Ang medalya ang nagsisilbing patunay para sa mga estudyante na ito ay naging mahusay sa pag-aaral. Ang medalya ay higit pa sa bagay na isinasabit sa leeg dahil ito ay bunga ng pagsusumikap at pagtitiyaga sa pag-aaral. Ito ang kasiyahan ng bawat estudyate at ng kanilang mga magulang sa tuwing umaakyat sa entablado. Paano pa kaya ang kasiyahan ng estudyanteng ito at ng kanyang magulang nang umabot na sa higit 200 ang kanyang mga natanggap na medalya.
Si April Christelle T. De Leon ay mula sa Lingayen, Pangasinan na umani lang naman ng mahigit 200 medalya sa edad na 15 years old. Bukod sa kanyang mga medalya, marami rin siyang natanggap na tropeyo, certificates at mga sash. Ang lahat ng ito ay patunay ng kanyang nakakabilib na kahusayan at pagiging matalinong bata.

Bata pa lamang si April ay talagang may angking galing na siya sa pag-aaral. Halos lahat ng asignatura ay nagpapakita ng kanyang kahusayan lalo na sa mga mahihirap na asignatura tulad ng Mathematics, Science at English. Bukod sa natural na matalino ay sinasabayan niya rin ito ng sipag at tiyaga upang mas lalong mapagtagumpayan ang kanyang pag-aaral.
Hindi na kataka-taka na siya ay palaging nangunguna sa kanyang klase at sa katunayan ay mula Grade 1 hanggang Junior High School ay itinanghal siyang Top 1. Nagtapos siya bilang Valedictorian ng kanyang batch at nagkaroon ng pagkakataon na magbigay ng talumpati para sa kanyang kapwa mag-aaral.

Maliban sa kanyang angking talino, mayroon rin siyang ganda na ginagamit niya sa mga beauty pageant. Talaga namang beauty and brain ang panlaban ni April kaya’t madalas siyang manalo at mag-uwi ng cash prize at trophies. Pinatunayan lamang niya na hindi lamang siya panloob ng classroom kundi kaya niya ring ipakita sa harap ng maraming tao ang kanyang kahusayan at kagandahan.
Sa paglipas ng mga taon na lagi siyang nangunguna sa klase at sumasali sa ibat-ibang patimpalak ay nakaipon na nga siya ng mahigit 200 medalya. Ang pagkakaroon ng ganito karaming medalya ay hindi biro dahil pinakita lamang ni April na marami siyang pinagdaanang pagsubok sa buhay at napagtagumpayan niya ang mga ito.

Masayang-masaya naman ang mga magulang ni April dahil sa pagkakaroon nila ng mahusay at mabuting anak. Malaki ang pasasalamat nila sa Diyos dahil biniyayaan sila ng matalino at masipag na anak, na hindi sinasayang ang opurtunidad na makapag-aral at sa halip ay mas pinaghuhusayan pa, at mayroong mataas na pangarap sa buhay.
Malaki rin ang pasasalamat ni April sa kanyang mga magulang dahil sa suportado ng mga ito sa kanya at kanyang pag-aaral. Hindi siya pinababayaan ng mga ito at laging nakaantabay at nakasuporta sa kanyang mga nais gawin at pangarap.

Labis rin ang paghanga ng mga netizens dahil sa mga inaning medalya ni April. Sa murang edad nito talaga namang nakakabilib ang magkaroon ng ganiton karaming medalya at hindi lahat ng kabataan ay kaya itong gawin.
“Wow! ang galing, good job sayo Ate Girl. Ang sarap siguro magkaroon ng anak na katulad mo, matalino na maganda pa.”

“Your parents must be truly proud of you. For such a young age you already achieved a lot. Congratulations!”
“Salute! Isa kang inspirasyon sa mga kabataan. Keep up the good work lady.”
“Grabe! Halimaw sa talino! Kung pwede lang ibenta yang medals mo siguro yayaman ka na. Ang galing mo po Ate.”

Samantala, ipinagpatuloy naman ni April ang kanyang Senior high School sa Chicago, New Trier High School kung saan ay nagpakita rin siya ng kahusayan. Sa kasalukuyan, siya ngayon ay nasa kolehiyo at nag-aaral sa Boston College.
Isang inspirasyon si April sa lahat ng kabataan na mag-aral ng mabuti. Hindi rin sapat na matalino ka lang kundi dapat samahan mo rin ito ng pagsusumikap at pagtyatyaga upang malagpasan ang bawat pagsubok sa buhay, sa paaralan man o sa labas.