Beauty Secret ni Dawn Zulueta, 52, “Hindi Ako Nagtatanim ng Sama ng Loob”

Si Dawn Zulueta ay isang kilalang aktres sa showbiz, bukod sa kanyang galing sa pag-arte hinangaan rin ng marami ang kanyang angking kagandahan. Ang gandang ito ay tila hindi lumilipas kahit siya ay 52-anyos na ngayon, at may dalawa ng anak.

Maraming netizens ang namamangha sa ganda ni Dawn at curious sa kanyang beauty secret. Itinatanong ng marami kung anong beauty regimen ang kanyang ginagamit at bakit tila nasa 30s lang siya kung tingnan, malayo sa kanyang totoong edad.

Credit: Instagram / dawnzulueta

Sagot naman ng aktres, wala umano siyang sikreto. Bukod sa pag-aalaga ng mabuti sa katawan ay sinabi niyang hindi siya mapagtanim ng sama ng loob. Maaaring ito daw ang kanyang sikreto sa kanyang young-looking beauty.

“I really don’t have a secret. I guess my only secret lang is hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. So, siguro that’s a secret.”

Credit: Instagram / dawnzulueta

Pinapanatili ni Dawn ang pagiging masayahin niya sa buhay. Lagi umano siyang positibo sa bawat araw at tinitingnan ang bawat bagay bilang mabuti. Malaki ang naitutulong ng pagiging masayahin at wala masyadong inaalalang sama ng loob sa isang tao.

“Masaya ako palagi, I will make it a point. I’m not saying my life is perfect but I do know how to always see the sunny side of things.”

Credit: Instagram / dawnzulueta

Wala sa pagiging perpekto ng buhay ang pagiging masaya, nasa tao ito. Kahit mahirap ang buhay kung positibo ka mag-isip tungkol sa mga bagay ay magiging maganda ang takbo ng bawat araw mo para kay Dawn.

Sa ngayon ay tumigil muna si Dawn sa kanyang buhay pag-aartista. Mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang pamilya dahil mas importante sila at sila rin ang pangunahing dahilan ng pagiging masaya niya sa buhay.

Credit: Instagram / dawnzulueta

Masaya si Dawn sa kanyang relasyon sa kanyang asawa na si Congressman Anton Lagdameo, at kanyang dalawang anak na sina Jacobo, 15 years old at Ayisha, 11 years old. Mapapansin na bata pa ang kanyang dalawang anak, kaya mas binibigyan niya ito ng pansin at piniling magpahinga muna sa showbiz.

Marami rin ang bumibilib sa kanilang relasyon ng kanyang asawa. Sa 21 years nilang pagsasama bilang mag-asawa ay napapanatili pa rin nila ang magandang pakikitungo sa isat-isa at dahil daw ito sa pagkakaroon nila ng respeto.

Credit: Instagram / dawnzulueta

“I believe in respect. Well, part of respect from one another is yung you always still make an effort for your family. I think that’s very important. Hindi yung masyadong nagre-relax porke matagal na kayong magkasama. Kailangan palaging make the flame alive,” pahayag ni Dawn.

Malaki rin ang pasasalamat ni Dawn sa kanyang childhood memories dahil tinuruan umano siya nito na lumaking matatag sa mga panahong mahirap ang sitwasyon. Kaya naman dapat din daw itong ituro sa mga anak, na maging matatag sila para lumaki sila ng maayos.

Credit: Instagram / dawnzulueta

Importante rin kay Dawn ang pagkakaroon ng panahon sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak na bata pa. Sinisigurado niyang nabibigyan sila ng pansin at nakakagawa sila ng magagandang karanasan dahil nakakatulong daw ito upang sila ay matuto.

“We always try to create memories for our kids in every way that we can. It doesn’t always have to be going out of town. Sometimes, it’s just spending time at a home. Even a simple game of Monopoly, I am able to teach my daughter how to add and subtract, and the same time, some kind of business sense, so we have fun when we play together.”

Credit: Instagram / dawnzulueta

Bilang isang asawa at ina, importanteng magbigay ng oras para sa pamilya. Dahil ang mga pinagsamahan kasama ang pamilya ay maituturing na kayamanan at kailan man ay hindi mawawala.

“It’s time spent together that will remain, that will become the most lasting memories for our children.”

Leave a Reply