Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang panganay na anak nila Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan ay hindi nila tunay na anak. Ngunit hindi ito naging hadlang upang mapalaki nila ito ng maayos at mabigyan ng pagmamahal na tulad ng sa isang tunay na magulang.
Tila kay bilis nga ng panahon at ngayon ay 17 years old na si Yohan at dalaga na. Sa paglaki ni Yohan, nagkaroon na ito ng mga katungangan patungkol sa kanyang tunay na mga magulang. Ayon naman kay Juday, mahirap man na ipagtapat sa kanilang anak ang katotohanan patungkol sa pagiging ampon nito, hindi naman daw nila ito inililihim.

Ipinahayag noon ni Juday sa kanyang TV guesting sa Tonight with Boy Abunda ang kanyang saloobin patungkol sa kanyang anak na si Yohan. Noong unang beses umano nila itong sinabi sa kanilang anak ay hindi pa ito naniniwala at akala ay binibiro lamang nila.
“Nung una parang hindi siya in denial e, pero parang baka feeling niya siguro binobola ko siya or something.”

At dahil nga lumalaki na ito ay nagkakaroon na rin ito ng ibat-ibang katanungan patungkol sa tunay na pagkatao. Nagtatanong na umano si Yohan tungkol sa tunay niyang mga magulang na sinasagot naman ni Juday ng may katotohanan.
“May tanong siya. ‘Do you know my mom?'”
“No.”
“Are you friends with my dad?”
“No, sweetheart.”
Totoong walang alam tungkol sa tunay na mga magulang ni Yohan ang mag-asawang Juday at Ryan kaya hindi rin nila masagot ang anak kung sino at nasaan ang mga ito. Ngunit kung gugustuhin daw ng anak ay pwede naman nilang hanapin ang tunay na mga magulang nito pag dumating ang tamang panahon na handa na ito.

“But, sweetheart, if at some point you want to meet them, you want to talk with them, if you feel that there are questions already in your heart that’s piling up, and feeling mo sila lang ang makakasagot, we can look for them because that’s your right.”
Inamin ni Juday na masakit ito para sa kanya, pero alam niyang karapatan ito ng kanyang anak. Kasama sa kanyang pagkatao na alamin ang kanyang tunay na pinagmulan at masagot ang kanyang mga katanungan na hindi nila kayang sagutin nila ni Ryan. Hindi daw nila ipagdadamot ngunit hiling niya na sana ay maging handa sila kung dumating man ang panahon na iyon.
“Hindi mo naman siya pinagdadamot, pero from that time she asked me that question, I was preparing myself every day. ‘Lord, dumating man yung time na maging seryoso na tong batang to, prepare mo kami kasi hindi ko siya ipagkakait sa ganoon.'”

Ibinahagi rin ni Juday kung paano nagbago ang kanyang pananaw tungkol sa salitang “adopted” na noong una ay hindi niya gusto. Para sa kanya, hindi tamang i-label ang kanyang anak na si Yohan bilang ampon o adopted dahil para sa kanila ay totoong anak nila si Yohan.
“Dumating ako sa point, Tito Boy, na pag may mga nag-i-interview sa akin, I’d always tell them, ‘Can you please not put the word ‘adopted’ because she’s our daughter and she’ll see this and I don’t want her to feel bad?'”
Sensitibo umano si Juday sa salitang ampon o adopted dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng kanyang anak. Ayaw niyang ipramdam dito na hindi siya kabilang sa pamilya. Subalit, lumipas ang panahon ay napagtanto niya na hindi naman pala masama ang salitang adopted kundi ay maganda pa nga.

“Then eventually, I realized everybody out there who’s adopted, should realize that it’s such a beautiful word.”
“Ako ang realization ko napakaganda ng salitang adopted o adoption because somebody wanted you in their lives. They chose you.” dagdag ni Juday.
Kahit kailan daw ay hindi nila ipinaramdam sa anak na si Yohan na hindi ito kabilang sa pamilya, sa halip ay lagi nilang pinapaalala at pinaparamdam na dahil kay Yohan kung bakit nagsimula ang kanilang pamilya. Si Yohan ang dahilan kung paano nabuo ang kanilang pamilya kaya hindi dapat ito malungkot.
“We made her realize na Ryan and me started a family because of you (Yohan). Basically ikaw ang naging mitsa ng kandila ng pamilya natin.”
“Her name is Johanna Louise, Lucho’s name is Juan Luis, Luna’s name is Juana Luisa—all named after you. You came first, so always remember, hindi ka basta saling-kit dito. You started this family.“

Patunay si Juday at Ryan ng pagiging mapagmahal na mga magulang na may parehong busilak na puso. Hindi biro ang magpalaki ng anak ng iba at ituring itong sariling kanila kaya maraming netizens ang humahanga sa mag-asawa at nagbibigay papuri.
Kahit daw adopted si Yohan ay makikitang napalaki ito ng maayos at mabuti. Puno daw ito ng pagmamahal at tila para talaga siya sa pamilya Santos-Agoncillo.