1,100 Year-Old Ancient Gold Coins, Natagpuan ng Dalawang Teenager sa Ehipto

Sa lahat ng pwedeng mahukay sa lupa, sino ba ang mag-aakala na maaari ka pa lang makatagpo ng mga gintong barya? Ikinagulat ng dalawang teenager na ito nang makahukay sila ng garapon na naglalaman ng mga ancient gold coins.

Ayon sa Israel Antiquities Authority (IAA) natuklasan umano ng dalawang teenage volunteers sa isang archaeological excavation ang isang rare hoard ng 425 gold coins mula sa Abbasid Caliphate na tinatayang 1,100 taon na. Ang mga dalawang kabataan ay nagsasagawa umano ng volunteer work bago ang kanilang mandatory military service.

Credit: YouTube / Israel Antiguities Authority Official Channel

“It was amazing. I dug in the ground and when I excavated the soil, saw what looked like very thin leaves,” saad ni Oz Cohen isa sa kabataan na nakadiskubre ng gold coins.

Nagulat at natuwa umano si Oz Cohen sa kanyang nadiskubre. Hindi daw pangkaraniwan na makatagpo ng gintong mga barya sa lupa at itinuturing itong ancient treasure. “When I looked again I saw these were gold coins. It was really exciting to find such a special and ancient treasure.”

Credit: YouTube / Israel Antiguities Authority Official Channel

Saad naman ng isa sa mga excavation directors, napakapambihira daw ang pangyayaring ito na makatagpo ng ancient gold coins. Sa ilang beses nilang pagsasagawa ng excavations ay hindi pa ito nangyari dahil alam ng lahat na ang gold ay mahalaga at walang basta-basta na naglilibing nito kung saan. Katunayan ay madalas itong tinutunaw upang magamit sa panibagong bagay noon.

“Finding gold coins, certainly in such a considerable quantity, is extremely rare. We almost never find them in archaeological excavations, given that gold has always been extremely valuable, melted down and reused from generation to generation.”

Credit: YouTube / Israel Antiguities Authority Official Channel

Purong ginto umano ang mga natagpuan na gold coins. Bukod pa dun ay nasa magandang kondisyon ito na tila ba kahapon lang inilibing sa lupa. Bihira lamang makakita ng mga ginto na nasa magandang kondisyon lalo na kung siglo na itong nakalibing sa ilalim kaya maituturing na pambihira ang kanilng natuklasan.

“The coins, made of pure gold that does not oxidize in air, were found in excellent condition, as if buried the day before. Their finding may indicate that international trade took place between the area’s residents and remote areas.”

Credit: YouTube / Israel Antiguities Authority Official Channel

Ayon sa coin expert na si Dr. Robert Kool ng IAA, ang kabuuang timbang umano ng hoard ay nasa 845 grams na purong ginto ay isang mahalagang pera na sa pagtatapos ng ika-9 na siglo. Maaari ka na umanong makabili ng bahay sa isang pinakamahal na subdibisyon sa Egypt.

“…a person could buy a luxurious house in one of the best neighborhoods in Fustat, the enormous wealthy capital of Egypt in those days.”

Credit: YouTube / AFP News Agency

Ang mga ginto na natagpuan sa archaeological excavation na ito ay magkakaroon ng malaking ambag sa pag-aaral ng kasaysayan. Magbibigay ito ng karagdagang kaalaman tungkol sa sinaunang panahon na kung saan ay kaunti lamang ang ating nalalaman.

“This rare treasure will certainly be a major contribution to research, as finds from the Abbasid period in Israel are relatively few. Hopefully the study of the hoard will tell us more about a period of which we still know very little.”

Credit: YouTube / AFP News Agency

Ang mga ganitong archaeological excavation ay isa sa mga paraan upang matuklasan ang kasaysayan ng mundo at pamumuhay ng mga tao noon. Malaki ang magiging ambag ng mga pag-aaral na ito sa pagkakakilanlan ng ating mga pagkatao. Kaya naman ang mga ganitong aktibidad ay napakahalaga at binigigyan ng importansya.

Leave a Reply