Andrea Ivanova, Ang Babaeng May Pinakamalaking Labi sa Buong Mundo

Sa panahon ngayon normal na lang ang pagpaparetoke bilang paraan ng pagpapaganda ng isang tao. Ang malaking parte ng katawan ay pinapabawasan, habang ang maliit na parte naman ay pinadadagdagan. Katulad na lamang ng babaeng ito na tinaguriang may pinakamalaking labi matapos dumaan sa ilang beses na proseso.

Bukod sa paglalagay ng make-up, isa sa naging alternatibong paraan upang magkaroon ng permanenteng pagbabago sa itsura ay ang pagpaparetoke. Iyan ang ginawa ng babaeng si Andrea Ivanova, 24-anyos, mula sa Sophia, Bulgaria. Bukod sa paglalagay ng lipstick upang magmukhang malaki ang kanyang labi, dumaan na mismo sya sa pagpapa-lip injection upang permanente na itong lumaki.

Credit: Instagram / andrea88476

Nagsimulang magpa-lip injection si Andrea noong taong 2018 kung saan ay 21-anyos pa lamang siya. Pagkalipas ng tatlong taon ay umabot na ng 26 lip injections ang kanyang nagawa sa kanyang labi at may plano pang dagdagan muli ito.

Gumastos na siya ng ilang libong dolyar sa paulit-ulit niyang pagpapa-lip injection sa makalipas na tatlong taon. Bukod sa kanyang labi ay pinaretoke niya na rin ang kanyang dibdib at puwetan upang mas lumaki pa ito, dahil para sa kanya mas malaki ay mas maganda.

Credit: Instagram / andrea88476

Dahil sa paulit-ulit na pagdaan sa proseso ng lip injection sa loob ng tatlong taon ay tuluyan na ngang lumaki ang labi ni Andrea, malayo sa normal na laki ng labi ng isang tao. Imbes na mahiya si Andrea sa kalakihan ng kanyang labi ay masaya niya itong ipinagmamalaki sa mga tao at sa social media. Sa katunayan may halos 12k followers siya sa Instagram at marami ring followers sa Tiktok.

Masaya umano si Andrea sa kanyang itsura ngayon kaysa sa dati niyang itsura. Hindi niya alintana ang mga panlalait ng ibang tao, dahil para sa kanya mas maganda siya na malaki ang kanyang labi.

Credit: Instagram / andrea88476

“I like my lips now, more than before and I feel very good and very happy with them because according to me with bigger lips I look prettier.”

Katulad ng ibang tao, normal lamang ang laki ng labi ni Andrea noon bago siya sumailalalim sa maraming beses na lip injection. Ngunit noon pa man ay alam niya sa kanyang sarili na may gusto siyang baguhin at gusto niyang maging iba siya sa karamihan. Nais niya ring mas mapansin siya ng mga tao dahil nakapagbibigay ito ng kasiyahan sa kanya.

Credit: Instagram / andrea88476

“I’ve always wanted to be different, stand out from the crowd and be more eccentric. In addition to huge lips, I also have a silicon bust, 600 cubic meters of silicon in the breast, a total of 1200 cubic meters. I also wear more makeup, I like heavy dark glamorous makeup, artificial hair and large eyelashes,” pahayag ni Andrea.

Ang ilan ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Andrea sa kanyang labi, hindi na daw ito magandang tingnan sa kanya, at maski ang kanyang pamilya ay hindi rin sang-ayon sa kanyang ginawa. Subalit walang nakapigil kay Andrea dahil masaya umano siya dito. Sa katotohanan pa nga nyan ay maraming tao ang sumusuporta sa kanya, binibigyan siya ng pera, nagbibigay ng libreng bakasyon at iniimbitahan rin siya sa ibat-ibang lugar.

Credit: Instagram / andrea88476

“I like them a lot and feel much better with my lips. Many men from all over the world write to me, on my social media networks offering me money, trips and inviting me to meetings all the time.”

Para kay Andrea walang masama sa kanyang ginawa dahil una sa lahat sarili niya itong katawan at pera. Masaya siya sa mga desisyon niya at alam niyang wala naman siyang tinatapakan na tao. Kaya naman wala siyang pakialam sa mga nanlalait at naghuhusga sa kanya dahil pinaka-importante sa kanya ay ang kanyang kasiyahan.

Credit: Instagram / andrea88476

“There are people who like me with bigger lips, and there are people who like me with smaller lips, but it doesn’t matter to me, because it’s important for me, how I like it.”

Isang inspirasyon si Andrea sa lahat na tao na anumang maging desisyon mo sa buhay basta’t hindi ka nakakasakit hindi importante ang sasabihin ng iba. Hindi nila hawak ang buhay mo, bagkus ikaw lamang ang may kontrol dito kaya piliin mong maging masaya.

Leave a Reply