‘Not Once, But 10 Times!’ Pinay OFW, Nahuli ng Kanyang Amo na Nagnakaw ng Pera

Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker o OFW ay isang mahirap na trabaho. Kailangan mong malayo sa iyong pamilya upang pagsilbihan ang iba para makapagpadala ng pera at may pangtustos sa naiwang pamilya sa Pilipinas.

Itinuturing ang mga OFW na mga bayani ng bansa dahil sa kanilang sakripisyo para sa pamilya. Ang kanilang kasipagan sa trabaho at pagiging mabait na kasambahay ay isa sa mga nagustuhan ng mga banyaga. Isa sa mga ipinagmamalaki ng ating bansa ay ang ating mga OFW dahil saan mang sulok ng mundo ay kilala ang kanilang kakayahan at kabutihan.

Credit: YouTube / Harold Aducayen

Ngunit isng video ang nag-viral sa social media, matapos mahuli ang isang Pinay OFW ng kanyang amo na nagnanakaw ng pera. Hindi naman ito itinanggi ng nasabing OFW at umiiyak na humingi ng tawad para sa kanyang pagkakamali.

Inamin ng Pinay OFW na hindi lang ito ang unang beses na ginawa niya ang pagnanakaw ng pera kundi pang sampung beses niya na itong ginawa. Ayon sa kanya ay kumuha umano siya ng 1000, ngunit hindi nasabi kung anong currency ito.

Credit: YouTube / Harold Aducayen

Ang perang kanyang ninanakaw umano ay ipinapadala niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Nagawa niya lamang daw ito dahil gusto niyang magpadala ng mas malaking pera sa kanyang pamilya, gayunpaman hindi ito tama at kasalanan ang pagnanakaw.

Nadismaya ang amo ng Pinay OFW sa ginawa nito. Kahit masipag ito sa trabaho ay mali pa rin ang ginawa nito. Hindi niya nagustuhan na ang kasambahay na pinagkatiwalaan niya ay gagawan siya ng masama kaya naman ay tumawag ito ng pulis.

Credit: YouTube / Harold Aducayen

Labis ang pagsisisi ng Pinay OFW at lumuhod pa habang humihingi ng tawad at umiiyak. Hindi pinangalanan ang nasabing OFW at hindi pa natutukoy kung nakulong ba ito o pinauwi na sa Pilipinas.

Ang videong ito ay nagsilbing aral para sa lahat na hindi tamang magnakaw lalo na kapag nasa ibang bansa. Mas mahigpit at nakakatakot ang batas sa ibang bansa kaya’t mahirap gumawa ng kasalanan. Marami pa nga ay nahahatulan ng kamatayan kaya’t hindi dapat tularan ang ginawang ito ng OFW.

Credit: YouTube / Harold Aducayen

Ang ginawa niyang ito ay ikinadismaya rin ng maraming netizens at mga kapwa niya OFW dahil nakasira daw ito ng magandang reputasyon ng mga OFW. Nakakahiya umano ang kanyang ginawa, at hindi man lang naisip ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Hindi maganda na galing sa masama ang perang ibinubuhay sa pamilya. Mas mabuting maghirap ngunit marangal ang trabaho kaysa malaki nga ang pinapadala galing naman sa nakaw. Siguradong hindi rin natuwa sa kanya ang kanyang pamilya dahil sa kanyang ginawa. May posibilidad rin na hindi na siya makabalik bilang OFW dahil sa kanyang naging masamang reputasyon.

Leave a Reply