Lady Guard, Nagsumikap at Matagumpay na Nakapagtapos ng Kolehiyo Bilang Dean’s Lister

Hindi madali ang mag-aral kung ikaw ay mahirap at kailangang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Ngunit ang pagiging mahirap ay isang bagay na pinagkukuhanan ng motibasyon ng lahat ng salat upang magsumikap sa kanilang buhay. Tulad na lamang ng proud lady guard na ito, na matagumpay na napagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral.

Si Arlyn Ramos ay 27-anyos at isang lady guard sa kanyang paaralan. Habang nagtatrabaho bilang isang lady guard sa Bulacan State University, lakas-loob niya ring isinabay ang kanyang pagkokolehiyo dahil pangarap niyang makapagtapos.

Credit: Bulacan State University

Mahirap lamang ang pamilya ni Arlyn kung kaya’t hindi siya nakapag-kolehiyo agad. At nang magkaroon siya ng pagkakataon dahil may konting kinikita na sa pagtatrabaho bilang lady guard ay nagpasya na siyang mag-aral ulit. Napili niyang magkolehiyo sa mismong paaralan na kanyang pinagtatrabahuan dahil mas madali ito sa kanya, at binibigyan siya ng pang-unawa ng kanyang mga guro dahil sa kanyang sitwasyon.

“2016 nang magsimula akong maging isang lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula pa taong 2019.”

Determinado si Arlyn na makapagtapos ng kolehiyo dahil pangarap niyang matulungan ang kanyang tatay at makamit ang kanyang pangarap na maging chef sa isang cruise ship. Nagtapos siya sa kursong BIT Major in Food Service Management, bukod sa matagumpay na pagtatapos ay nagkamit rin siya ng parangal bilang isang Dean’s Lister.

Credit: Facebook / Arlyn Ramos

“Naging inspirasyon ko sa pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin.”

Dahil sa pagsusumikap at determinasyon ni Arlyn ay hindi siya nabigo na makamit ang pangarap na makapagtapos. Tiniis niya ang hirap na pagsabayin ang pagtatrabaho bilang lady guard at pag-aaral. Hindi niya nais na maging lady guard habang buhay at pangarap niya ring kumita ng mas malaki upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

“Nagsumikap ako magtrabaho at pagtapusin ang sarili ko.”

Credit: Facebook / Arlyn Ramos

Isa pang nakakabilib ay kahit maliit lamang ang kinikita niya sa pagiging lady guard ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pamilya. Kahit marami rin siyang gastusin sa kanyang pag-aaral at nagbabayad rin siya ng inuupahang bahay ay palagi pa rin siyang nagbibigaya sa kanyang pamilya.

Matiyagang pinagkakasya ni Arlyn ang kanyang sahod para sa pamilya, pag-aaral at sa kanyang sarili. Hindi ito madali dahil hindi naman kalakihan ang sinasahod ng isang lady guard na katulad niya. Kaya’t nagpapasalamat rin siya sa Panginoon dahil kahit mahirap ang kanyang naging sitwasyon ay hindi siya nito pinabayaan.

Dahil sa nakakabilib na pagsusumikap at tagumpay ni Arlyn ay maraming netizen ang humanga at nagbigay papuri sa kanya.

“Congratulations, Miss lady guard! Keep up the good work. God bless.”

“Very inspiring… Congrats. Salute for you!”

Credit: Facebook / Arlyn Ramos

“Be an inspiration to others we salute you, wishing you the very best in all aspects of your life.”

“A determined doer with great dreams, will never be cowed by any form of challenges and countless frustrations along her journey. Congratulations!”

“Congrats, Ma’am… you are a woman of good dreams. God bless you more.”

Tunay na isang magandang halimbawa si Arlyn sa lahat na hindi hadlang ang kahirapan. Ang tunay na may pangarap ay kayang magsumikap at maging determinado para mapabuti ang buhay. Imbes na gawing problema ang kahirapan, ay gawin itong motibasyon sa buhay upang magtagumpay.

Leave a Reply