OFW, Pinagtabuyan ng Asawa Dahil may Kinakasama na Itong Iba sa Cebu

Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay isa sa pinakamahirap na trabaho sapagkat napipilitan ang ating mga kababayan na mapalayo sa pamilya para kumita. Hindi biro ang magtrabaho sa labas ng bansa, kung saan wala kang kakilala at tanging inaasahan lang ay ang sarili at mga nakaw na sandali na matawagan ang pamilya dito sa Pilipinas.

Isa sa pinakahihintay na sandali ng bawat OFW ay ang kanilang muling pagbalik sa Pilipinas upang makapiling ang kanilang pamilya. Ito ang pinakamagandang regalo para sa kanila matapos ang ilang taong paghihirap at pagsasakripisyo. Ngunit paano kung sa iyong pagbalik ay wala ka na palang mauuwian na pamilya?

Credit: Rosmar

Isang Pinoy OFW ang nag-viral sa social media nang ibahagi ng vlogger na si Rosmar ang kanyang masalimuot na pinagdaanan. Tila mala-teleserye ang kwento nito kung saan ay napaluha sa awa at galit ang mga nakapanood ng video.

Ayon sa post, nakita umano ng concern citizen na ito si tatay sa tabi ng kalsada na nakaupo at tila pasan ang mundo. Dahil sa kanyang kuryusidad ay nilapitan niya ito at kinausap. Napag-alaman niyang si Tatay Jose pala ay na-stranded sa Maynila dahil sa lockdown dulot ng pandemya.

Credit: Rosmar

Ngunit hindi lang ito ang malungkot na sinapit ni Tatay Jose, may malaking dahilan pala sa likod ng kanyang pagka-stranded. Siya pala ay isang OFW at kakauwi lamang niya mula abroad at pauwi sa kanyang pamilya na nasa Cebu. Maayos naman umano ang lahat at masaya siyang nakauwi matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa ibang bansa at sa wakas ay kasama na ang kanyang mahal na pamilya.

Credit: OFW Tambayan

Subalit makalipas ang ilang araw ay sinabihan siya ng kanyang asawa na kailangan niyang pumunta ng Bulacan. May sakit umano ang kanyang kamag-anak sa Bulacan at kailangan ng kanyang tulong kaya’t nagpumilit ito na umalis siya at puntahan ito.

Agad namang lumuwas si Tatay Jose papuntang Bulacan mula Cebu dahil na rin sa pagpupumilit ng kanyang asawa. Habang nananatili siya sa kanyang kamag-anak sa Bulacan ay ikinagulat niya ang mensaheng natanggap mula sa kanyang asawa na nasa Cebu. Sinabi nitong manatili na lang siya sa Bulacan at huwag nang bumalik sa kanila sa Cebu dahil may bago na itong kinakasama.

“Wag ka na bumalik dito sa Cebu, may iba na akong gusto.”

Credit: Mumbai Live

Ganun kadali siyang iniwan at ipinagtabuyan ng kanyang asawa matapos ang ilang taon niyang pagtatrabaho at pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya. Nawala ng parang bula ang matagal nilang relasyon bilang mag-asawa ng dahil lang sa isang lalaki. Napakasakit nito para kay Tatay Jose at pakiramdam niya ay napagsukluban siya ng langit at lupa dahil sa mapait na katotohanan.

Kahit gusto niyang makauwi agad sa Cebu upang maka-usap ng personal at maayos ang kanyang asawa ay hindi niya ito nagawa agad dahil siya ay naaabutan ng lockdown sa Maynila. Masakit pa nito, ay wala siyang sapat na perang dala kaya mas lalo siyang nahirapan.

Credit: Rosmar

Maraming netizens ang naawa para kay Tatay Jose kaya’t nagpaabot sila sa kanya ng tulong. Hindi rin naiwasan na magpuyos sa galit ang mga netizens sa kanyang asawa at sa ginawa nito. Walang puso umano ang kanyang asawa para siya ay iwan at ipagtabuyan na lang basta para sa bago nitong lalaki.

Talaga namang napakasaklap ng sinapit ni Tatay Jose at kahit sino ay tunay na masasaktan. Hangad lamang ng mga netizens na sana makauwi ito ng maayos sa Cebu at nakapag-usap sila ng kanyang asawa. Ang iba naman ay umaasang makapag-ayos pa sila, ngunit ang iba naman ay pinayuhan si Tatay Jose na pabayaan na lang ang asawa niyang nagtaksil at hayaan gantihan ng karma.

Leave a Reply