Guro Nasupalpal Matapos Insultuhin ang Dating Kaklase na Isang Fishball Vendor

“Don’t judge the book by its cover”—ito ay isang sikat na kasabihan na alam ng lahat, ngunit marami pa rin ang nakakalimot na isabuhay ito. Hindi pa rin maiwasan ng tao na manghusga ng kapwa base sa estado nito sa buhay, dahil sa tingin niya ay mas nakakaangat siya.

Isang kwento sa Facebook ang kumalat at nag-trending. Umani ito ng maraming reaksyon at komento dahil sa aral na dala nito. Ang kwento ay patungkol sa isang guro na nang-insulto ng kanyang dating kaklase na isang fishball vendor. Minaliit ng guro ang pagiging fishball vendor ng kanyang dating kaklase, ngunit ito ay natahimik matapos malaman ang laki ng kinikita nito.

Credit: Pinterest

Ayon sa post ni “Cath Leen”, ang kwento umano tungkol sa guro at fishball vendor ay base sa totong buhay. Hindi lamang ito basta simpleng kwento kundi kwento na kapupulutan ng aral ng lahat ng netizens kaya napili niyang ibahagi ito sa Facebook.

Ayon sa kwento, nagkita umano sa hindi sinasadyang pagkakataon ang dating magkaklase noong high school. Nagkataon na bumili ang guro ng fishball sa isang stall na nakita niya sa tabi ng kalsada. Namukhaan ng guro at fishball vendor ang isat-isa at nagbatian.

Credit: Buhay Teacher

Nangamusta umano ang fishball vendor sa dating kaklase at masaya naman itong sumagot at pinagmalaki na siya ay isa ng guro. Ngunit kasunod ng kamustahan ay hindi nito naiwasang punahin ang trabaho ng dating kaklase bilang isang fishball vendor na para bang mababa itong trabaho kumpara sa kanya.

“Dapat kasi pre nag-aral ka!” pahayag ng guro.

Credit: Times of India

“Edi sana pre, 18k/month din kita mo. Magkano ba kita mo dyan pre?” pahabol nitong tanong na tila ba inaasahan nitong sobrang baba lamang ng kita ng kanyang dating kaklase dahil ito ay fishball vendor lamang. Ngunit laking gulat nito ng malaman na malaki pala ang kinikita nito sa pagtitida ng fishball sa kalsada, at mas malaki pa sa kanyang kinikita bilang isang guro.

“1500 per day pre. May dalawa pa akong cart at may tagabenta ako. Iba pa yug kinikita ko dun. Magkasakit man ako, at di makapagbenta, may kita pa rin ako. Nakabili na rin ako ng lupa pre dahil sa pagbebenta ng fishball. Plano ko magpatayo ng apartment.”

Credit: The Stars

Hindi inaasahan ng guro na matagumpay na palang negosyante ang kanyang dating kaklase noong high school at hindi lang basta-basta simpleng fishball vendor. Sa sobrang gulat nito ay wala itong nasabi at napatahimik na lang dahil sa nalaman.

Marahil napagtanto rin ng guro ang kanyang pagkakamaling husgahan ang dating kaklase. Naging masyadong mataas ang tingin niya sa sarili dahil siya ay nakapagtapos at may magandang propesyon. Ngunit nakalimutan niya ang magandang ugali na huwag manghusga ng kapwa.

Credit: Beyond Alpha

Ang post na ito ay umani ng mahigit 9k na reaksyon at mahigit 5k na shares sa Facebook dahil nagustuhan ng mga netizen ang kwento at aral na hatid nito. Maraming sumang-ayon sa aral ng kwento na huwag manghusaga ng kapwa base lang sa itsura at estado sa buhay, dahil hindi lang iisa ang daan patungo sa tagumpay. Kahit ang mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapagtapos ay may kakayahan ring magtagumpay sa buhay at umasenso.

“Tama wala yan sa pinag-aralan, kahit hindi nakapagtapos basta madiskarte at masipag kaya mong magtagumpay.”

“Check! Aanhin mo ang diploma kung tamad ka naman sa trabaho? Mas ok yung masipag at madiskarte dahil siguradong aasenso.”

“Mas maganda rin na may natapos, madiskarte at hindi ka mapanghusga ng kapwa.”

“Marami talaga dyan tahimik lang akala mo simple ng trabaho at konti ng kita pero sila pala ang tunay mayaman na, kaya wag talaga mag-judge ng tao kasi ikaw lang mapapahiya.”

Credit: Entrepreneur

Ang kwentong ito ay nagsilbing paalala sa mga tao na huwag maging mapanghusga sa kapwa. Maganda ang makapagtapos ng pag-aaral dahil susi ito upang magkaroon ng magandang kinabukasan, ngunit may mga tao namang kaya ring magtagumpay sa tulong ng diskarte, sipag at tiyaga.

Hindi natin alam ang hirap na dinanas nila at kanilang mga sakripisyo kaya’t wala tayong karapatan na husgahan sila base sa kanilang estado. Ang importante sa lahat ay masaya ka sa iyong trabaho at wala kang tinatapakan na tao, iyon ang totoong tagumpay sa buhay.

Leave a Reply