Bibingka Vendor na May Maamong Mukha at Natural na Ganda, Trending Muli sa Social Media

Ang magagandang babae ay madalas na nakikita sa telebisyon o sa mga beauty pageants dahil sa angkin nilang kagandahan na ginagamit upang makatulong sa pamilya. Ngunit hindi lahat ng maganda ay makikita sa telebisyon o mga beauty pageants, ang ilan ay masikap na nagtatrabaho bilang isang vendor para makatulong sa pamilya.

Isang dalaga ang nag-viral sa social media matapos ibahagi ng isang facebook page ang kanyang mga larawan na nakuhanan habang nagtitinda siya ng bibingka. Ang dalaga ay nakilalang si Cristy Cuizon, 17-anyos siya nung nakuhanan ng litrato at isang high school student sa DT Duranao Memorial Integrated School sa Danao City.

Credit: Facebook / Darkroom Cebu

Siya ay mula sa Cebu at masikap na nagtitinda ng mga bibingka na gawa ng kanyang Nanay Manilyn at Lola Jocelyn. Ang pagtitinda umano ng mga bibingka ay paraan niya ng pagtulong sa kanyang pamilya. Hindi niya alintana ang mainit na panahon at maghapong pagtitinda para lamang kumita.

Noong panahon na may ginaganap na Motocross event, si Cristy ay nagtitinda ng bibingka sa isang gymnasium sa Barangay Taboc, Danao City, Cebu. Habang nagtitinda siya ay napansin ng isang photographer na si Clark Laurent Dumon ang kanyang taglay na kagandahan. Agad niya itong kinuhanan ng mga litrato at ibinahagi sa page ng Darkroom Cebu.

Credit: Facebook / Darkroom Cebu

Agad na nag-viral ang kanyang mga larawan at umani ng maraming reaksyon at komento mula sa mga netizens. Nakakagulat daw na ang magandang katulad niya ay nagtitinda ng bibingka. Madalas kasi na sa mga beauty pageants lang sila nakikita at takot na mainitan ng araw kaya hindi pala-labas.

Si Cristy ay binansagan na ‘Bibingka girl’ o ‘Bebebingka girl’ ng mga netizens. Kapag nakita mo daw siya na nagtitinda ay siguradong mapapabili ka dahil mabibighani ka sa kanyang magandang mukha.

Credit: Facebook / Darkroom Cebu

Wala namang problema si Cristy sa pagtitinda niya ng bibingka at hindi niya iniisip ang kanyang itsura. Ang importante sa kanya ay makatulong sa kayang pamilya kaya’t hindi niya akalain na may makakapansin ng kanyang taglay na kagandahan. Sa edad na pito ay nagtitinda na siya ng bibingka kaya hindi niya alintana ang init at pagod sa pagiging bibingka vendor.

Bukod sa taglay na kasipagan ni Cristy sa pagtitinda ng bibingka, siya rin ay masipag na mag-aaral. Sa katotohanan ay pangarap siyang maging pulis. Marami ang nagulat sa kanyang pangarap dahil iniisip ng iba na may tsansa siyang maging modelo, artista o beauty queen.

Credit: Facebook / Darkroom Cebu

Gayunpaman, determinado si Cristy na maging pulis at balak niyang mapabilang sa Philippine National police (PNP). Hindi umano siya takot na maging pulis at gusto niyang protektahan ang kanyang pamilya at kanilang kumunidad.

“I want to help my family and others. I’m not scared to be a police officer. I want to protect my community,” saad ni Cristy.

Credit: Facebook / Darkroom Cebu

Nakakatuwang ang katulad ni Cristy ay may mataas na pangarap sa buhay sa kabila ng pagiging bibingka vendor ay hindi siya nawawalan ng pag-asa. Mas gusto niya rin na gamitin ang kanyang kakayahan kaysa ang kanyang kagandahan.

Patunay lamang ito na hindi sa lahat ng bagay ay pisikal na itsura ang importante, mas importante pa rin ang determinasyon at sariling kakayahan upang magtagumpay sa buhay. Ang pisikal na kagandahan ay nawawala pagdating ng panahon, ngunit ang kakayahan ng isang tao ay panghabangbuhay.

Leave a Reply