Batang Mangyan, Nabigyan ng Full Scholarship Matapos Magbigay ng Kamote Bilang Donasyon

Ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa at pagiging mapagbigay ay isang magandang pag-uugali na likas na sa ating mga Pilipino. Madalas makita ang ganitong kaugalian sa tuwing nakararanas ng krisis tulad ng sakuna at pandemya na kalimitang ipinamamalas ng mga matatanda o taong may kakayahan sa buhay. Ngunit kaya rin pala itong gawin ng isang bata na ikinamangha ng maraming netizens.Si Cornelo Sinangmayon ay siyam na taong gulang na katutubong Mangyan. Nagmula siya sa tribo ng Alangan Mangyan sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Sa murang edad at kahit salat sa buhay ay nagawa nitong magbigay ng donasyong kamote para sa mga apektado ng pandemya.

Si Cornelo Sinangmayon ay siyam na taong gulang na katutubong Mangyan. Nagmula siya sa tribo ng Alangan Mangyan sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Sa murang edad at kahit salat sa buhay ay nagawa nitong magbigay ng donasyong kamote para sa mga apektado ng pandemya.

Credit: Facebook / John Christopher Lara

Ayon sa organizer na si John Christopher Lara, nagulat sila ng may batang Mangyan ang pumunta sa kanila na may dalang sako. Ang sako ay naglalaman ng mga kamote at nais daw ng bata na ipamahagi ito sa mga pamilyang apektado ng pandemya. Nagulat at naantig ang puso ni John dahil sa taglay na malasakit ni Cornelo—na hindi niya daw inaasahan para sa isang bata.Maski ang kanyang mga kasamahan ay nagulat at namangha rin sa kabutihang taglay ni Cornelo. Ipinakita daw nito na kahit hikahos sila sa buhay ay hindi ito hadlang upang makapagbigay ng tulong. Isa rin itong magandang halimbawa para sa lahat ng mga kabataan na wala sa edad ang basehan ng pagtulong.

Maski ang kanyang mga kasamahan ay nagulat at namangha rin sa kabutihang taglay ni Cornelo. Ipinakita daw nito na kahit hikahos sila sa buhay ay hindi ito hadlang upang makapagbigay ng tulong. Isa rin itong magandang halimbawa para sa lahat ng mga kabataan na wala sa edad ang basehan ng pagtulong.

Credit: Facebook / John Christopher Lara

Kaya naman bilang gantimpala sa kabutihan ng puso ng batang si Cornelo ay nakatanggap siya ng full scholarship para sa kanyang pag-aaral hanggang kolehiyo. Malaking tulong ito upang makapag-aral siya at maabot ang kanyang pangarap sa buhay. Ito rin ang magiging susi upang maiahon niya sa kahirapan ang kanyang pamilya at makatulong pa sa mas maraming tao.Masaya naman si Cornelo at ang kanyang pamilya sa biyayang natanggap, hindi nila lubos akalain na ang simpleng kamote ay makakapagbigay ng gantimpala. Nais lamang ng batang si Cornelo na magbigay ng simpleng donasyon—at kamote ang kanyang naisipan dahil ito lamang ang kanyang nakayanan. Hindi niya hinangad na mabigyan ng kapalit at plano lamang na iaabot ang mga kamote at umalis na rin.

Masaya naman si Cornelo at ang kanyang pamilya sa biyayang natanggap, hindi nila lubos akalain na ang simpleng kamote ay makakapagbigay ng gantimpala. Nais lamang ng batang si Cornelo na magbigay ng simpleng donasyon—at kamote ang kanyang naisipan dahil ito lamang ang kanyang nakayanan. Hindi niya hinangad na mabigyan ng kapalit at plano lamang na iaabot ang mga kamote at umalis na rin.

Credit: Facebook / John Christopher Lara

Ngunit hindi lang basta simpleng kamote ang nakita ng mga tao sa kanya, kundi ang kanyang kabutihan, malasakit, pagiging mapagbigay at matulungin. Ito ang mga kaugalian na hindi madalas makita sa mga bata dahil normal na sila ay naglalaro lamang at walang muwang sa krisis, kaya naman nararapat lamang kay Cornelo ang scholarship na natanggap.Bukod kay Cornelo at sa kanyang pamilya, masaya at proud din ang kanyang tribo sa kabutihan niya. Madalas na hindi pansinin ang tribong Mangyan, subalit ipinakita ni Cornelo na sila ay may kakayahan at nararapat lang din na mabigyang pansin dahil sila ay mabubuting tao.

Bukod kay Cornelo at sa kanyang pamilya, masaya at proud din ang kanyang tribo sa kabutihan niya. Madalas na hindi pansinin ang tribong Mangyan, subalit ipinakita ni Cornelo na sila ay may kakayahan at nararapat lang din na mabigyang pansin dahil sila ay mabubuting tao.

Credit: Facebook / John Christopher Lara

Umani naman ng maraming reaksyon mula sa mga netizens ang kabutihan ng batang Mangyan. Nagbigay sila ng mga pagpuri at paghanga para kay Cornelo:”Kakaiba ka sa mga kabataan ngayon, you deserve better. May you succeed in life. God bless you.”

“Kakaiba ka sa mga kabataan ngayon, you deserve better. May you succeed in life. God bless you.””Congrats! Keep the kindness in your heart. God bless and may you achieve your goals in life.”

“Congrats! Keep the kindness in your heart. God bless and may you achieve your goals in life.””Bless are those who have little but have a big heart. This boy knows the difficulty of life that we have now.”

“Bless are those who have little but have a big heart. This boy knows the difficulty of life that we have now.””Deserve mo yan bata, ipagpatuloy mo ang kabaitan mo at mag-aral ka ng mabuti. Good job.”

“Deserve mo yan bata, ipagpatuloy mo ang kabaitan mo at mag-aral ka ng mabuti. Good job.””Congrats sayo! Mag-aral ka ng mabuti para marami ka pang matulungan. Sana maraming kabataan ang gumaya sa pagigng mabait mong bata.”

“Congrats sayo! Mag-aral ka ng mabuti para marami ka pang matulungan. Sana maraming kabataan ang gumaya sa pagigng mabait mong bata.””Nakakatuwa ka naman, sana matupad mo pangarap mo, at wag sanang magbago ugali mo, lagi kang maging mabait sa kapwa. “

“Nakakatuwa ka naman, sana matupad mo pangarap mo, at wag sanang magbago ugali mo, lagi kang maging mabait sa kapwa.”

Credit: Facebook / John Christopher Lara

Si Cornelo ay nagsilbing magandang halimbawa para sa lahat lalo na sa mga kabataan na ang lahat ay may kakayahang tumulog kung gugustuhin. Hindi hadlang ang edad upang magbigay ng tulong at malasakit sa kapwa. Hindi hadlang ang pagiging salat upang magpamalas ng kabutihan at maging mapagbigay.

Tunay na isa siyang inspirasyon sa lahat ng netizens. Huwag maliitin ang tulong na kayang magawa dahil kahit ang simpleng donasyon tulad ng kamote ay malayo ang nararating—iyo ay nakapagbibigay ng malaking tulong para sa mga apektado ng krisis at nahihirapan.

Leave a Reply