Dayuhang Iniwan at Pinerahan ng Kasintahan, 8 Taong Namuhay Bilang Tindero ng Gulay

Ang mga dayuhan na nagkakaroon ng kasintahang Pinay ay hindi na bago sa ating bansa. Dahil sa pagiging natural na maganda at mapagmahal ng ating mga kababayang Pilipina, normal lang na maraming dayuhan ang magustuhan sila. Ngunit nakakalungkot isipin na may ilan pa ring Pinay ang nagagawang manloko matapos silang mahalin ng dayuhan.

Ibinahagi ng netizen na si Joy Dondan ang kwento ng isang dayuhan na niloko umano ng kanyang kasintahan. Kinilala ang dayuhan na si Bryan Laurence, siya ay 61-anyos at nagmula sa New Zealand. Sa kasalukuyan siya ngayon ay walong (8) taon ng naninirahan sa Kidapawan River Park at nagtatrabaho bilang tindero ng gulay.

Credit: We’re Pinoy

Ayon kay Joy, si Bryan umano ay may kasintahang Pilipina na nakilala niya sa social media. Matapos ang ilang buwang pakikipag-chat nila sa isat-isa, nahulog ang loob ni Bryan sa Pinay at napag-desisyunan na pumunta dito sa Pilipinas upang mapatunayan ang kanyang pagmamahal.

Sa kasamaang palad, ang kanyang kasintahan ay pinerahan lang pala siya. Kinuha umano nito ang lahat ng kanyang pera at sinabing ininvest ito upang makapagpatayo ng negosyo kalaunan. Naniwala naman si Bryan sa kanyang kasintahan dahil mahal niya ito, ngunit natuklasan niya na hindi ito kailanman nag-invest sa kahit ano at binulsa lang pala ang lahat ng kanyang pera.

Credit: RMN Network

Maski ang bahay na inakala niyang binili nila ay hindi pala totoo. Bukod sa naubos na ang lahat ng kanyang pera, ang bahay pala na kanilang tinitirhan ay inuupahan lamang. Ang inakala niyang pera na ipinambili ng bahay ay ibinulsa lang din ng kanyang kasintahan.

Hindi pa dyan natapos ang nakakalungkot na nagyari kay Bryan, dahil bukod sa pinerahan lang siya ng kanyang kasintahan, niloko rin siya nito sa kanyang totoong kasarian. Napag-alaman niya na ang kanyang kasintahan na inaakala niyang natural na babae ay hindi pala babae kundi lalaki.

Credit: PairedLife

Matapos malaman ni Bryan ang lahat ng panloloko sa kanya ng kasintahan ay bigla na lamang itong naglaho at iniwan siya. Hindi niya na ito mahanap kahit saan at hindi na rin niya matawagan pa. Tinangay nito ang lahat ng kanyang pera at naiwan siyang naghihirap.

Nagsampa umano siyang kaso laban sa kanyang dating kasintahan ngunit walang nangyari. Dahil sa kakulangan niya sa pera hindi na umusad ang kaso. Nadismaya siya nangyari sa kanya dahil hindi niya lubos akalain na ang taong minahal niya ay nagawa siyang lokohin at iwan.

Credit: The Daily Sentry

Subalit hindi sumuko si Bryan at ipinagpatuloy ang kanyang buhay dito sa Pilipinas. Imbes na umuwi pabalik ng New Zealand ay nanatili na lamang siya dito at nagtrabaho bilang tindero ng gulay. Sa kasalukuyan, siya ay walong taon ng nagtitinda ng gulay at kahit papaano ay maayos naman siyang nakakapamuhay kahit mahirap.

Kinaawaan at hinangaan naman siya ng maraming netizens dahil sa nangyari sa kanya at katatagan niya sa buhay. Hindi umano biro ang kanyang pinagdaanan lalo na at hindi siya pamilyar dito sa ating basa at matanda na siya. Mabuti na lamang ay matatag siya at hindi nagpadala sa masamang ginawa ng kanyang dating kasintahan.

Credit: The Daily Sentry

“Karma na ang bahala sa manlolokong yon.”

“Kaya tayo nababansagan na manggagamit e, dahil sa mga taong katulad nyan na nanloloko ng mga foreigners.”

“Ang kapal ng mukha minahal ka na, nanloko pa, nakakahiya.”

“Nakakabilib din siya kasi kahit niloko na, di pa rin siya umalis dito sa atin. Pwede naman siya pumunta ng embassy kung gusto niya umuwi sa kanila.”

“Keep it up, malay mo makakilala ka pa ng Pinay na deserve mo at di ka lolokohin. Marami pa namang mabait na Pinay diyan.”

Nakakalungkot isipin ang nangyaring ito kay Bryan dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit masama ang tingin sa mga Pilipinang nagkakaroon ng relasyon sa mga dayuhan. Ngunit hindi naman lahat ng Pilipino ay manloloko, marami pa ring mapagmahal at mabuti na hindi kailanman ginawang basehan ang pera sa pakikipagrelasyon sa mga dayuhan kundi purong pagmamahal lang.

Isang magandang halimbawa naman si Bryan dahil sa kanyang ipinakitang katatagan sa buhay. Positibo pa rin siyang namuhay matapos ang masaklap na karanasan niya. Hindi niya inalintana ang pagiging tindero ng gulay na malayo sa kanyang buhay sa New Zealand at piniling maging masaya na lamang sa kanyang simpleng buhay dito sa Pilipinas.

Leave a Reply