Payo ni Lucy sa Anak na si Juliana, “Who You Marry is The Most Important Decision You Make”

Si Juliana Marie Beatriz Torres Gomez o mas kilala ng publiko bilang si Juliana Gomez ay anak ng mag-asawang aktor at politician na sina Lucy Torres at Richard Gomez. Siya ay 21 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa University of the Philippines, Diliman.

Hindi katulad ng mga kasing-edad niyang mga anak ng artista, si Juliana ay napiling mamuhay lang ng simple at malayo sa mundo ng showbiz. Tanging pagmomodelo at pagpopost sa social media lamang ang kanyang pinagka-interesan at hindi ang pag-aartista.

Credit: Instagram / gomezjuliana

Maraming nagsasabi na hindi daw ito interesado sa mundo ng showbiz dahil susundan nito ang yapak ng kanyang mga magulang sa politika. Hindi naman kataka-taka na iyon nga ang mangyari dahil na rin sa kursong kanyang kinukuha na Public Administration.

Marami naman ang naging curious sa kanyang buhay pag-ibig, lalo na noong na-link siya sa dating housemate ni kuya sa Pinoy Big Brother na si Marco Gallo. Ngunit nitong nakaraan ay nakita siya na kasama ang national fencing athlete na si Miggy Bonnevie-Bautista, at napatunayan pa ito noong nagpost si Miggy ng kanilang mga larawan sa instagram nito na umani ng maraming reaksyon at komento mula sa mga netizens. Dahil dito marami ang nagtatanong kung nobyo niya ba ito o kamusta ba ang kanyang buhay pag-ibig.

Credit: Instagram / miggy_piggy

Para naman sa mga magulang ni Juliana, dahil ganap na dalaga na ang kanilang unica hija, hindi daw talaga maiiwasan na magkaroon ito ng buhay pag-ibig. Kaya naman, bilang mabuting magulang palagi nila itong binibigyan ng payo patungkol sa pag-ibig at sa mga lalaki.

Ayon kay Lucy, palagi niyang pinapaalala sa kanyang anak na “to pray for a good spouse.” Ang lalaking pakaksalan umano ay isa sa pinaka-importanteng desisyon na gagawin ng isang tao sa buhay. Patuloy niya, “Who you marry is the most important decision you make, the right partner can make you soar, the wrong one will clip your wings.”

Credit: Instagram / lucytgomez

Bilang isang ina, kahit gustuhin ni Lucy na palagi lang nilang kasama ang kanilang anak, darating daw talaga ang panahon na maiisip na nitong magkaroon ng sariling partner at pamilya. Kaya naman ang hiling niya lang ay makatagpo ito ng tamang lalaki. Pagdating sa pagpili hindi daw dapat ito iasa sa tadhana, dapat ay mula ito sa Panginoon.

“This is not a decision you leave to chance, or fate. This has to be God-given, heaven-approved.”

Credit: Instagram / gomezjuliana

Para naman sa ama ni Juliana na si Richard, normal lang na may manliligaw sa kanyang anak. At isa sa mga manliligaw ay maaaring ang lalaki na para sa kanyang anak. Pagdating daw sa pagpapakasal, ang pinaka-payo ni Richard sa unica hija ay ang piliin ang lalaking magpapasaya sa kanya.

“I always tell her, you really have to choose the person you want to marry, who’s going to make you happy.”

Credit: Instagram / gomezjuliana

Malaking bagay para kay Richard ang magiging buhay pag-ibig ni Juliana dahil ito lang ang kanyang nag-iisang anak. Gusto niya na mapunta ito sa mabuting kamay at magkakaroon ng maganda at masayang buhay.

“You choose somebody na you’re ready to wake up to every morning.”

Credit: Instagram / gomezjuliana

“Hindi pwedeng love mo lang siya ngayon. When you get married, that’s the face you will see the first thing, always.”

“So are you ready? Do you really love that person? That’s a good gauge,” pahayag ni Richard.

Credit: Instagram / lucytgomez

Sa kabila ng pagiging iwas ni Juliana sa mundo ng showbiz, hindi pa rin talaga maiwasan na magka-interes sa kanyang buhay-pag-ibig ang mga netizens dahil na rin anak siya ng dalawang kilalang tao. Hindi rin maipagkakaila ang kanyang taglay na kagandhan kaya maraming curious sa mga lalaking nadidikit sa kanyang pangalan.

Ganun pa man, maswerte si Juliana na magkaroon ng mabubuting magulang na andyan para sa kanya at handa siyang gabayan ano mang yugto ng kanyang buhay. Ang kanyang magulang na sina Lucy at Richard ay maluwag siyang pinalaki na may kasamang tamang paggabay at pagmamahal.

Leave a Reply