Ama, Matiyagang Naglalako ng Mais Kasama ang Sanggol na Anak Matapos Iwan ng Asawa

Ang pagiging magulang ay isang mabigat na responsibilad dahil mahirap magpalaki ng anak. Ang pagpapalaki ng anak ay madalas na ginagawa ng ama at ina, ngunit paano kung isang magulang na lang ang gumagawa nito? Katulad na lamang ng isang ama na ito na nag-viral sa social media.

Ibinahagi ng isang concern citizen na si Cristina Magpuyo Birao ang mga larawan ng isang ama na matiyagang naglalako ng paninda habang may kargang sanggol. Ayon kay Cristina, nadaanan niya ang isang lalaki na may hila-hilang stroller ngunit hindi bata ang nasa loob kundi mga hilaw na mais, at ang sanggol ay karga ng kanyang ama.Nakilala niya ang tatay na si King Brian na taga-Barangay Batasan, Quezon City. Ito ay matiyagang naglalako ng hilaw na mais sa kalsada habang karga ang kanyang sanggol na isang buwan pa lamang. Napag-alaman ni Cristina na iniwan na pala ng kanyang asawa si King kasama ang isa pa nilang anak. Hindi daw nito dinala ang bagong silang na anak at iniwan sa kanya.

Credit: Facebook / Cristina Magpuyo Birao

Nakilala niya ang tatay na si King Brian na taga-Barangay Batasan, Quezon City. Ito ay matiyagang naglalako ng hilaw na mais sa kalsada habang karga ang sanggol na isang buwan pa lamang. Napag-alaman ni Cristina na iniwan na pala ng kanyang asawa si King kasama ang isa pa nilang anak. Hindi daw nito dinala ang bagong silang na anak at iniwan sa kanya.

Bilang isang responsableng ama, masakit man para sa kanya na iwan ng kanyang asawa ay wala siyang magagawa kundi magpakatatag para sa kanyang anak. Kinailangan kumayod ni King para may pambili siya ng mga kailangan nito katulad na lang ng gatas at diaper.

Napilitan si King na isama sa paglalako ng mais ang kanyang sanggol na anak dahil wala siyang mapag-iwanan dito. Hindi niya na umano naisip ang hirap ng paglalako habang karga ang anak, dahil mas importante sa kanya na makapaghanap-buhay habang nababantayan ito.

Credit: Facebook / Cristina Magpuyo Birao

Samantala, dahil sa awa ni Cristina para sa mag-ama, hindi niya hinuli si King kahit pa myembro siya ng Task Force Disiplina na dapat hulihin ang mga kagaya ni King na lumalabas na may kasamang bata sa gitna ng pandemya. Ayon sa kanya, imbis na hulihin si King ay mas gusto niya itong tulungan kaya naman ibinahagi niya sa Facebook ang mga larawan ng mag-ama at kanilang kwento.

Nanawagan si Cristina sa mga netizens na matulungan si King na magkaroon ng kahit maliit na tindahan sa kanyang bahay upang hindi na nito kailangan pang maglako sa kalsada kasama ang sanggol na anak. Alam ni Cristina na delikado para kay King, lalo na sa kanyang sanggol na anak ang paglalako sa labas dahil sa kumakalat na virus. Bilang sanggol pa ang anak nito, napaka-delikado para dito ang nasa labas dahil mahina pa ang resistensya at malaki talaga ang tyansa na mahawaan ng sakit.

Credit: Facebook / Cristina Magpuyo Birao

Hindi naman nabigo si Christina dahil maraming mabubuting netizens ang nagpaabot ng tulong. Naantig sila sa sitwasyon ng mag-ama kaya’t nagpadala sila ng tulong kay Christina upang maiaabot sa mag-ama.

Ayon rin sa mga netizens kahanga-hanga rin ang pagiging matatag at pagiging responsableng ama ni King. Kahit mag-isa na lamang ito na pinapalaki ang sanggol pang anak ay patuloy pa rin itong kumakayod at matiyagang naghahanapbuhay. May ilan ring netizens ang hindi napigilan mag-komento ng kanilang pagkadismaya para sa asawa ni King na umiwan sa kanila.

“Laban lang, ‘wag kang mawawalan ng pag-asa. Si God andyan gagabay sayo at sa baby mo.”

“Being a solo parent is hard but kakayanin para sa anak.”

“Mahirap magpalaki ng anak lalo na ngayong pandemic pa naman pero kakayanin ng isang magulang lahat ng hirap para sa kanilang anak.”

Credit: Facebook / Cristina Magpuyo Birao

“Make your baby your strength. Don’t lose hope, Kuya.”

“Ano ba namang klaseng Nanay yan, pagkatapos umire iiwan na lang ung anak.”

“Kawawa naman si baby need niya pa ng breastfeed bakit naman iniwan ng Nanay.”

“Walang konsensyang Nanay, hindi man lang naawa napakabata pa ng anak niya oh.”

Masaya naman si Cristina dahil sa simpleng paraan ay nakatulong siya sa mag-ama. Hangad niya na sana marami pang tulong ang matanggap ng mag-ama at mabigyan rin sila ng tulong mula sa lokal na gobyerno.

Credit: Facebook / Cristina Magpuyo Birao

Aminado si King na talagang napakahirap maging isang single parent lalo na at ang inaasahan niya lang ay ang pagtitinda ng hilaw na mais. Alam niyang hindi ito sasapat para sa kanyang sanggol na anak kaya naman nagpapasalamat siya kay Cristina at sa mga netizens na nagbigay ng tulong para sa kanila. Napakalaking tulong daw ang kanyang mga natanggap para sa kanyang anak.

Isang magandang halimbawa si King para sa mga solo parent na imbis na panghinaan ng loob dahil mag-isa na lang ay maging mas matatag para sa anak. Gawing motibasyon ang anak upang magpatuloy. Lahat ng ama ay kayang magsakripisyo para sa minamahal na anak.

Leave a Reply