May-Ari ng Carinderia, Nilibre ang Batang Naglalako ng Ice Cream na Wala Pang Benta

Maraming mga bata ngayon ang napipilitang magtrabaho dahil sa hirap ng buhay. Hindi sapat ang kinikita ng kanilang mga magulang kung kaya’t tumutulong na rin sila sa paghahanapbuhay. Ang ilan naman sa kanila ay mismong nagtataguyod sa kanilang pamilya.

Isang batang lalaki na naglalako ng ice candy ang napilitang magtrabaho dahil sa hirap ng buhay. Kailangan niyang maglako sa kalsada at mag-alok ng panindang ice candy sa mga tao upang makabenta at may maiuwi sa kanyang pamilya.

Ngunit ang paglalako ay hindi madaling trabaho lalo na sa mga batang katulad niya. Mahirap maglako sa init ng panahon habang may dalang mabigat na styro container ng ice candy, umaasang may bibili at makakabenta. Kailangan mo rin ito mabenta ng mabilis dahil maaari itong matunaw at kung malambot na ay hindi mo na mabebenta pa. Hindi biro ang ganitong trabaho para sa isang bata kaya’t nakakamangha na kinakaya niya itong gawin sa araw-araw.

Credit: Pinoycentrism

Isang carinderia owner ang nakapansin sa batang lalaki na nagtitinda ng ice candy. Ayon sa kanya, tumitingin lamang ito sa kanyang mga paninda at walang balak bumili. Nakita niya raw sa mga mata nito ang kagustuhang kumain at halatang gutom na gutom na ngunit hanggang tingin lamang ang kayang gawin.

Naawa si Remillo Nhel, ang may-ari ng carinderia, kaya naman ay inaya nya ito sa kanyang pwesto at inalok ng pagkain. Sa una raw ay ayaw pa nitong pumayag kahit halata naman na gutom na gutom na dahil nahihiya raw ito sa alok niya. Hindi raw inaasahan ng bata na ililibre niya ito kaya’t hindi pa makapaniwala at inaakalang binibiro niya lamang.

“…At yun nga inalok ko ng pagkain sabi ko libre ayaw pa nung una kasi nahihiya daw, pero bandang huli napakain ko rin siya.”

Credit: Facebook / Remillo

Hindi na rin siguro pa kayang tiisin ng bata ang gutom kaya naman sa huli ay tinanggap na nito ang alok ni Remillo na libreng pagkain. Maaaring matagal na itong naglalako at pagod na pagod na kaya’t inabutan na ng gutom ngunit wala pang benta, kaya’t walang kakayahan na bumili ng pagkain para sa kumakalam na tiyan.

Habang kumakain ay nakipagkwentuhan na rin si Remillo sa bata, doon niya napag-alaman na napilitan itong magtrabaho dahil sa kanyang ina. Ang ina kasi nito ay may sakit umano at hindi kayang maghanapbuhay para sa kanila kaya’t nagkusa na itong maghanapbuhay upang may pangkain sila sa araw-araw at may maipambili ng gamot.

Credit: 365 pinoy stuff

Kahit gustong magpahinga at kumain ng bata ay hindi niya ito magawa dahil kailangan niya pang makabenta ng ice candy at wala pa umano itong kinikita kaya’t hindi makabili ng pagkain. Nakita naman ni Remillo na halos wala pa ngang bawas ang ice candy na mga tinda nito at puno pa ang lalagyan na styro.

Kaya naman napagdesisyunan ni Remillo na kuhanan ito ng litrato at ipost sa social media upang makahingi ng tulong para sa bata. Lubos daw siyang naawa sa kalagayan nito, at namangha rin dahil sa pagiging masipag at mapagmahal na anak. Makikita mo daw talaga sa mata ng bata na kahit gutom na ay kayang magtiis para sa kanyang pamilya. Mas importante ang makabenta upang may maiuwi sa pamilya kesa punan ang kumakalam na sikmura.

Credit: Facebook / Remillo

Hindi naman nabigo si Remillo dahil may mga mabubuting netizens ang naawa at humanga rin sa batang nagtitinda ng ice candy. Nagpaabot sila ng tulong sa bata at sa pamilya nito. Malaki naman ang pasalamat ng bata para kay Remillo at sa mga tumulong na netizens dahil malaking tulong ito sa kanyang pamilya.

Tunay na kahanga-hanga ang batang nagtitinda ng ice candy. Hindi katulad ng ibang kabatan na may komportableng buhay at simpleng nag-aaral at naglalaro lang, siya ay kumakayod para sa kanyang pamilya. Handang mag-sakripisyo at magutom para lang makatulong hindi alintana ang murang edad.

Leave a Reply