Ang pagkakaroon ng kapansanan ay isang mahirap na bagay sapagkat nalilimitahan nito ang iyong pagkilos. Limitado lamang ang trabaho na kaya nilang gawin kaya naman hirap silang makapaghanapbuhay. Ngunit pinatunayan ng lalaking ito na basta’t may determinasyon ay makakaya ang lahat kahit pa may kapansanan.
Umani ng paghanga ang lalaking ito nang i-post ng Facebook page na No One Cares ang kanyang mga larawan habang naghahanapbuhay. Makikita sa mga larawan na siya ay baldado kaya naman nakaupo lamang ito. Gayunpaman, makikita ang kanyang pagsusumikap habang nagtatrabaho at hindi alintana ang kanyang kondisyon.

Ang lalaking ito ay isang mekaniko at nag-aayos siya ng mga sirang sasakyan. Ang pagkukumpuni ng mga sirang sasakyan ay mabigat na trabaho kahit sa normal na tao na walang kapansanan ay hindi ito madaling gawin. Kahanga-hanga ang kanyang ipinakitang pagsusumikap na tila ba hindi siya nalalayo sa iba at walang iniindang kapansanan.

Kahit limitado ang kanyang pagkilos ay hindi naman ito naging hadlang sa kanyang trabaho. Sa katotohanan ay magaling siya sa kanyang ginagawa at maraming customer ang nagpapaayos sa kanya ng sasakyan. Ipinakita lang niya na hindi nasusukat ang kakayahan sa pisikal na kondisyon, na kahit ang mga tulad niyang baldado ay kaya pa ring magbigay ng magandang serbisyo.

Dito sa ating bansa, ang pagkakaroon ng kapansanan ay madalas nakakaranas ng diskriminasyon kaya naman hindi sila nabibigyan ng oportunidad na magtrabaho. Maraming kumpanya ang hindi tumatanggap ng mga may kapansanan dahil iniisip nila na problema lamang ang kanilang hatid at walang magagawa.
Napakahirap para sa mga may kapansanan ang mabuhay sa ating lipunan kaya’t nakakabilib na sa kabila ng diskriminasyon at pangmamaliit sa kanila ay nanatili pa rin silang matatag sa buhay. Hindi sila basta sumusuko at pinapatunayan ang kanilang sarili sa marami.

Marami rin ang humanga sa asawa ng lalaking ito dahil sa kanyang pag-aalaga sa baldado niyang asawa. Nanatili siya sa kanyang tabi at inaasikaso ito at binibigyan ng suporta. Napakaswerte ng lalaki na magkaroon ng mabuting asawa dahil sa kabila ng kanyang kondisyon ay mahal pa rin siya nito at hindi iniwan.

Malaki rin ang pasasalamat ng kanyang asawa sa kanya dahil sa kabila ng kapansanan nito ay nanatili itong matatag para sa kanilang pamilya. Hindi ito kailanman naging pabaya at sa halip ay mas doble pa ang pagsusumikap para masuportahan ang kanilang pamilya.
Isang inspirasyon ang lalaking ito sa maraming netizens dahil isa siyang patunay na basta gusto ay makakaya. Hindi hadlang ang kapansanan o anumang kondisyon basta’t determinado at para sa pamilya.