Khaby Lame: Factory Worker Noon, Fast-Rising Star ng TikTok Ngayon na May 124M Followers

Isa ngayon ang application na TikTok sa pinakasikat at pinakanagagamit na social media app sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay may mahigit isang bilyong tao ang aktibong gumagamit nito. Katulad ng ibang social media platforms, ang TikTok ay ginagamit ng tao upang mag-post ng mga videos o content.

Kasabay ng pagsikat ng TikTok noong pumutok ang pandemya ay ang pagsikat rin ng mga TikTok users. Isa nga sa pinakakilala at pinakasikat ngayon ay si Khabane Lame o mas kilala bilang Khaby Lame.

Credit: Instagram / khaby00

Bago pa man natamo ni Khaby Lame ang kasikatan ay isa lamang siyang simpleng tao na nagtatrabaho sa isang factory sa Italy. Nagmula siya at ang kanyang pamilya sa bansang Senegal at lumipat sila sa Italy noong isang taong gulang pa lamang siya. Bago nagkaroon ng pandemya ay maayos naman ang kanyang buhay bilang factory worker, subalit sa kasamaang palad ay nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya kaya’t bumalik siya sa kanyang mga magulang habang naghahanap ng bagong trabaho.

Habang wala ngang trabaho si Khaby Lame ay naisipan niyang mag-download ng app na TikTok dahil wala siyang magawa. Noong una ay nanunood lamang siya ng mga videos ng ibang TikTokerist, kalaunan ay gumawa na rin siya ng kanyang sariling mga videos na sumasayaw o kung ano mang trend ang mayroon sa app.

Credit: Instagram / khaby00

Wala siyang balak na sumikat at ang kagustuhan niya lamang noon ay maalis ang kanyang pagkabagot, at isang araw nga ay naisipan niyang gawan ng video-reaction ang isang isang video tungkol sa pagbabalat ng saging gamit ang kutsilyo. Ang video reaction na kanyang ginawa kung saan ipinakita niya ang normal na pagbalat ng saging gamit ang kamay at sinamahan niya pa ito ng nakakatawang facial expression at pag-angat ng dalawang kamay na nagsasabing “ganun kadali”, “common sense”, o “duh!”

“I came up with the idea because I was seeing these videos circulating, and I liked the idea of bringing some simplicity to it.”

Credit: Instagram / khaby00

Agad na sumikat ang video reaction niya na ito at umani ng ilang milyong views at likes sa TikTok. Ang simpleng video reaction na ito ang naging simula ng pagsikat ni Khaby Lame sa buong mundo. Kaya naman nagpatuloy siya sa paggawa ng ganitong klase ng mga video kung saan ay ipinapakita niya nga ang simpleng paraan ng paggamit o pagresolba sa isang bagay. Sinasamahan niya ito ng nakakatawa niyang reaksyon, pag-iling at sikat na hand gesture.

“The type of gesture came by chance, but the silence didn’t. I thought of a way to reach as many people as possible. And the best way was not to speak.”

Credit: Instagram / khaby00

Sa kasalukuyan ay umani na si Khaby Lame ng 124.2 million followers sa TikTok, siya ang pangalawa na may pinakamadaming followers. Siya rin ang tinaguriang fast-rising user dahil makalipas lamang ang ilang araw at linggo ng pagka-post niya ng kanyang video reaction sa saging ay umani na siya ng milyong followers.

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay nananatiling mapagkumbaba si Khaby Lame at hindi pa rin umano siya makapaniwala sa kanyang biglaang pagsikat at tinatamong ginhawa sa buhay ngayon. Sa katotohanan ay hindi pa umano bumibili si Khaby Lame ng mga mamahalin o grandyosong mga bagay mula sa kanyang kita sa TikTok. Tanging iphone 12 pa lang ang pinakamalaki niyang pinagkagastusan dahil kailangan niya umano ito upang makapag-video ng mas maayos at malinaw.

Credit: Instagram / khaby00

Sa edad na 21 ay hindi nya lubos akalain na matatamo niya na ang magagandang bagay sa tulong ng TikTok at ng mga milyon niyang followers at viewers. Malaki umano ang pasasalamat niya sa mga ito at sa suportang ibinibigay nila sa kanya. Masaya umano siya sa kanyang ginagawa at masaya siyang nakakapagpasaya siya ng maraming tao sa simpleng paraan.

“My facial expressions are funny and they make people laugh, this simplicity makes people laugh and I love it.”

Credit: Instagram / khaby00

Sa mga TikTok videos ni Khaby Lame ay gusto nyang ipakita sa mga tao na ang buhay ay pwedeng maging simple at hindi kumplikado. Tayo lamang ang nagpapakumplikado dito, ngunit kung gugustuhin natin ay maaari nating mapadali ang ating buhay at maging masaya.

Ipagpapatuloy umano ni Khaby Lame ang paggawa niya ng TikTok video reactions at wala umano siyang pakialam kung siya man ang pinakasikat o hindi, ang importante sa kanya ay nagagawa niya ang kanyang gusto at nakakapagpasaya siya ng maraming tao.

“I don’t care if I’m first or second or fourth most popular on TikTok. I started making videos because I wanted to make people laugh in that period of lockdown. And I keep making videos with the same ideals. I’m happy about my accomplishments, but those are not my main things.”

Leave a Reply