Mangingisda, Instant Milyonaryo Nang Aksidenteng Makahanap ng Suka ng Balyena sa Dalampasigan

Isang mangingisda sa Thailand ang swinerte dahil sa napulot na suka ng balyena. Habang naglalakad ang isang mangingisda sa dalampasigan ng Nakhon Si Thammarat ay may napansin siyang tila malaking tipak ng bato. Wala umano siyang ideya kung ano ito ngunit matapos imbestigahan ay napag-alaman na ito pala ay isang ambergris.

Ang ambergris na kanyang napulot ay isa palang bihirang klase ng ambergris na nagkakahalaga ng $3.2 million o humigit kulang 162 milyong piso. Ngunit ano nga ba ang ambergris at bakit napakamahal nito?

Credit: Facebook / Awe Republic

Sa unang tingin ay aakalain na ito ay isang ordinaryong bato lamang, ngunit ito pala ay nagmula sa tiyan ng isang balyena. Ito ay tinatawag na “ambergris” at makukuha lamang ito sa mga sperm whales. Ang madalas kainin ng mga sperm whales ay mga pusit at cuttlefish ngunit nahihirapan itong tunawin ng kanilang tiyan, kaya gumagawa sila ng sticky substance para maproteksyunan ang kanilang bituka mula sa matatalas na pagkain.

Credit: Facebook / Awe Republic

Umaabot ng ilang taon bago mabuo ang ambergris sa loob ng tiyan ng isang balyena at inilalabas nila ito sa pamamagitan ng pagsusuka. Kaya naman madalas makita ang ambergris na palutang-lutang sa karagatan o inaanod sa dalampasigan.

Credit: Facebook / Awe Republic

Ito ay malagkit kung isuka ng balyena ngunit tumitigas ito na parang bato. Ito ay may hindi kaaya-ayang amoy na halos kasing amoy na umano ng basura o nabubulok na laman. Ngunit kahit napakabaho nito ay milyones naman ang presyo nito.

Kilala din ang ambergris sa tawag na ‘floating gold” dahil kapag nakakita ka nito na palutang-lutang sa dagat ay napakaswerte mo dahil kasing halaga nito ang ginto o mas higit pa nga. Napakamahal ng ambergris dahil bihira lang itong makita. Isa ito sa pangunahing sangkap sa paggawa ng mamahaling pabango at ginagamit rin ito sa paggawa ng ilang rare herbal medicines.

Credit: Facebook / Awe Republic

Bukod sa isang mangingisda na nakapulot ng ambergris sa may dalampasigan ng isang beach sa Thailand, isa namang may-ari ng bar malapit sa dagat ang nakakita rin ng ambergris sa Koh Samui Island. Ang nasabing bar owner ay si Boonyos Tala-upara at napulot niya rin daw ito sa may dalampasigan habang naglalakad-lakad. Ang napulot ni Boonyos na ambergris ay may bigat na 10 kilos at nagkakahalaga ng $500,000 o 25 million pesos.

Credit: Facebook / Awe Republic

Hindi lang yan, may isa pa ulit nakapulot ng ambergris sa isa na namang beach sa Thailand. Kinilala siya na si Jumrus Thiachot kagaya ng dalawang nauna, nakita niya lamang ang ambergris habang naglalakad sa may dalampasigan. Ang napulot niya ay may timbang na 6.5 kilos at nagkakahalaga ng $470,000 o humigit kumulang 23 million pesos.

Credit: Facebook / Awe Republic

Talaga namang napakaswerte ng mga taong ito dahil sila ay instant milyonaryo dahil lang sa suka ng balyena. Sino ba naman ang mag-aakala na ang simpleng bato sa dalampasigan ay isa palang ambergris na nagkakahalaga ng milyones. Tunay na napakapambihira ng mundo, bigla ka na lamang bibigyan ng biyaya sa hindi inaasahang pagkakataon.

Leave a Reply