Heart, Binigyan ng Listahan ng Dating Senador Miriam Defensor-Santiago ng mga Lalaking Pwedeng I-Date

Kilala si Heart Evangelista bilang isang sikat na aktres, entrepreneur, philanthropist at socialite. Siya ay asawa ng dating Senador at Governor ngayon ng Sorsogon na si Chiz Escudero. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming pinagdaanan si Heart sa kanyang buhay pag-ibig bago natagpuan ang kanyang asawa.

Credit: Instagram / iamheart

Kamakailan nga ay ipinahayag ni Heart sa kanyang TikTok video na binigyan siya noon si Miriam Defensor Santiago ng listahan ng mga lalaki na pwede niyang i-date. Pinayuhan umano siya nito na huwag ng mag-date ng artista dahil lagi lang siyang nabibigo sa pag-ibig.

Kilalang malapit sa isat-isa si Heart Evangelista at yumaong Miriam Defensor Santiago. Itinuturing ni Heart ang yumaong Senador bilang kanyang ina at superhero. Hindi lang sila basta magkakilala o magkaibigan kundi pamilya ag turing nila sa isat-isa. Noong 2016 nga ay nagbigay pa ng nakakaantig na mensahe si Heart para dito.

Credit: Instagram / iamheart

“I consider myself to be one of the luckiest girls in history because I was like her daughter and she was like my mom. I got to know her more than how other people knew her to be, and in my own honest opinion, she was the greatest. She was the queen that we never had,” saad ni Heart.

Credit: Instagram / iamheart

Malaki ang pasasalamat ni Heart sa yumaong Senador dahil ito ang dahilan kung bakit natagpuan niya ang tamang pag-ibig. Bilang parang ina at kagustuhan nito na huwag na siyang mabigo sa pag-ibig ay pinayuhan siya nito, at binigyan ng mga rekomendasyon sa taong dapat nyang i-date.

“She asked me sino ba dapat, wag na ‘ko mag-date ng artista; I should broaden the horizon and see what’s out there, so she gave me a list! A list of guys that I should date. It’s funny because you know, a lot of them called me.”

Credit: Instagram / iamheart

Natutuwang ikinwento ni Heart sa kanyang TikTok ang pangyayari. Sa listahan umano ng mga lalaki halos lahat dito ay nagpakita ng interes sa kanya at tumawag talaga.

“Of course, I’m not gonna say who called me, but a lot of them did. They were all so very, very equally nice, in fairness.”

Ipinahayag rin ni Heart na tila ba isang tadhana na magkakilala sila ni Chiz. Hindi umano siya naka-base sa edad ng isang lalaki, sa katotohanan ay matagal na umano siyang may crush kay Chiz simula pa noong 2007 kahit na may boyfriend siya noon.

Credit: Instagram / iamheart

Ipinakilala sila ng yumaong Senador sa isat-isa dahil kilalang malapit rin na magkaibigan si Chiz sa Senador. Doon nga nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Ngunit, dumating noon sa punto na gusto ng ihinto ni Heart ang kanilang relasyon, sa kabutihang palad ay hindi ito natuloy dahil ipinaglaban umano siya ni Chiz.

“Sabi ko, cool down na muna tayo because I’m a curse to everybody that I’m with. Surprisingly, he did something I couldn’t imagine, especially since it was election time and people were telling him to break up with me na.”

Credit: Instagram / iamheart

Madalas makipaghiwalay si Heart sa mga lalaking kanyang nakakarelasyon sa tuwing may isyu na nangyayari, at kagustuhan na huwag ng lumaki ang isyu at hindi na masaktan pa ang taong mahal niya. Kaya naman, lubos ang kanyang tuwa ng sa unang pagkakataon ay may taong hindi siya binitawan at ipinaglaban ang kanilang relasyon kahit gusto niya ng sumuko.

“He fought for me. It was the first time anyone did that for me.”

Credit: Instagram / iamheart

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2012 at nagpakasal makalipas ang tatlong taon noong 2015, sa Balesin. Sa kasalukuyan ay masaya pa rin ang buhay mag-asawa ng dalawa at patuloy na sinusuportahan ang ginagawa ng isat-isa.

Leave a Reply