“Nilosak” Version ng Birthday Cake, Gawa ng Inang Taga-Leyte Para sa Kaarawan ng Anak

Ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak ay hindi matatawaran. Lagi nitong naaalala ang mahahalagang araw ng anak at ginagawang masaya kahit salat man sila sa buhay—kahit simpleng bagay ay gagawin mapasaya lamng anag anak at mabigay ang pangangailangan nito.

Si Nanay Lea Orita Cruza ay mula sa Maasin, Southern Leyte. Naantig niya ang puso ng mga netizens matapos niyang gawan ng “nilosak cake” o “nilupak” sa Tagalog ang kanyang anak na si Lixter para sa kaarawan nito.

Credit: Facebook / Lea Orita Cruza

Ang cake ay isa sa mga handa na hindi nawawala sa mga kaarawan, lalo na sa mga kaarawan ng mga bata. Ito ay simbolo ng masayang selebrasyon at espesyal na araw, kaya naman kahit salat ay pinilit pa rin ni Nanay Lea na magkaroon ng handang cake ang kanyang anak na si Lixter upang mapasaya ito at maiparamdam ang espesyal na araw.

Nagdiwang ang kanyang anak na si Lixter ng ika-labing-isang kaarawan nito, ngunit dahil salat at walang kakayahan na mabilhan ng birthday cake ang anak ay naisipan na lamang ni Nanay Lea na gumawa ng sariling cake. Ang nilosak ay isang kakanin na gawa sa saging. Ginawa niyang hugis bilog ito at nilagyan ng konting dekorasyon upang magmukhang birthday cake para sa anak.

Credit: Facebook / Lea Orita Cruza

Ibinahagi ni Nanay Lea sa kanyang Facebook ang nilosak cake na kanyang ginawa para sa kaarawan ng anak na may caption na:

“Happy birthday dong, hinaot unta nga tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug tuda aron manambok na hehehe hinaot unta mahurot ng akong hinimo na nilosak cake nemu hahaha gikapoy raba jud ko ug lusak ana dong hahaha. I love you.”

[Happy birthday dong, sana bigyan ka pa ng malusog na pangangatawan at sana kumain ka ng marami para tumaba ka hehehe sana rin maubos mo yang nilupak cake na gawa ko hahaha napagod kaya ako sa paggawa niyan dong hahaha. I love you.]

Credit: Facebook / Lea Orita Cruza

Nagsumikap si Nanay Lea na magawan ng cake ang kanyang anak na si Lixter kahit napagod umano siya sa paggawa nito. Kahit pagod ay hindi niya ito alintana at hiniling lang na maging malusog at hindi magkasakit ang kanyang anak.

Makikita naman na natuwa ang anak niya sa kanyang nilosak cake. Naiintidihan nito na salat sila, kaya natuwa ang batang si Lixter na kahit ganun ay gumawa pa rin ng paraan ang ina upang maging espesyal ang kanyang kaarawan. Nagpapasalamat siya sa effort at pagmamahal na ipinakita nito para sa kanya.

Credit: Facebook / Lea Orita Cruza

Ang post ni Nanay Lea ay pinusuan ng mga netizens at ikinatuwa nila. Ipinakita daw ni Nanay Lea ang pagmamahal nito sa anak at ang kagustuhan na mapasaya ito kahit sila ay salat sa buhay.

“Happy birthday sayo, napaka-creative ng mother mo at gusto ka talaga niyang maging masaya.”

“Happy birthady sayo sobrang nakakatuwa dahil kitang love na love ka ng Mama mo. Ma-appreciate mo sana siya. God bless.”

“Happy 11th birthday Lixter! Napakasarap ng cake mo, walang katulad yan. I wish you and your Nanay good health and more happy memories to share with one another.”

Credit: Facebook / Lea Orita Cruza

“Mas masarap yan kaysa sa cake na sobrang tamis sa asukal, ang gawa ng mama mo ay sobrang tamis at linamnam naman sa pagmamahal. Happiest birthday, God bless sa inyo.”

“Happy birthday iho! Okay lang kahit nilupak yung cake mo, ang importante meron kang mama na kahit mahirap, basta para sayo ay gagawin ang lahat.”

Mayroon namang isang netizen ang naantig sa effort ni Nanay Lea kaya nagpadala ito ng bagong cake na may kasama pang ice cream. Natuwa umano ito sa klase ng pagmamahal na ipinakita ng isang ina para sa kanyang anak at hangad na mapasaya pa ang kaarawan ni Lixter.

Credit: Facebook / Lea Orita Cruza

Sabi nga nila, “‘it’s the thought that counts”—gaano man kasimple ang handa o regalo basta’t nagmula sa puso ay ito ang mas importante. Ang kahit na anong magarbong handa o regalo ay kayang higitan ng simple ngunit nagmula naman sa pagmamahal dahil ang tunay na kasiyahan ay nakikita sa mga taong nagmamahal tulad ng pamilya.

Ipinakita lang ni Nanay Lea na kahit mahirap ang buhay ay hindi ito hadlang upang hindi ipagdiwang ang kaarawan. Maaari pa ring maging masaya kahit mahirap basta’t kasama ang pamilyang nagmamahal sayo. Isa itong inspirasyon sa lahat na hindi kailangan na magarbo o mamahalin ang cake para magdiwang, dahil kahit ang simpleng nilosak cake ay sapat na.

Leave a Reply