Kusinerong Ama, Tuloy ang Pagtatrabaho Habang Bitbit ang Anak sa Kanyang Likuran

Mula noon hanggang ngayon, marami pa ring magulang ang masikap na pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aalaga ng kanilang anak. Dahil sa hirap ng buhay, hindi talaga maiiwasan na pagsabayin ang paghahanapbuhay at pagiging responsableng magulang. Ang mga mahihirap ay walang kakayahan na kumuha ng tagapag-alaga hindi gaya ng mga may kaya sa buhay kaya’t walang ibang pagpipilian kundi ang magsakripisyo.

Nag-viral sa social media ang larawan ng isang ama na habang nagluluto ay inaalagaan ang kanyang sanggol na anak na nakasabit sa kanyang likuran. Naaawa at humanga ang mga netizens sa sitwasyon ng mag-ama at inulan ito ng maraming reaksyon at mga komento.

Credit: Unsplash

Nakilala ang ama sa larawan na si Vinz Manalo kung saan siya ay nagtatrabaho bilang isang kusinero. Isa umano siyang misyonaryo at nagtatrabaho bilang kusinero sa Adventist Hospital Palawan sa Puerto Prinsesa. Nagkataon na wala ang kanyang asawa noong araw na nakuhanan siya ng larawan kaya’t siya ang nag-aalaga sa kanyang anak.

Wala umanong mapag-iiwanan sa kanyang anak at wala rin siyang kakayahan na magbayad ng tagapag-alaga nito kaya’t ang naisip niyang paraan ay isama ito sa kanyang trabaho at alagaan ito habang siya ay nagluluto sa kusina. Kailangan umanong pumunta sa ospital ng kanyang asawa para magpa-check up, imbis na isama na lang ito ng asawa niya, mas pinili niyang siya na lang ang mag-alaga sa kanilang anak dahil takot silang ma-expose ito sa kung anong sakit mula sa labas.

Credit: Facebook / Vinz Manalo

Ayon kay Vinz, ang pagsabayin ang trabaho at pag-aalaga sa anak ay maliit na bagay lamang. Bilang isang responsableng magulang, normal lamang na ginagawa ito, at para rin naman umano ito sa ikabubuti ng anak niya.

“Kapit lang anak ko, kailangan lang talaga magtrabaho ng Papa mo para may pambili ng gatas mo.”

Kung hindi umano siya magtatrabaho sa araw na iyon ay masasayang ang perang suswelduhin niya. Ang sweldo niya para sa araw na iyon ay malaking bagay na upang may pambili ng gatas ng kanyang anak at iba pa nitong pangangailangan tulad ng diaper at mga vitamins.

Credit: Facebook / Vinz Manalo

Makikita din sa larawan na tahimik lang ang kanyang anak habang ito ay nasa baby carrier na tila ba ay nauunawaan nito na nagtatrabaho ang kanyang ama kaya’t kailangan niyang maging mabait na bata. Sa larawan ay mukhang hindi kumportable ang bata sa likod ni Vinz habang siya ay nagluluto, ngunit wala itong reklamo o hindi umiiyak.

Sinigurado rin ni Vinz na maayos naman ang kalagyaan ng kanyang anak sa kanyang likod noong panahon na siya ay nagluluto. Kahit mahirap sa kanya na buhat ito sa likod habang nagbubuhat rin siya ng malalaking kaldero, mas iniisip niya pa rin ang kalagayan ng anak noong panahon na iyon.

Credit: Facebook / Vinz Manalo

“God bless sa inyong mag-ama, basta ingat lang po palagi habang nagluluto para sa safety ni baby.”

“Nakakabilib hindi lahat ng Tatay ay ganyan na katulad mo.”

“Masipag at reponsableng Tatay, salute sayo, Sir!”

“Ganyan talaga ang buhay, hindi maiiwasan na pagsabayin ang mga ginagawa, pero laban lang para sa anak dahil kailangan mong maging malakas para sa kanya.”

Credit: VideoHive

Para sa mga magulang na katulad niya na kailangang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga ng anak, maging matatag lamang at isipin ang anak upang magpatuloy kahit nahihirapan na. Gawing lakas ang anak upang magsumikap at magtrabaho ng mabuti at huwag magpaapekto sa hirap ng sitwasyon.

Maaaring hindi ito naiintindihan ng anak niya dahil masyado pang bata ito, ngunit dadating ang panahon na mapagtatanto nito ang hirap at sakripisyo niya. Ang pagmamahal ng isang magulang hindi kayang pahinain ng anumang pagsubok sa buhay, dahil para sa anak ay kayang gawin ni Vinz ang lahat.

Leave a Reply