Ginang, Nakakita ng 1 Million Argentinian Money Mula sa Paninda Niyang Ukay-Ukay

Ang ukay-ukay na mga damit ay isa sa pangunahing takbuhan ng mga Pinoy sa tuwing kailangan nila ng damit. Bukod sa mura, marami ring magagandang klase kaya hindi kataka-taka na sikat ang ukay-ukay dito sa bansa.

Ang pagkahumaling natin sa ukay-ukay ay naging oportunidad sa marami para gawin itong negosyo. Kahit saan ka magpunta ay mayroon kang makikitang ukayan at kahit pa nga sa online ay may ukay-ukay na rin. Isa sa mga ukay-ukay vendor ay si Badang Matuguina kung saan hindi inaasahang makakuha siya ng pera sa isa sa kanyang mga ukay na paninda.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Isang normal na tindera ng ukay-ukay si Badang sa Quezon City at dahil patok ang ukayan ay napili niya itong gawing negosyo. Bago niya ibenta ang mga damit, inaayos at sinusuri niya muna ang mga ito. Madalas umano siyang makakita ng mga papel, sulat, ID at maging pera sa ilang bulsa ng mga damit.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Ngunit isang araw ay hindi lang basta normal na papel o ID ang kanyang nakita, kundi isang banyagang pera na may malaking halaga. Nakakuha siya ng anim na pirasong banyagang pera na may nakasulat na isang milyon. Noong una ay inakala niyang play money lamang ito dahil ngayon lang siya nakakita ng ganung klase ng pera na may isang milyon ang halaga na nakasulat.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Nag-search umano siya online at doon niya nakumpirama na ito ay isang Argentinian money mula sa bansang Argentina at nagkakahalaga ng 1.4 million pesos kung iko-convert sa pera ng Pilipinas. Nagulat si Badang at naisip na napakaswerte niya dahil magiging instant milyonaryo na siya.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Kung sakaling mapalitan umano ang pera ay gagamitin niya ito upang makapagpagawa ng bahay at tumulong sa iba. Magiging malaking tulong ito sa kanilang pamilya at mamamahagi rin daw siya ng bigas at grocery sa kanyang mga kamag-anak. Balak niya rin daw na magtayo ng iba pang negosyo at itabi ang matitira para sa pag-aaral ng kanyang anak.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Agad siyang pumunta sa palitan ng pera at umaasang mapapalitan ito ng Philippine Peso. Sinuri ito ng Numismatist (eksperto sa barya at perang papel) at kinumpirma na tunay ang mga perang papel na nakuha ni Badang sa bulsa ng kanyang ukay. Ngunit ayon kay Walter na siyang Numismatist, bagamat totoo ang anim na pirasong isang milyong Argentinian money hindi niya umano sigurado kung magkano ang halaga nito dito sa Pilipinas.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Ayon naman sa currency expert na si Tyrone Solee maaaring hindi na daw ito mapalitan dahil matagal ng itinigil ang sirkulasyon ng perang iyon sa Argentina. Nagkaroon ng hyper-inflation sa Argentina kaya naman ang perang iyon ay hindi na umiikot sa merkado. Sa madaling salita ‘demonetized’ na umano ang mga ito. Ngunit pwede pa itong mabenta bilang collector’s item hindi nga lang ganun kalaki ang halaga. Ang bawat isang pera na nakuha ni Badang ay pwede niyang mabenta sa halagang 100 pesos umano sa mga collector.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Lumapit naman ang programang KMJS sa embahada ng Argentina dito sa Pilipinas na siyang nagbigay ng kasagutan:

“Ayon sa mga litrato ng Argentinian Pesos na nasa kamay ngayon ni Badang, tunay at lehitimo ang mga ito.”

“Subalit wala na itong halaga ngayon sa Argentina mula nang magpalit ng value ang “Peso Ley” o ang pera ng Argentina matapos ang 1983.”

“Sa kasalukuyan ay hindi rin matukoy ng embahada ang eksaktong halaga ng Argentinian Pesos na hawak ni Badang.”

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Nakakalungkot man na hindi na mapapalitan ang pera na nakuha ni Badang, masaya pa rin siya dahil nagkaroon ng kaalaman tungkol dito. Maaaring sa susunod ay swertehin na siya ng tunay at makakita ng banyagang pera na may halaga.

Leave a Reply