Ang mga bata ay sadyang malikot at makulit, madalas silang maglaro at tumakbo kaya naman kapag sila ay nananahimik ay siguradong may iba na silang ginagawa. Natural sa mga bata ang maging “curious” sa mga bagay kaya naman kapag may nakikita silang kakaiba ay agad nila itong pagtutuunan ng pansin at kakalimutan ang paglalaro, tulad na lamang batang ito.
Isang bata ang nag-viral sa social media matapos itong mahuli na kumakain pala ng feeds o patuka ng manok. Ang batang si Juliet ay napansin na tahimik sa isang tabi at tahimik na nakatayo lamang sa may bintana. Hindi raw ito pangkaraniwan dahil kilala si Juliet bilang isang batang malikot at makulit.

Dahil sa pagtataka kung bakit tahimik ang bata ay agad itong nilapitan ng kanyang tagapag-alaga at laking gulat nito na kumakain pala ito ng patuka ng manok kaya tahimik. Ang bulsa ng damit ng batang si Juliet ay may lamang mga patuka ng manok at tahimik niya itong nginunguya habang nakatingin sa bintana, na tila ba kumakain ito ng popcorn habang nanunuod ng sine.
Pahayag ng tiyahin ni Juliet na si Gen Polinar, nagbebenta umano sila ng feeds at nakalimutan ng kanyang kapatid na nag-aalaga dito na isara ang pinto ng tindahan. Iniwan umano saglit ng kanyang kapatid si Juliet dahil may ginawa ito, kampante naman ang kanyang kapatid dahil naglalaro lang naman si Juliet at hindi naman nito naisip na magkaka-interes itong kainin ang patuka ng manok.
Pagbalik ng kanyang kapatid ay nagtaka ito dahil hindi na ito naglalaro at naglilikot, tahimik lamang ito na nakatanaw sa tapat ng bintana at may nginunguya. Nang tingnan ito ng kanyang kapatid ay doon na nga napag-alaman na kumakain pala ito ng feeds kaya tahimik. Agad naman itong kinuha ng kanyang kapatid at pinagsabihan na hindi tamang kainin ang feeds dahil hindi ito pagkain ng bata.

Nanawagan naman si Gen sa mga taong nagsasabing pinapabayaan nila ang batang si Juliet, hindi daw ito totoo at nagkataon lamang na nalingat ang kanyang kapatid noong mangyari iyon. Inaalagaan daw nila ng mabuti si Juliet at binabatayan ng mabuti dahil nasa trabaho ang parehong magulang nito. Hindi rin daw nila ginugutom ang bata salungat sa mga sinasabi ng mga tao.
“Hindi po namin pinapabayaan ‘yong bata, hindi rin namin yan ginugutom. Marami po siya stock na pagkain at gatas, mayroon po din siyang vitamins,” pahayag ng tiyahing si Gen.
Wala umano silang alagang manok at pawang nagbebenta lamang sila ng feeds. Pakiusap ni Gen huwag umanong gumawa ng kwento na pinababayaan nila ang kanyang pamangkin, may mga pagkakataon talagang nangyayari ito sa mga bata dahil sila ay likas na kuryoso sa mga bagay-bagay.

“Sa nagsabi po na mas inuna pa ang alagang manok kaysa bata, hindi po totoo yan kasi wala naman po kaming alaga na pangsabong na manok. At that time po, nagtatrabaho po yong mama at papa ng bata. Sana naman po ‘wag po kayo gumawa ng storya na hindi naman totoo. Hindi n’yo naman po alam ang buong details.”
Sumang-ayon naman ang mga netizens sa pahayag ni Gen. Totoong likas lang sa mga bata ang pagiging kuryoso sa mga bagay na hindi nila alam, nagkakaroon sila ng interes sa mga kakaibang bagay at gusto nila itong subukan. Hindi daw talaga maiiwasan ang ganitong bagay kahit anong bantay sa mga bata.
“Ganyan talaga ang mga bata, hindi mo maiiwasan na may kakulitan sila.”

“Nangyayari talaga yan sa mga bata. Minsan curious pa sila subo ng subo, nag-e-explore minsan.”
“Ganyan din ako dati, haha. Halos lahat naman ng bata dumadaan sa kakulitan e.”
“Totoo yan, normal sa bata ang ganyan at normal din na minsan hindi natin sila mabantayan sa dami ng gawain sa bahay. Wag kayo basta manghusga lalo na kung di nyo pa naranasan magbantay ng bata.”
“They observe, learn and explore kahit sabihin mo pa super bantay o may yaya, nakakalusot yan. Dumadaan talaga ang mga bata sa ganyan, at least paglaki nila may masaya kayong ikukwento sa kanila.”

Hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo na sa mga bata dahil natural sa kanila ang pagiging mausisa. Parte ito ng kanilang pagkatuto, kung hidni sila magkakamali o walang gagawing kakulitan ay hindi nila malalaman ang tama at mali.
Bukod dyan, ang kwentong ito ng batang si Julit ay magsisisilbi ring aral sa lahat ng magulang at tagabantay na doblehin ang pagbabantay sa mga bata. Importante pa rin na mailayo sila sa kapahamakan o ano man bagay na maaring magdulot ng sakit o sugat sa kanila dahil huwag kalimutan na bata pa rin sila at kailangan ng mas maiging gabay.