Larawan ng Magkapatid na Namamalimos sa Overpass, Nag-Viral sa SocMed

Ang mga namamalimos na bata ay hindi na bago sa atin dahil madalas na silang makita kung saan-saan at nanghihingi ng konting barya. Bukod sa sila ay madungis, nakakaawa rin silang tingnan at mapapatanong ka na lang kung nasaan kaya ang kanilang mga magulang.

Dalawang batang namamalimos ang nakuhaan ng litrato at ipinost sa social media ng isang concern citizen na is Pearl Jhene David. Nadaanan niya umano ang dalawang bata sa overpass ng San Matias malapit sa SM at Robinson Starmalls. Agad daw siyang naawa sa kalagayan ng dalawang bata, lalo na ng nakita niyang nakabalot pa ito ng plastik.

Credit: Unsplash

Ayon kay Pearl, ang dalawang bata ay nagngangalang Aldin na siyang panganay at si Santino na bunso. Namamalimos sila at umaasa sa barya-baryang inihuhulog ng mga taong dumadaan habang naghihintay sa kanilang ina. Ang kanilang ina umano ay nangangalakal upang kumita para may makain sila.

“Wala po kasi si Mama, nangangalakal pa po, mamaya pa po iyon uuwi.”

Ang pera naman na kanilang makukuha sa panlilimos ay ipambibili nila ng gamot ng kanyang kapatid na si Santino na may sakit. Makikita si Santino na nakahiga sa malamig na sahig ng overpass at natutulog dahil mayroon daw itong sakit sa bato at nilalagnat pa umano.

Credit: Facebook / Pearl Jhene David

Bukod sa panlilimos, mapapansin rin na may hawak na mga sampaguita ang batang si Aldin na kanyang ibinebenta rin habang nanlilimos sila. Hindi naman lahat ng napapadaan ay nag-aabot ng barya, kaya’t ang pagtitinda ng sampaguita ay ginawa rin nilang paraan upang kumita.

Hindi lubos maisip ni Pearl ang hirap ng kalagayan ng dalawang bata habang naghihintay sa kanilang ina at umaasa sa awa at limos ng ibang tao. Sa murang edad ay napilitan itong makipagsapalaran sa lansangan upang magkaroon ng konting pera para mapunan ang kanilang pangangailangan.

Dahil sa awa at kagustuhang matulungan ang dalawang bata, naisipan ni Pearl na kuhanan ng litrato ang dalawa at ipost sa social media. Bukod diyan ay nag-abot rin siya ng konting tulong at nag-iwan rin siya ng kanyang numero kung sakaling makahanap pa siya ng tulong ay madali niyang mahanap ulit ang mga ito.

Credit: Facebook / Pearl Jhene David

Marami ring netizens ang naawa para sa dalawang mgkapatid at nagpahayag ng kanilang mga reaksyon at komento.

“Kawawang mga bata, nakakadurog ng puso pag nakakakita ka ng ganyan.”

“Bakit naman hinayaan ng mga magulang yan, dapat nasa bahay lang ang mga bata lalo na at may sakit pala. Lord tulungan ny po sana sila at huwag pababayaan.”

“Sana may mga tumulong sa kanila. Ang mga katulad nila ang dapat na tinutulungan. Ang sakit sa uso tingnan ng mga batang ito.”

“Lord Jesus guide and bless them. Please heal the sick.”

“Poor kiddos, may the Lord will touch someones heart to help you guys.”

Credit: Beaver Tales

Ang mga batang katulad nina Aldin at Santino ay ilan lamang sa ilang libong bata sa bansa na namamalimos at napapabayaan ng mga magulang. Dahil sa hirap ng buhay at kakulangan sa gabay ay napipilitan silang manlimos upang mapunan ang kanilang pangangailangan.

Nakakalungkot isipin na sa murang edad nila, imbes na nag-aaral at naglalaro ay nasa lansangan sila at napipilitang mamalimos. Nakakadurog ng puso na makita ang kanilang kalagayan at nakakamangha rin dahil nananatili silang matatag kahit napaka-hirap ng kanilang sitwasyon.

Leave a Reply