21-Anyos na Estudyante, Pinagsasabay ang Pag-aaral at Pamamasada ng Tricycle

Maraming estudyante ang pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aaral dahil parehong importante sa kanila ang matuto at kumita rin ng sabay. Gustuhin man nilang mag-aral lang, dahil sa hirap ng buhay ay napipilitan silang magtrabaho upang makatulong sa pamilya. Gayunpaman hindi pa rin nila pinababayaan ang pag-aaral kaya’t mahirap man pagsabayin, ay kanilang kinakaya.

Ang Grade 11 student na si Michael Jabal ay 21-anyos na at parehong pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Siya ay nag-viral sa social media matapos makuhanan ng video ng isang traffic enforcer na nagsasagot ng kanyang assignment habang naghihintay ng pasahero sa kanyang tricycle.

Ayon kay MMDA Markiel Moriel, humanga umano siya sa kasipagang taglay ni Michael. Hindi daw biro ang pagsabayin ang pag-aaral at pamamasada ng tricycle, ngunit nakita niyang determinado ito at hindi alintana ang pagod makapag-aral lang at kumita ng sabay.

Credits: GMA News

Napag-alamang kapag wala daw itong online class ay pumapasada ito ng tricycle dahil sa kagustuhang kumita at may maitulong sa kanyang pamilya. Hindi rin nagsasayang ng oras si Michael dahil ginagamit niya ang oras sa paghihintay ng pasahero sa pagsasagot ng kanyang mga assignment sa online class.

“Nakaka-amaze naman itong batang ‘to kasi sa kabila ng nararanasang kahirapan sa buhay, nakukuha niyang pagsabayin yung online class then namamasada po siya,” pahayag ng MMDA na si Markiel.

Ang pagiging salat sa buhay ang nagtulak kay Michael upang magtrabaho habang nag-aaral. Pareho na umanong matanda ang kanyang mga magulang kaya’t siya na lamang ang nagpapaaral sa kanyang sarili.

Credit: Facebook / Markiel Moriel

Pinili niyang mamasada ng tricycle dahil iyon ang bagay na alam niyang gawin na kaya niyang isabay sa kanyang pag-aaral. Ayaw umano nitong huminto sa pag-aaral dahil alam niyang importanteng makapagtapos siya upang maabot ang kanyang pangarap na maging sundalo. Kaya naman mas pinili niyang pagsabayin na lang ang online class at pamamasada.

“Habang nagkaklase po ako, mamasada po ako. Kapag may time po na wala pong pasahero, sumasagot po ako ng assignment,” saad ni Michael.

Ngunit sa kabila ng pagsusumikap ni Michael sa pamamasada ay halagang 200 pesos lamang ang madalas niyang kitain. Kulang na kulang umano ito sa araw-araw nilang pangangailangan ng kanyang pamilya ngunit pinagtyatyagaan na lamang dahil nagpapasamalamat pa rin siya at may naiuuwing kita.

Credit: Facebook / Markiel Moriel

Masaya naman si Michael dahil kahit papaano ay nakakaya niyang pagsabayin ang online class at pamamasada. Maayos naman ang kanyang mga grado at hindi pa naman siya napapahamak habang nagmamaneho.

Nagpapasalamat rin siya sa mga taong nakakaunawa ng kanyang sitwasyon at hindi siya hinuhusgahan. Binibigyang papuri pa siya ng mga ito at nagbibigay suporta sa kanyang pag-aaral at pamamasada.

Maski ang mga netizens ay hindi rin napigilang magbigay ng komento at papuri dahil sa kasipagan ni Michael.

Credits: GMA News

“Good job! Sa sipag mong yan nasisiguro akong matutupad mo rin ang mga pangarap mo. God bless.”

“I salute you iho, tama yan at magsumikap ka lang sa pag-aaral at trabaho, darating ang panahon na pagpapalain ka rin at giginhawa ang buhay mo.”

“Ito dapat ang tinutularan hindi bulakbol at nag-aaral parin ng mabuti kahit mahirap nagagawa pang magtrabaho.”

“Nakakatuwa ang ganitong klaseng tao, ito dapat ang tinutulungan dahil makikita mo talagang may pangarap sa buhay.”

“Galing! ingat ka palagi sa pamamasada, ‘wag mo rin pabayaan pag-aaral mo. Kapit lang makakapagtapos ka rin po Kuya.”

Credits: GMA News

Patunay si Michael na basta’t may pangarap lahat ay magagawan ng paraan. Pagsasabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho upang makamtan ang hinahangad na pangarap sa buhay at umaasang makakaahon sa kahirapan.

Isa ring inspirasyon si Michael sa lahat ng estudyante na hindi hadlang ang kahirapan upang maging dahilan ng paghinto sa pag-aaral. Kung gugustuhin ay magagawan ito ng paraan sa tulong ng pagsusumikap, kasipagan at pagiging determinado.

Leave a Reply