Dimples Romana, Nagbahagi Ng “Wais Tips” Sa Pagbili Ng Mga Properties Bilang Investment

Kilala si Dimples Romana bilang isa sa matagumpay na aktres sa industriya ng showbiz. Sa edad na 37 ay marami na siyang nagampanan na pelikula at teleserye. Isa na nga dyan ang Kadenang Ginto kung saan mas umani siya ng popularidad sa mga netizens. Bukod sa pagiging aktres, siya rin ay isang mapagmahal na asawa at ina sa kanyang dalawang anak.

Bilang aktres, marami ang nag-iisip na siya ay mayaman at namumuhay ng marangya ngunit ayon kay Dimples tama lamang ang kanilang pamumuhay at gumagastos lamang siya ayon sa kanilang pangangailangan. Mas importante umano kay Dimples ang mag-ipon at mag-invest kaysa gastusin ang kanyang pinaghirapan sa walang kabuluhang bagay at ito ang dahilan kung bakit nakakabili siya ng mga properties.

Credit: Instagram / dimplesromana

“We’re working on budgets all the time, we’re not well off… we’re always just living from one paycheck to another. The key is really to make sure that you get help from other people as well.”

Sa edad niya ngayon na marami ng karanasan sa buhay at bilang isang responsableng asawa at ina, nararapat lamang daw na ilaan niya ang kanyang pera sa magagandang bagay at isa na nga dyan ang pag-iinvest sa bank loans. Sa bagay na ito, payo ni Dimples ay kailangan mong maging matapang sa iyong desisyon upang may mangyari sa iyong buhay.

Credit: Instagram / dimplesromana

“If you don’t have the guts for it, then your dream will remain a dream.”

Isa sa mga naging magandang desisyon ni Dimples sa kanyang buhay ay ang pagpasok sa real estate business. Siya ay bumibili ng mga properties sa banko at kanya itong inaayos at pinapaganda, pagkatapos ay ibebenta niya rin. Malaking tulong ang bank loans upang maging posible ang pagpasok niya sa real estate.

Credit: Instagram / dimplesromana

“Bank loans are perfect especially when you are young, because you can stretch it to the maximum. And if ever you soar high in whatever career you are in, in the next two to three years, you can pay it off. And then eventually move on to your next property.”

Sa pagbili umano ng property hindi nagpapadalos-dalos si Dimples, pinag-iisipan niya ito ng mabuti sa tulong na rin ng kanyang asawa na si Boyet na sumusuporta sa kanyang desisyon. Ipinagdadasal niya rin umano ang isang property kung dapat niya ba itong bilhin at kung para ba sa kanya ito.

“I always pray about discernment, like if a property will be good for us.”

Credit: Instagram / dimplesromana

Sa pagpasok sa real estate business hindi ka daw dito mabibigo. Ang pagbili ng properties sa bangko ay isa sa pinaka-safe na paraan kung bibili ng isang property dahil malinis umano ang mga papeles at proseso dito. Hindi ka magkakaroon ng problema sa pagbili, pag-ayos at pagbenta dito. Isa ito napakagandang investment at negosyo para sa mga taong nasa 30s tulad niya.

“You cannot go wrong with real estate. We would buy foreclosed properties, flip, and then sell. When you buy foreclosed properties from the bank, you’re very safe because the bank will not release the funds unless the property or title is clean.”

Credit: Instagram / dimplesromana

Ngunit sa pagpasok umano sa real estate business, kailangan mo ng tapang at tiwala sa sarili. Dapat magkaroon ka ng determinasyon na kapag pumasok ka ay dapat mo na itong ipagpatuloy at siguraduhing magtagumpay ka dito upang hindi masayang ang iyong sinimulan.

“You have to have the guts to actually go for it. You have to tell yourself, I’m taking this step.”

Huwag umanong maghintay ng oras kung kailan ka magiging handa, dahil hindi darating ang oras na iyon kung hindi ka kikilos. Hindi ka kailan man magiging handa sa isang bagay hanggat hindi mo ito sinisimulang gawin.

“If you were to wait for the right time that you’re ready, you will never be ready. That time will never come.”

Credit: Instagram / dimplesromana

Huwag matakot sa pag-iinvest ng bank loans dahil maraming bangko ang may magandang serbisyo at nakapagbibigay ng malaking interes. Siyempre, importante pa rin daw ang iyong kagustuhan at kakayahan pagdating sa investing at real estate. Kung hindi mo ito gusto at tamad kang gawin ang bagay ay huwag mo ng gawin dahil mabilis ka lang mapapagod at kalaunan ay hihinto ka lang at baka mabaon ka pa sa utang. Isa pa, importante rin na may trabaho o pinagkukunang pinansyal upang mabayaran ang loans at maipagpatuloy ang real estate business.

“Never take on a loan na alam mong tamad ka, then mababaon ka lang sa utang. Sayang lang pinaghirapan mo… always take calculated risk. Meaning, you know that you have a job, you know that you’re masipag, then you can take on a loan.”

Credit: Instagram / dimplesromana

Habang bata pa at may kakayahan naman ay huwag sayangin ang mga oportunidad. Maraming paraan upang magtagumpay sa pera kailangan mo lang ng tapang, tiwala sa sarili, sipag at pag-isipan ng mabuti ang mga desisyon. Huwag magsayang ng oportunidad dahil walang mangyayari kung lagi ka lamang matatakot at magihintay.

“There are so many opportunities for you to earn money. You cannot just go on one path. You have to diversify, never put your eggs in one basket,” payo ni Dimples.

Isang magandang halimbawa si Dimples sa mga netizens na maging wais at matalino sa perang kinikita. Matutong mag-invest sa ibang bagay upang mas mapalago ito na mas makakatulong pa sa ito sa hinaharap at iyong pamilya.

Leave a Reply