Ampon, Inahon sa Kahirapan ang mga Magulang na Kumupkop at Nag-alaga sa Kanya

Marami sa mga Pilipino ang lumaki sa kahirapan at hindi nabiyayaan ng maayos na pamumuhay at tahanan. Madalas na salat ngunit nananatili pa ring masaya at patuloy na nangangarap upang makaahon sa kahirapan. Likas na sa mga Pinoy ang pagiging determinado n makaranas ng ginhawa kaya’t ginagawa ang lahat at hindi sumusuko.

Si Jayvee Lazaro Badile ay isa sa mga patunay na basta’t may pagsusumikap at pangarap ay kayang makamit ang maginhawang buhay. Ipinakita ni Jayvee na hindi dahilan ang kahirapan upang sumuko at sa halip ay ginawa niya itong motibasyon sa buhay, kaya naman ang dati nilang barong-barong ay isa ng mansyon ngayon.

Credit: Facebook / Jayvee Lazaro Badile II

Napag-alaman na ampon lang pala si Jayvee ng kanyang mga magulang at hindi siya tunay na anak ngunit hindi ito naging hadlang upang para itrato siyang iba. Bilang sukli sa pagkupop sa kanya at pag-aalaga ay nagsumikap siya sa pag-aaral at trabaho upang mabigyan ang mga magulang ng magandang buhay.

Kwento ni Jayvee na salat talaga sila sa buhay noon dahil tindera lamang ang kanyang ina at porter lamang ang kanyang ama. Hindi sapat ang kinikita ng mga ito para sa kanilang pamilya ngunit kahit nagkukulang ay hindi pa rin sila pinapabayaan at nagsusumikap na mapunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain at sa pag-aaral.

Credit: Facebook / Jayvee Lazaro Badile II

Isa pa daw sa nagpapahirap sa kanila noon ay ang barong-barong nilang bahay na napakaliit lamang. Hirap sila sa pagtulog dahil siksikan sila, ang kusina at hapag ay maliit lamang at kahit maayos na palikuran ay wala rin sila. Kaya nman naging determinado at nagsumikap talaga si Jayvee upang hindi na sila magtiis pa sa barpng-barong at upang matupad ang pangarap na komportable at malaking bahay para sa kanilang pamilya.

“When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, tatay is a porter. Wala kaming maayos na tulugan, kainan, liguan at palikuran. Kaya now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than they could ever imagine!”

Credit: Facebook / Jayvee Lazaro Badile II

Ibinahagi ni Jayvee ang litrato ng kanilang bahay noong 2012 kung saan ay makikitang napakaliit lamang nito, na maski ang kanilang hapag kainan ay tila pang dalawang tao lamang. Kung noon ay konti lamang ang pagkain na napagkakasya nila sa kanilang maliit na lamesa, ngayon ay puno na ng masasarap na pagkain ang kanilang mahaba at malaking lamesa sa kanilang mansyon.

Noon ay hirap na hirap sila sa araw araw na pagkain at hindi alam kung saan kukuha ng maipanglalaman sa tiyan, ngayon ay umaapaw na sila sa biyaya. Hindi na namomroblema sa pagkain at pang-araw araw ang pamilya ni Jayvee dahil sa wakas ay maginhawa na ang kanilang buhay, salamat sa kanyang pagsusumikap.

Credit: Facebook / Jayvee Lazaro Badile II

Malaki rin ang pasasalamat ni Jayvee sa kanyang itinuring na magulang na umampon sa kanya, kung hindi daw dahil sa kanila ay baka iba ang naging landas ng kanyang buhay. Ang kanyang mga magulang ang nagsilbing inspirasyon sa buhay kaya’t naging matagumpay siya ngayon.

Makikitang malaki na talaga ang pinagbago ng buhay nila Jayvee ngayon, malayo sa dati nilang mahirap na buhay dahil ngayon ay nakatira na sila sa mala-mansyong bahay, may mga sasakyan at nakakapunta rin sa ibat-ibang magagandang lugar. Kahit na ampon lamang si Jayvee ay hindi ito naging hadlang upang maging matagumpay siya, ipinakita niya sa mga tao na hindi basehan ang pagiging ampon niya upang maabot nya ang kanyang mga pangarap.

Leave a Reply