Toni Gonzaga Bilang Isang Mabuting Maybahay, “Laanan ng Oras ang Bakasyon ng Pamilya”

Ang bakasyon ay isa sa pinakamasayang bagay na gusto at hinihintay ng bawat tao at pamilya. Ito ay araw ng pagsasama ng pamilya o mga kaibigan at pagkakataon na magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na trabaho.

Kilala si Toni Gonzaga bilang sikat na host at aktres. Bukod sa kanyang matagumpay na showbiz career, siya rin ay may masayang pamilya. Para kay Toni, importante na magkaroon ng bakasyon lalo na sa katulad niyang abala palagi sa trabaho. Ang bakasyon umano ay pagkakataon upang makasama niya ang kanyang pamilya, tulad ng kanyang asawa at anak na si Seve.

Credit: Instagram / celestinegonzaga

Subalit ang bakasyon ay may kaakibat na paggastos kaya naman marami pa ring netizens ang mas pinipili na lamang na manatili sa bahay at doon magpahinga. Ngunit para kay Toni, hindi naman kailangan engrande ang bakasyon upang makasama ang pamilya at maranasan ang deserve na pahinga. Kahit sa simpleng lugar at paraan ay maaari ng makapag-bakasyon.

Tulad na lamang ng isa sa mga baksyon ni Toni at ng kanyang pamilya, nagkaroon sila ng simpleng bakasyon sa loob lamang ng Metro Manila. Pumunta sila sa isang resort na nasa Maynila lamang at hindi nila kinailangan na pumunta sa malalayong probinsya para lamang maranasan ang bakasyon.

Credit: Instagram / celestinegonzaga

Ipinakita ito ni Toni sa kanyang vlog, kung saan ang resort ay mukha pa ring nasa probinsya ang itsura kahit nasa loob lang ito ng Maynila. Makikita ang pagkatuwa ng kanyang anak na si Seve na makipaghabulan sa mga manok, peacocks at ducks. Ipinakita ni Toni na pwede pa ring ma-enjoy ang bakasyon nang hindi kailangan lumayo at gumastos ng sobrang laki.

Nasayahan rin ang pamilya ni Toni na mag-swimming sa pool ng resort, kumain ng masasarap na pagkain at makipagkwentuhan. Kagaya ng ibang bakasyon sa malalayong lugar, mararanasan mo rin ang bakasyon na hinahanap kahit sa malapit lang.

Credit: Instagram / celestinegonzaga

“Hindi naman mahalaga kung grand o simple ang bakasyon. Ang importante, magkakasama kayo. Because that’s what he will remember,” saad ni Toni.

Nagkaroon rin ng nakakatuwang pag-uusap si Toni at ang kanyang anak na si Seve habang nasa bakasyon.

Toni: (pointing to her belly) This is your house before, the tummy of mommy.

Seve: Where is daddy’s house?

Toni: In the tummy of Glama (Grandma). That was Daddy’s old house when he was a …

Seve: Bunny!

Toni: Daddy used to be a bunny? What about you Seve? Seve used to be a…

Seve: He’s a prince!

Toni: Wow! You’re a prince? And Mommy is a…

Seve: Queen (Tumawa)

Toni: And daddy is a …

Seve: King!

Credit: Instagram / celestinegonzaga

Nagkaroon rin ng panahon si Toni na makapagbasa ng libro, makatulog ng siyam na oras at makapag-full body massage habang natutulog ang anak na si Seve. Kahit abala rin si Toni sa pag-aasikaso sa kanyang anak ay sinigurado niyang ma-e-enjoy niya rin ang bakasyon nilang pamilya. Bilang isang ina na abala sa parehong trabaho at pag-aalaga ng anak, deserve ni Toni ang bakasyon kahit maikli lamang.

Ibinahagi rin ni Toni na noong mga bata pa sila naalala niya pa daw kung gaano sila kasaya ng kanyang pamilya sa tuwing nagbabakasyon kahit na simple lamang ang buhay nila at sa malapit lang rin kung magbakasyon. Hindi daw sila mayaman ngunit proud siya na nabigyan sila ng magandang buhay ng kanyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy, at hindi pinagkaitan ng bakasyon noong mga bata pa sila ni Alex.

Credit: Instagram / celestinegonzaga

“Simple lang yung mga bakasyon namin. Pero all I could remember was how happy we were as a family kasi magkakasama kaming lahat. My parents weren’t rich but they were able to afford to give us a beautiful life. And that’s what we wanna do with Seve.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Toni dahil nagkakaroon sila ng pagkakataon na maparanas kay Seve ang ganitong mga bagay. Kahit malapit at simple ay masaya naman sila dahil magakakasama at iyon ang mas importante. Walang masama sa pagbili ng mga properties o paggamit ng pera sa negosyo, ngunit bukod sa pag-i-invest ng pera, maganda rin na mag-invest ng panahon sa pamilya.

Credit: Instagram / celestinegonzaga

“While it is good to be financially stable in the future and invest in properties, real estate or businesses, but there’s nothing like investing your time and money with your family.”

“Material things can give you stability, but it will never make you happy,” dagdag niya pa.

Gusto umanong palakihin ni Toni ang anak na may seguridad at puno ng pagmamahal para hindi niya na ito kailangan hanapin pa sa ibang tao. Importante na sa loob pa lang ng pamilya ay napaparamdam mo na sa anak ang mga bagay na kailangan niya.

“We want Seve to grow up feeling secured, loved and valued so that he doesn’t look for it outside our family.”

Ipinakita ni Toni na kahit sino ay maaaring magbakasyon kasama ang mga mahal sa buhay ng hindi lumalayo. Importante parin kung sino ang mga kasama mo, kaysa sa lugar na pupuntahan. Dahil kahit anong lugar pa yan, basta kasama ang pamilya ay siguradong magiging masaya.

Leave a Reply