73-Anyos na Lolo at PWD, Patuloy na Nagtatrabaho Gamit ang Kanyang Lumang Bisikleta

Ang pagkakaroon ng kapansanan ay isang mahirap na pagsubok para sa isang tao ngunit kailangan nilang magpatuloy upang mabuhay sa araw-araw. Sa kabila ng mahirap na kalagyan at panghuhusga ng ilang tao, ang mga PWD ay nananatiling matatag at masipag sa buhay. Katulad na lamang ng isang lolo na ito na sa kabila ng kapansanan ay masikap pa ring kumakayod.

Si Lolo Alejandro Lebuna Sr. ay 73-anyos na pipi’t bingi. Siya ay nakatira sa Ma-inuswagon, Bolilao, Mandurriao, Iloilo at masikap na naghahanapbuhay bilang barbero at masahista sa tulong ng kanyang bisikleta.

Credit: Instagram / lpukidsbike

Sa kabila ng kapansanan ni Lolo Alejandro ay nananatili siyang matatag sa buhay at patuloy pa ring kumakayod kahit mahirap ang kanyang kalagyan. Hindi hadlang sa kanya ang kapansanan at maski ang kanyang edad upang sumuko, sa halip ay naging motibasyon niya ito para lalong magpatuloy. Importatante para kay Lolo Alejandro na masuportahan ang kanyang pamilya kaya’t tuloy lang ang kanyang laban.

Maaga pa lang ay nag-iikot na si lolo Alejandro sa ibat-ibang lugar sa kanilang bayan upang mag-alok ng gupit at masahe. Ang gupit ay nagkakahalaga ng 100 pesos lamang habnag ang masahe ay 50 pesos lang. Maliit lamang ang kinikita ni lolo Alejandro ngunit sapat na ito upang masuportahan ang kanyang pamilya. Sa tulong ng kanyang bisikleta ay araw-araw niya itong ginagawa upang kumita at may maiuwi sa kanyang pamilya.

Credit: Instagram / lpukidsbike

Bukod sa kanyang pag-aalok ng gupit at masahe ay tinutulungan rin siya ng kanyang asawa na si Lola Ernestina, 69-anyos, sa pagtitinda ng mga tanim nilang halaman at mga alaga nilang bibe. Magkatuwang silang mag-asawa sa paghahanapbuhay upang masuportahan ang kanilang pamilya at mabuhay sila sa araw-araw.

Para kay Lolo Alejandro, balewala ang kanyang kapansanan at kaya niyang gawin ang lahat para lang sa kanyang pamilya. Handa siyang kumayod araw-araw kahit pa may panganib na dala ang pandemya masuportahan lang ang mahal niyang pamilya.

Credit: Instagram / lpukidsbike

“Bilang magulang, hindi na natin iniisip ang ating mga sarili, dahil ang mahalaga sa atin ay maibigay natiin ang pangangailangan ng ating mahal sa buhay.”

Ang kwento ng pagsusumikap ni Lolo Alejandro sa kabila ng kanyang kapansanan ay hinangaan ng isang concern netizen kaya niya ito ibinahagi sa social media. Bukod sa kanya ay marami ring netizens ang nagbigay ng mga reaksyon at papuri dahil sa nakakabilib na karakter ni Lolo Alejandro.

Credit: iStock

“Mabuhay po kayo at pagpalain ng Maykapal, Lo.”

“Patuloy ka po sanang gabayan ng Panginoon, lagi po kayong mag-iingat at sana laging malakas ang katawan nyo. God bless po.”

“Salute po sa inyo, Lolo. Kahit matanda na kayo at may kapansanan pa, napakagaling nyo po.”

“Mabuti pa si Lolo kahit PWD at may edad na, marangal pa ring nagtatrabaho, ‘di tulad ng iba dyan na normal pero ang lakas manloko ng kapwa.”

Credit: stocksy

Tunay na isang inspirasyon si Lolo Alejandro sa lahat ng netizens. Ipinakita niyang hindi hadlang ang kapansanan upang makapagtrabaho ng marangal at masuportahan ang pamilya. Imbes na mapanghinaan ng loob ay ginawa niyang lakas ang pamilya upang magpatuloy at maging matatag.

Ang kahirapan ng sitwasyon o kalagayan ay huwag gawing dahilan upang tamarin o sumuko kundi gawin itong inspirasyon upang magkaroon ng maginhawang buhay ay maitaguyod ang mahal na pamilya.

Leave a Reply