Pinay OFW sa Dubai, Hindi Iniwan ang mga Amo at Alagang Bata Matapos Manalo ng Isang Milyon

Karaniwan na ang mga OFW ay nagtatrabaho sa ibang bansa at nagsasakripisyo dahil kailangan nila kumita para masuportahan ang naiwang pamilya. Ang bawat pera na kanilang sinasahod ay importante at lahat ng ito ay ipinapadala sa kanilang pamilya. Ngunit marami ang nagtaka sa Pinay OFW na ito dahil hindi pa rin siya umuwi sa Pilipinas kahit na siya ay milyonarya na, bakit nga ba?

Si Rosie Vargas Villa ay isang Pinay OFW sa bansang Dubai at nagtatrabaho bilang isang yaya at katulong sa isang pamilya doon. Gaya ng karaniwang ginagawa ng mga OFW siya ay masikap na nagtatrabaho para sa kanyang pamilya. Bukod sa masipag, siya rin ay mabait na katulong at yaya sa mga anak ng kanyang amo kaya naman hindi nakakapagtaka na minahal na siya ng mga ito at itinuring na parang totoong pamilya.

Credit: GMA Pinoy TV

Nito lamang taong 2018 ay pinarangalan siya bilang “UAE Best Nanny” at imbes na medalya ay nagkakahalagang 70,000 dirhams o nasa isang milyong piso ang kanyang napanalunan. Lubos ang saya ni Rosie sa kanyang parangal na natanggap at hindi akalain na siya ang mananalo.

Ang kasipagan at pagiging mabuting OFW niya ay nagbunga at ngayon ay isa na siyang milyonaryo. Ngunit ikinagulat ng lahat nang hindi siya umalis sa trabaho at nanatili bilang katulong at yaya. Matapos niyang manalo ay inaasahan na ng kanyang mga amo na siya ay mag-iimpake na at magpapaalam na para umuwi ng Pilipinas pero kabaligtaran ang nangyari.

Credit: GMA Pinoy TV

Ayon kay Rosie hindi niya kayang iwan ang kanyang amo at mga alagang bata dahil napamahal na siya sa mga ito. Para sa kanya ay ‘pera lang yan’ at ito ay madaling maubos, ngunit ang mababait na amo na meron siya ay mahirap ng matagpuan ulit. Iniisip ni Rosie na kung uuwi siya sa Pilipinas at maubos ang kanyang perang napanalunan ay hindi na ulit siya makakabalik sa mga dating amo at baka malabo ng makahanap pa ng kasing bait nila.

Credit: GMA Pinoy TV

Matagal ng OFW si Rosie at marami na siyang bansang napuntahan tulad ng India, Hong Kong, Singapore at France. Marami na rin siyang amo na pinagsilbihan ngunit ang amo niya ngayon sa Dubai ang pinakamabait sa lahat. Para sa kanya, ang pinakamagandang desisyon na nagawa niya sa buhay ay ang piliing magtrabaho sa Dubai dahil maswerte siya sa amo at pamilya nito na hindi niya naranasan sa ibang bansa na napagtrabahuan niya na.

Credit: GMA Pinoy TV

Mahal niya ang kanyang trabaho at masaya siyang pinagsisilbihan ang kanyang amo at mga alaga. Siya ay mabait, masipag at magaling sa kanyang trabaho kaya naman gustong-gusto siya ng mga ito. Hindi niya rin kaya pang iwan ang mga alaga niya dahil maliliit pa ang mga ito, at siya na ang nagpalaki sa kanila kaya siguradong malulungkot ang mga bata kung aalis siya.

Credit: GMA Pinoy TV

“Ikako, yung alaga ko, di ko yan maiwan. Oo, may anak ako sa Pilipinas pero naiintindihan na niya. Itong mga bata, ayaw kong maiwan nang ganun na lang, bigla. Kasi nga ako ang nagpalaki sa kanila,” saad ni Rosie.

Depensa naman ni Rosie sa mga nagtatanong at nagtataka kung bakit hindi pa siya umuuwi ng Pilipinas kahit milyonarya na ay, “Hala, pera lang yun. Aanhin ko naman yun. Mauubos lang yun eh.”

Credit: GMA Pinoy TV

Hindi daw mapapalitan ng pera ang magandang samahan na mayroon siya sa kanyang amo at sa kanyang mga alaga. Naiintidihan naman ng kanyang pamilya sa Pilipinas at suportado naman ang naging desisyon niya. Ang importante ay hindi naman siya nagpapabaya at para rin naman sa kanyang pamilya ang ginagawa. Ayaw umano dumepende ni Rosie sa milyon na kanyang napanalunan dahil kung gaano niya ito kabilis nakuha ay maaaring ganun din ito kabilis maubos kung uuwi siya at ipagpapalit ang magandang trabaho.

Credit: GMA Pinoy TV

“Sobra pa sa milyon yun eh. Siguro dadalhin ko na habang buhay yung magandang pagsasamahan namin dito,” dadag ni Rosie.

Marami namang netizens ang sumang-ayon sa desisyon ni Rosie at sinabing tama lang ang desisyon niya. Ang isang milyon daw ay maliit lamang kapag nasa Pilipinas na at madaling maubos. Payo rin ng iba na i-invest niya ang pera o bumili siya ng lupa o bahay para may magandang patunguhan ang kanyang isang milyon.

Leave a Reply