Pinay na HRM Graduate, Proud Dairy Farmer sa New Zealand Ngayon

Kapag sinabing New Zealand, ang una mong maiisip ay ang magaganda nilang tanawin na tila ba ikaw ay nasa isang fairytale book—berdeng kabundukan at sariwang hangin dahil walang polusyon kahit saan, maski ang mga tao ay mabubuti rin. Pinatotohanan ito ng Pinay Dairy Farmer na si Jennifer Abobo.

Si Jennifer ay isang Pinay Dairy Farmer sa New Zealand kung saan ang kanyang trabaho ay nasa linya ng agrikultura. Siya ay nag-aalaga ng mga baka sa isang farm kasama ang kanyang kasintahan at magiging asawa. Agad nabighani si Jennifer sa ganda ng New Zealand kaya naman kahit mahirap ang kanyang trabaho ay hindi niya ito alintana dahil sa napakagandang tanawin na lagi niyag nakikita.

Credit: YouTube / OG

“Sino ba naman yung ayaw magkaroon ng magandang future? And when it comes to New Zealand, sa isip-isip natin green na green, walang mga masasamang tao, walang polusyon. And napatunayan naman namin na totoo talaga iyon.”

Kilala ang New Zealand bilang ‘God’s own nation’ o ‘Paradise of the Pacific’ dahil mala-paraiso nga talaga ang ganda nito. Kilala rin sila sa kanilang mga baka, dahil mas marami pa ang populasyon ng baka sa kanilang bansa kaysa sa mismong tao. Ang dairy farming ay ang pangunahing industriya sa New Zealand at ito ang pinakamalaking bilang ng export.

Credit: YouTube / OG

Nagsimula ang lahat noong taong 2015, nang isama si Jennifer ng kanyang kasintahan sa New Zealand upang magtrabaho. Ayon kay Jennifer, noong nasa Pilipinas pa siya ay hindi niya talaga alam ang gagawin sa kanyang buhay, mabuti na lamang ay nandyan ang kanyang kasintahan na tumulong para makita niya ang totoong gusto niyang gawin sa buhay.

Credit: YouTube / OG

“Noong nasa Pilipinas pa ako parang wala talaga akong patutunguan. Kung baga hindi ko alam ang aking gustong tahakin sa future, pero may boyfriend ako na kasama ko na dito and fiance ko na, nakahanap siya ng employer sa New Zealand, and then yung employer niya nag-ask sa kaniya kung gusto niyang isama yung family niya, sinabi niya na may girlfriend siya that time so ayun kinuha rin ako ng employer niya.”

Credit: YouTube / OG

Hindi umano naging madali ang proseso ng pagpunta ni Jennifer sa New Zealand. Umabot umano ng 700 applications bago nagdesisyon ang kumpanya na tanggapin sila sa trabaho bilang dairy farmers. Kinakabahan si Jennifer noong una dahil wala siyang anumang karanasan sa agriculture o mga baka, ang kursong kanyang natapos ay Hotel and Restaurant Management na malayo sa dairy farming. Ngunit sa kabutihang palad ay agad na nakapag-adjust si Jennifer at ang kanyang kasintahan, mabilis silang natuto at nakuha ang trabaho sa dairy farming.

“Blessed talaga kami. Wala po talaga akong kumbaga experience sa farming. Hindi talaga ako nag work ng pormal na trabaho, business lang po yung ginagawa ko dati. Noong nagpunta ako dito sa New Zealand, parang ito na talaga yung linya for me.”

Bilang baguhan at wala pang karanasan sa dairy farming ay nahirapan daw talaga sa una sila Jennifer. Wala siya masyadong alam sa pagpapatakbo ng mga makinarya, pagmamaneho ng traktora at pag-aalaga ng mga baka. Ngunit dahil sa kanilang determinasyon na matuto, sipag at tiyaga ay nagbunga ang kanilang mga paghihirap.

“Nagigising kami during busy months ng mga 3:00 am tapos around 14 to 16 hours yung trabaho namin a day, so doon ako nag-adjust, and then through time naman parang nasanay na rin kami at hindi na siya ganon kahirap for us.”

“Kalaunan masasanay ka na rin, through time alam mo na talaga yung gagawin mo,” dadag pa ni Jennifer.

Credit: YouTube / OG

Masayang-masaya si Jennifer at ang kanyang fiance sa trabaho nila sa New Zealand, kahit mahirap ay naramdaman daw talaga nila na para sa kanila ang bagay na iyon. Kahit malayo sa kanyang tinapos na kurso ang trabaho niya ngayon, ang importante naman ay natuto siya at masaya sa ginagawa.

“Alam na alam na talaga namin yung trabaho namin, hindi na namin kailangan ng utos ng amo namin. Iyon yung proudest moment namin kasi imagine hindi ako graduate ng agriculture. It’s very fulfilling.”

Credit: YouTube / OG

Isang patunay si Jennifer at ang kanyang fiance na basta’t may determinasyon ay posible ang lahat. Huwag mawalan ng pag-asa kung pakiramdam ay wala ng patutunguhan ang buhay, kailangan mo lang magkaroon ng tapang na sumubok ng bagong bagay upang makita ang gustong gawin na magpapasaya sayo.

Credit: YouTube / OG

Ang pagiging dairy farmer ay hindi lang para sa mga lalaki kundi kaya rin ng mga babae katulad ni Jennifer, basta handang matuto at determinado. Hindi hadlang ang kasarian at huwag ring panghinaan ng loob kung iba ang iyong pinag-aralan sa Pilipinas kaysa sa trabahong nabigay sayo sa ibang bansa dahil lahat ng bagay ay natutunan.

Leave a Reply