang na si Kaitlyn noon ay dinala sa kanyang tiyahin, ngunit bumalik rin sa kanyang mga magulang makalipas ang anim na araw. Ikinalungkot naman ng guro ni Kaitlyn ang biglaang pagpanaw ng kanyang estudyante, ayon pa sa kanya ito raw ay “very sweet, sweet girl.”

Pinuna naman ng lola ni Kaitlyn na si Anna Horton ang kapabayaan ng otoridad. Sana daw ay mas binigyang pansin ang kalagayan ni Kaitlyn upang mabigyan agad ng aksyon at hindi na umabot pa sa pagkasawi. Kung nalaman niya lang daw sana agad ay sana kinuha niya na ito sa kanyang pangangalaga at siya na ang nagpalaki ng maayos katulad ng ginawa niya sa dalawa pa nitong kapatid.

Credit: Zoom Zoom Groom

Sino ba naman ang mag-aakala na maari palang magdulot ng pagkasawi ang pagkakaroon ng kuto. Bukod sa mga kuto ang pagkakaroon ng maduming tahanan ay isa ring dahilan ng pagkakaroon ng sakit. Bilang mga magulang, nararapat na bigyan ang anak ng malinis, maayos at ligtas na tahanan upang maprotektahan sila sa sakit at makapamuhay ng kumportable.

Leave a Reply