Mga Magsasaka ng Pepper Farm, Labis ang Tuwa Matapos Ilibre ng Kanilang Amo sa Jollibee

Ang pagkakaroon ng negosyo ay hindi madali kaya naman ang bawat negosyo ay may empleyado o tauhan dahil sila ang tumutulong upang mapatakbo ng maayos ito. Bilang amo, responsibilidad nilang magpasahod ng maayos bilang kabayaran sa pagsisikap ng kanilang mga tauhan.

Ngunit bukod sa pagpapasahod ng maayos, isang farm owner ang nanlibre pa ng kanyang mga tauhan sa isang sikat na fast food chain bilang karagdagang pasasalamat sa kanilang pagsusumikap. Ang pangyayaring ito ay umani ng maraming pagkamangha mula sa mga netizens dahil hindi ito normal na nangyayari.

Credit: Facebook / SOX Peppers

Kinilala ang farm owner na si Josue Carmen Jr. na may ari ng isang pepper farm sa Surallah, South Cotabato. Nilibre niya ang kanyang mga tauhan na magsasaka sa fast food chain na Jollibee bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang kasipagan sa trabaho. Naging maganda umano ang kanilang ani ng pepper at kumita ng malaki mula rito kaya naisipan niyang ilibre ang tauhan.

“Sabi ko maganda ang kita natin ngayong week, treat ko kayo.”

Dinala niya ang kanyang mga tauhan sa Jollibee upang doon mananghalian. Napag-alaman niya rin na iyon pala ang unang pagkakataon na makakakain ang mga ito sa sikat na fast food chain kaya naman naging doble ang kanilang pagdidiwang.

“Nagtanong ako, ‘nakakain na ba kayo sa Jollibee?’ sagot nila hindi pa first time daw nila” saad ni Josue.

Credit: Facebook / SOX Peppers

Makikita sa larawan ang bakas ng kasiyahan sa kanyang mga tauhan ng ilibre nya ito sa Jollibee. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil sa kabaitan ng kanilang amo na si Josue. Hindi rin nila lubos akalain na maiisipan nitong ilibre sila dahil maayos na pasahod lang ang kanilang nais.

Nakilala ang kanyang mga tauhan bilang indigenous people na miyembro ng tribung T’boli sa Lake Sebu. Nakatira sila sa kabundukan ng Lake Sebu at pagtatanim ang pangunahing hanapbuhay. Ang binatang si Nunoy na may malapad na ngiti ay isa sa kanyang mga tauhan na masipag at may pangarap na makapag-aral.

Credit: Facebook / SOX Peppers

Una niya umanong nakilala ang mga ito sa isang pepper venture. Magagaling na magsasaka umano ang kanyang mga tauhan at napakalaking tulong ng kanilang abilidad sa pagtatanim sa farm ni Josue. Dahil sa kanilang abiidad sa pagtatanim ng pepper ay nakatanggap na sila ng parangal na Kabataang Agribiz Competitive grant mula sa Department of Agriculture nito lamang nakaraang Agosoto.

Malaki umano ang pagpapahalaga ni Josue sa kanyang mga tauhan dahil sila ang pinaka dahilan ng kanilang magandang ani at maayos na takbo ng kanyang farm. Hindi lamang daw ang kanilang pananim ang kanyang pinapahalagahan kundi ang mga tao rin na naghirap sa likod ng kanilang mga ani.

“As we provide good products, we also make sure that we put our farmers first, give them good credits and let them enjoy what they do,” pahayag ni Josue.

Credit: Facebook / SOX Peppers

Samantala, dahil sa kabutihang ipinakita ni Josue sa kanyang mga tauhan, hindi napigilan ng mga netizens na magbigay reaksyon at papuri dahil sa kanilang paghanga.

“Ganyan dapat lahat ng amo, maging mabait kayo sa magsasaka o trabahador niyo at magkaroon ng malasakit sa kanila.”

“Sana ganyan ang thinking at prinsipyo ng mga business owners para lalo ma-inspire at maging dedicated ang inyong mga tauhan.”

“Yan ang tamang pagtrato sa mga tauhan. Hindi gaganda ang ani kung hindi dahil sa pag-aalaga nila. Hindi lang basta sahod dapat may appreciation din. Good job!”

Credit: Facebook / SOX Peppers

“Good job Sir, share your blessing, and be the blessing to others. God bless you more!”

“You will be blessed even more… stay being kind to them who works for you.”

Isang magandang halimbawa si Josue sa lahat ng amo na maging mapagpasalamat at tratuhin ng mabuti ang mga tauhan. Dahil kung hindi dahil sa mga tauhan ay hindi magiging posible ang bawat negosyo. Nangako rin Josue na kapag nagtuloy-tuloy ang maganda nilang ani ng peppers ay magbibigay rin sya ng bonus sa Pasko para sa kanyang mga tauhan.

Leave a Reply