Batang Nakatulog sa Birit ng Kanyang Tiyahin na ‘It’s All Coming Back To Me Now’, Kinaaliwan sa SocMed

Ang pag-aalaga ng bata ay isang mahirap na gawain dahil kailangan nila ng matinding gabay at atensyon. Isa na siguro sa pinakamahirap na parte ay ang pagpapatulog sa mga bata, lalo na ang mga nasa toddler stage pa lang. Sila kasi ang mga batang mataas ang energy at palaging gustong nilalaro lang sila, ngunit ang pagpapatulog sa bata ay tila mani lang para sa babaeng ito.

Credit: Facebook / Minna Atab

Si Minna Atab ag mula sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kung saan ay mina-mani niya lamang ang pagpapatulog sa kanyang toddler na pamangkin sa pamamagitan ng kanyang pagkanta. Hindi lang simpleng pagkanta ang ginagawa ni Minna sa pagpapatulog, kundi pagbirit lang naman ng kantang “It’s All Coming Back To Me Now.”

Si Minna ay nag-aalaga ng kanyang pamangkin na si Jasylle na isang toddler. Parte ng pag-aalaga ay ang patulugin ito ngunit imbes na lullaby ang kanyang kantahin ay ang birit song ni Celine Dion ang kanyang kinakanta para patulugin ang kanyang pamangkin.

Credit: Facebook / Minna Atab

Sanay na umano ang kanyang pamangkin na si Jasylle sa pagkanta niya dahil lagi daw talaga siyang kumakanta sa tuwing inaalagaan niya ito. Kung ang ibang bata ay naiingayan sa mga bumibirit, ang kanyang pamangkin ay gustong-gusto na ito. Imbes na magising ang kanyang pamangkin sa pagbirit ay kabaligtaran ang nangyayari dahil ito ay mabilis na nakakatulog.

“Bonding time po namin yung kinakantahan ko po siya doon sa duyan pag may time po na ako yung nagpapatulog sa kanya… Nasanay na po siya na mkatulog ng mabilis pag may music o kanta po,” kwento ni Minna.

Credit: Facebook / Minna Atab

Napag-alaman na si Minna pala ay isang singer at bokalista ng isang banda sa kanilang lugar kaya hindi kataka-taka na mayroon siyang magandang boses. Ang tinig niyang ito ay ginagamit niya sa pagpapatulog ng kanyang toddler na pamangkin na napakalaking tulong sa kanyang pag-aalaga dito.

Ang magandang boses ni Minna at ang galing niya sa pagbirit ay nagsilbing lullaby ng kanyang pamangkin. Kinagiliwan ito ng maraming netizens na umani ng maraming reaksyon at mga komento. Ayon sa kanila nakakamangha ang pagbirit ni Minna at sobrang nakakaaliw naman ang reaksyon ng kanyang pamangkin.

Credit: Facebook / Minna Atab

“Wow ang galing! Ang ganda ng boses!”

“Ang cute ng baby nakakatulog sa birit song.”

“Kung magada lang din boses ko, lagi ko rin kakantahan yung anak ko.”

“Sana all maganda boses, pa-help naman magpatulog ng anak.”

“Ayaw ng lullaby, gusto pala birit song para makatulog.”

“Kaya pala ‘di makatulog yung anak ko kasi ‘di ako marunong kumanta.”

Credit: Facebook / Minna Atab

May ibat-ibang paraan ng pag-aalaga ng mga bata depende sa tao pero para kay Minna ang kanyang pagkanta ay hindi lang talento para sa entablado kundi para rin sa pag-aalaga ng bata. Masaya siya na nagagamit niya ang kanyang boses upang mapadali ang pag-aalaga sa toddler na pamangkin. Paraan niya rin ito upang magkaroon sila ng magandang samahan at matibay na relasyon sa isat-isa.

Isang magandang halimbawa si Minna ng pagiging mabuting tiyahin, kahit mahirap magpatulog ng bata ay masikap niya itong ginagawa. Nagpapasalamat din siya dahil nabiyayaan siya ng ganitong talento dahil malaki ang tulong na naibibigay nito sa kanya, at maaaring magamit niya rin ito sa hinaharap kung sakaling magkaroon na siya ng sariling anak.

Leave a Reply