Magkasintahang Mahilig Magtabi ng Barya, Umabot sa Isang Milyon ang Naipon

Ang pag-iipon ay isang napakahalagang bagay na dapat ginagawa ng lahat upang may mapagkunan sa oras ng pangangailangan o krisis. Ang pag-iipon ay hindi lamang basta pagtitipid kundi isa ring magandang ugali ng paghahanda para sa kinabukasan, gaya na lamang ng magkasintahan na ito na nakapag-ipon lang naman ng halagang isang milyong barya.

Ang magkasintahang sina Yona Abela at Kit Cunanan ay nakapag-ipon ng mga barya at umabot ito ng isang milyon. Ayon sa magkasintahan, imbes na gastusin ang kanilang mga barya sa hindi importanteng bagay, iniipon na lamang nila ito. Nakagawian na nila Yona at Kit na itabi lagi ang mga barya na mayroon sila, hanggang sa hindi na nila namalayan na umabot na pala ito ng isang milyon.

Credit: Facebook / PANGZ – Yona/Kit

Matagal-tagal na rin silang nag-iipon at nito nga lang ay napag-desisyunan na nilang bilangan ang mga barya na kanilang inipon. Hindi nila lubos akalain na ang lahat ng barya na kanilang inipon ay aabot ng milyon. Doon nila napagtanto kung gaano kahalaga ang mga barya, na posible palang makaipon ng milyon gamit lamang ang mga barya-barya na simpleng tinatabi lang naman nila.

Kung iisipin ay mukhang imposible naman talaga na makapag-ipon ng milyon sa tulong ng mga barya. Ngunit pinatunayan ng magkasintahan na basta’t may disiplina at tiwala ay magiging posible ito. Huwag basta maliitin ang halaga ng barya sapagkat kapag pinagsama-sama ay magiging malaki ang halaga nito na higit pa sa inaasahan.

Credit: Gulf News

Nakatulong rin ang pag-iipon nila ng barya sa kanilang relasyon dahil mas pinagsama at pinatatag daw sila nito. Naging relationship goal ng magkasintahan na makaipon kaya naman naging pursigido sila sa pag-iipon at naging disiplinado pagdating sa paggastos at tamang paghawak ng pera.

Masayang-masaya ang magkasintahan sa naipong isang milyon na nagbigay pa lalo sa kanila ng motibasyon upang mas mag-ipon pa. Nakakatuwa umanong makita ang pinaghirapan nila, at patunay lamang ito na tamang desisyon ang kanilang pagtitipid at ang pagkontrol sa tukso na bumili ng kung anu-ano.

Bilang magkasintahan, gagamitin umano nila ang naipong isang milyong barya para sa kanilang kinabukasan. Hindi rin sila titigil sa pag-iipon at mas lalo pang magpupursige dahil hangad nilang mas makaipon pa ng mas malaki.

Credit: Facebook / PANGZ – Yona/Kit

Payo nila sa mga netizens ay humanap umano ng “Ipon Buddy” dahil mas masarap mag-ipon kung may kasama ka. Ang pagkakaroon ng kapareha sa pag-iipon ay nakakatulong rin na maging disiplinado, at sa tuwing natutukso ay maari nilang pagsabihan ang isat-isa. Ang pagkakaroon rin ng ipon buddy ay mapagkukuhanan rin ng suporta at motibasyon sa tuwing tinatamad mag-ipon.

Totoong hindi madaling mag-ipon lalo na ngayong panahon ng pandemya na mahirap ang buhay at malaki ang mga gastusin at presyo ng bilihin. Ngunit huwag itong gawing dahilan upang hindi makapag-ipon, sa halip ay gawin itong motibasyon. Hindi naman kailangan na mag-ipon gamit ang perang papel o malalaking halaga, maaaring magsimula sa barya-barya ang lahat.

Credit: Facebook / PANGZ – Yona/Kit

Ang pag-iipon ay magandang pag-uugali na dapat mayroon ang lahat. Hindi ito pagdadamot sa sarili o sa ibang bagay kundi tamang paghahanda lamang. Sabi nga nila mas mabuti ng handa kaysa naman wala sa oras ng pangangailangan. Tamang disiplina at pagiging pursigido ang isa sa mga susi upang makapag-ipon ng malaking halaga tulad ng magkasintahang sina Yona at Kit.

Sa pag-iipon rin ng barya, tandaan na gamitin rin ito o ipapalit ito sa bangko upang umikot ang daloy ng barya. Payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi masama ang pag-iipon ng barya ngunit huwag din itong itago ng matagal dahil importanteng umikot ng pera upang hindi magkaroon ng kakulangan ng barya ang bansa.

Leave a Reply