Isang “Intra-Oral Device” ang Naimbento na Makatutulong sa Mabilisang Pagpapapayat ng Isang Tao

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kagustuhan ng marami na magpapayat upang magkaroon ng fit at sexy na pangangatawan. Sa panahon ngayon, tumaas ang kagustuhan ng marami na mabawasan ang kanilang mga timbang dahil ito ay basehan ng pagiging maganda o gwapo ng isang tao.

Maraming ibat-ibang paraan para pumayat ang isang tao: pagda-diet, pag-e-exercise, pag-inom ng slimming pills at maski pagdaan sa surgery ay ginagawa na rin upang pumayat. Ngunit kahit napakadaming paraan upang pumayat marami pa rin ang nahihirapan na gawin ito, dahil hindi biro ang kailangang determinasyon at panahon na gugugulin upang makamit ang payat na pangangatawan.

Credit: Scitech Daily

Ngayon ay may dadagdag na naman sa mga paraan upang pumayat ang isang tao matapos maimbento ng University of Otago at UK researchers ang isang device na tutulong sa pagpapayat ng isang tao. Ang device na ito ay tinawag na DentalSlim Diet Control kung saan ay ang kauna-unahang device na tutulong upang masugpo ang malawakang pagdami ng kaso ng obesity o labis na pagtaba.

Ang DentalSlim Diet Control ay isang intra-oral device na ilalagay sa taas at babang likod na ngipin. Ang device na ito ay lilimitahan ang pagbukas ng ngipin hanggang 2mm lamang na tutulong upang mapilitan ang taong gumagamit na kumain lang ng kaunti o dumaan lamang sa proseso ng liquid diet. Ngunit huwag umanong ipag-alala dahil maayos pa ring makakapagsalita ang taong may gamit nito at makakahinga pa rin ng maayos, tanging mababago lamang ang paraan nito ng pagkain.

Credit: Swiss Cosmetics

Ang device na ito ay sinubukan ng mga ilang tao bilang bahagi ng pag-aaral kung epektibo nga bang nakakabawas ito ng timbang. Ayon sa resulta, halos 6.36 kg o 14 pounds umano ang nabawas sa mga taong sumubok sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang pagbaba ng kanilang timbang ay nakatulong upang magkaroon sila ng motibasyon na ipagpatuloy ang pagsusuot ng DentalSlim Diet Control.

Sinasabing mas ginaganahan umano ang mga taong nagpapapayat kapag may nakikita silang progreso o pagbabago sa kanilang katawan. Kahit ilang beses pa silang mag-exercise o mag-diet kung hindi naman sila nakakakita ng malaking pagbabago kaagad ay nagiging sanhi ito upang tamarin sila at huminto. Kaya naman malaking tulong umano ang device sa mga gustong pumayat dahil nakakapagbigay ito kaagad ng mabilis na resulta at motibasyon na magpatuloy pa.

Credit: Scitech Daily

Ayon sa lead researcher ng University of Otago Health Sciences Pro-Vice-Chancellor na si Professor Paul Brunton, bukod sa epektibo ang device ay gagawin rin nila itong ligtas at kayang bilhin ng marami. Ikakabit ito ng mga lisensyadong mga dentista sa ngipin ng taong gustong pumayat upang masiguro ang kaligtasan, at maaari naman itong tanggalin ng taong gumagamit kung may emergency o hindi siya kumportable.

Ang device na ito ay ginawa bilang aksyon sa pagdami ng mga obese o sobrang tabang tao na nagdudulot ng maraming sakit sa katawan. Hangad ng mga researchers na mabawasan ang kaso ng obesity at magkaroon ng magandang pangangatawan at maging malusog ang lahat. Ayon sa pag-aaral mayroong 1.9 billion na tao sa buong mundo ang overweight at 650 million naman ang obese, at nagresulta ito ng 2.8 million na pagkasawi.

Credit: BusinessMirror

“The main barrier for people for successful weight loss is compliance and this helps them establish new habits, allowing them to comply with a low-calorie diet for a period of time,” saad ni Professor Brunton.

Ang DentalSlim Diet Control ay tutulong sa mga tao na magkaroon ng determinasyon at motibasyon na pumayat at magkaroon ng malusog na pangangatawan. Sa tulong device na ito mababago ang kanilang paaran ng pagkain at magkakaroon sila ng panibagong pag-iisip sa paraan ng pagkamit ng hinahangad na sukat ng katawan.

“It is non-invasive, reversible, economical, and attractive alternative to surgical procedures. The fact that is, there are no adverse consequences with this device.”

Credit: HuffPost

Bukod sa magandang epekto sa katawan, makakatulong rin umano ang device na ito sa pagsugpo ng psychological problems tulad ng depression, pagbaba ng self-esteem, eating disorders at pangbubully. Hindi naman lingid sa marami na ang pagiging mataba ng isang tao ay nagiging sanhi upang mahusgahan ang sila kung kayat dumdaan sila sa mga mental health problems.

Malaking tulong rin ito upang hindi na gumastos sa mga mamahaling surgery at operation ang isang tao para lamang pumayat. Mahirap man sa una, ngunit kapag sinubukan na ang device at nakita ang resulta ay tiyak umanong magugustuhan ito ng maraming tao.

Sa mga taong nakasubok na nito, hindi naman sila nagkaroon ng problema. Sa katotohanan ay naging maganda ang resulta nito sa kanilang pangangatawan at nakatulong rin upang tumaas ang kanilang tiwala sa sarili.

“Overall, people felt better about themeselves, they had more confidnce and they were committed to their weight loss journey,” pahayag ni Professor Brunton.

Payo niya, hindi talaga madali ang magpapayat ngunit kailangan mong magkaroon ng kagustuhan at determinasyon kung nais mong may mabago sa iyong sarili. Huwag matakot na sumubok ng ibang paraan, wala naman mawawala kung susubukan at malay mo ay magustuhan mo ang resulta.

“It’s hard, yes. Patients who really want to do this have to be committed. But for those people who are really struggling—and let’s face it, that’s millions of people across the world—this is a way of getting them back into normal lifestyle diet habits by really pump priming the process.”

Leave a Reply