Lolo, Piniling Mamahagi ng Tulong sa Kanyang Ika-101 na Kaarawan Kaysa Maghanda ng Magarbo

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay isang importanteng araw sa lahat ng tao dahil maituturing itong espesyal na araw ng kapanganakan. Marami ang taon-taon hinihintay ang kaarawan dahil sa nakagawiang handaan, pagtitipon at pagtanggap ng mga regalo. Ngunit iba ang lolo na ito na mas piniling mamahagi ng tulong kaysa ang maghanda.

Kinilala ang matanda na si Lolo Diego Valuz mula sa Laguna. Siya ay nagdiwang ng kanyang ika-101 na kaarawan na maituturing na kahanga-hanga. Bihira lamang ang mga taong umaabot sa edad na isang daan o lagpas pa kaya naman napaka-espesyal kung ipagdiwang ang kaarawan ng mga taong ito.

Credit: Filipino Guide

Subalit imbes na ipagdiwang ni Lolo Diego ang kanyang kaarawan na may magarbong handaan at pagtitipon ay kabaligtaran ang kanyang ginawa. Ipinagdiwang niya ito ng walang handa o pagtitipon, sa halip ay mas pinili niyang tumulong sa kanyang kapwa.

Imbes na mga sangkap sa pancit at sphagetti ay nagpabili lang naman si lolo Diego ng 20-sakong bigas. Imbes na cake ay nagpabili siya ng napakaraming tinapay at tsokolate. Ang lahat ng kanyang pinabili ay ikinagulat ng kanyang pamilya at mga taong nakakakilala sa kanya. Nagtaka umano sila kung bakit imbes na panghanda ay iba ang pinabili nito.

Credit: Filipino Guide

Naantig naman ang kanilang damdamin ng malaman na ipapamahagi pala ni Lolo Diego ang mga pinabili sa mga taong nangangailangan. Noong nalaman nila ito ay hindi na sila umalma pa at sa halip ay sinuportahan pa nila si Lolo Diego sa pamamahagi ng mga ito sa tao.

Ayon sa mga nakakakilala kay Lolo, sadyang may mabuting puso daw talaga ito noon pa man. Mahilig talaga itong tumulong sa kapwa at sa mga nagangailangan. Hindi ito madamot at laging nagbibigay kaya naman maraming nagmamahal sa matanda sa kanilang lugar dahil kilala siyang mabuting tao.

Credit: Filipino Guide

Pahayag naman ni Wyeth Apejas, isa sa mga malapit kay lolo Diego, hindi lang ito basta namamahagi ng tulong sa kapwa, sa katotohanan ay nagpatayo na rin ito ng paaralan sa kanilang lugar. Ang paaralan ay kasalukuyan niyang pinamamahalaan. Si Wyeth at ang kanyang pamilya ang nag-aalaga kay Lolo Diego, ngunit kahit kailan daw ay hindi ito naging pabigat kahit matanda na. Tumutulong daw ito sa mga gawaing bahay at ipinagluluto pa nga sila ng almusal.

Credit: Filipino Guide

Kwento ni Lolo Diego, habang siya ay nabubuhay ay hindi daw siya hihinto sa pagtulong. Hindi daw hadlang ang kanyang edad, basta hanggat kaya niya ay tutulong siya sa kapwa. Masaya umano siya kapag tumutulong kaya palagi niya itong ginagawa.

Credit: Filipino Guide

Hindi naman hinayaan nila Wyeth na hindi mahandaan si Lolo Diego kaya pinilit pa rin nilang mabigyan ito ng kahit simpleng selebrasyon. Ang kabutihan ni Lolo ay nararapat lamang na masuklian. Makikita naman ang saya ni Lolo Diego sa kanyang mga ngiti at malaki ang kanyang pasasalamt sa mga taong nakasama niyang magdiwang.

Tunay na kahanga-hanga si Lolo Diego dahil sa kanyang kabutihan. Pinatunayan lamang niya na wala sa edad ang pagtulong, hanggat gusto ay may magagawa. Maliit man o malaki, ang importante ay mapasaya mo ang iyong kapwa.

Leave a Reply