Magna Cum Laude sa UP at M.A. Holder sa Nagoya, Proud na Proud sa Pagiging Online Seller

Ang pagiging online seller ay isang trabaho na sumikat noong nagsimula ang pandemya dahil maraming tao ang nawalan ng trabaho. Ang pagbebenta online ay ang naging pangunahing hanapbuhay ng lahat ngayon upang kumita at mabuhay sa araw-araw. Halos lahat ng tao ay pumasok na sa online selling.

Wala namang masama sa online selling, ngunit dito sa ating bansa, hindi ito ang inaasahang karera ng mga degree holder lalo na kung isa kang Magna Cum Laude na nakapag-ltapos sa isang prestihiyosong unibersidad. Nakakalungkot man, ngunit ang pananaw ng karamihan ng mga tao dito ay hindi maganda at nakakahiya umano.

Isa nga sa nakaranas ng panghuhusga at pagpapahiya dahil siya ay naging online seller ay ang dalagang si Millicent Dumalaog o Mimi kung tawagin ng mga malapit sa kanya. Siya ay nagtapos ng kursong BA in Political Science sa University of the Philippines Manila taong 2017. Isa rin siyang honor student mula elementarya at nagtapos bilang Valedictorian sa High School.

Credit: Facebook / Kamila’s 4am Art

Noong 2016 ay libangan lamang ni Mimi at ng kanyang kapatid ang pagbebenta online dahil tinutulungan nila ang kanilang ina na ibenta ang mga Victoria Secret nitong mga pabango, ngunit sa katagalan ay nagustuhan niya na rin ito. Kaya naman nagsimula na rin siyang magkaroon ng sarili niyang online business na tinawag niyang “Kamila’s 4am Art” na isang artisan jewelry shop.

Nagmula ang pangalan nito dahil siya ay malikhain at nasanay siyang gumigising ng alas-kwatro ng umaga. Bata pa lamang ay madalas na siyang magising ng alas kwatro upang mag-aral. At kahit noong nagtatrabaho pa siya sa isang opisina na alas-nuebe pa naman ang pasok ay alas-kwatro pa rin siya nagigising.

Naging maganda ang takbo ng kanyang online shop. Maski ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay nagustuhan at sinuportahan ang kanyang negosyo. Naging masaya si Mimi sa kanyang ginagawa, subalit sa kabila ng kasiyahan at tagumpay, hindi rin naiwasang makatanggap siya ng panghuhusga mula sa mga tao.

Credit: Facebook / Kamila’s 4am Art

“Magna cum laude, Valedictorian tapos nagbebenta lang ng Victoria Secret online.”

“The Valedictorian of San Jose is now an online seller.”

Ito ang mga madalas na panghuhusga na kanyang natatanggap mula sa ibang tao. Ipinaparamdam sa kanyang nasayang lang ang kanyang pinag-aralan at masyadong mababa ang kanyang kinahantungan.

Inamin naman ni Mimi na sa una ay totoong naapektuhan at nahiya rin siya. Sa kulturang Pilipino normal daw talaga na mataas ang inaasahan sa mga katulad niyang degree holder at nag-aral pa sa magandang unibersidad.

“I was so ashamed-really, really ashamed because in the Philippines, there’s this thinking that if you’re a degree holder, especially that if you came from UP, you should be going to big corporations or going your merry way towards corporate ladder.”

Credit: Facebook / Kamila’s 4am Art

Bata pa lamang si Mimi ay alam niya na isa siyang malikhaing tao. Mas umusbong umano ang kanyang interes sa pagnenegosyo noong siya ay nasa kolehiyo pa. Habang nag-aaral napagtanto niya umanong hindi siya para sa corporate world, kung saan paulit-ulit lamang ang ginagawa mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko. Naging motibasyon niya umano ang kanyang mga magulang at ito ang nagbigay lakas sa kanya upang ituloy ang kanyang gustong gawin talaga sa buhay.

“I recognized early on that I’m creative, and therefore I will not survive in an environment where I cannot explore things-to which I think is corporate world. The corporate world tends to follow rules and instructions. Really the motivation behind the business was so that I could grow something with my mom or dad and it’s something that they could do in their retirement. So, that’s one of the original motivations.”

Sa tulong at suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ay hindi sumuko si Mimi sa kanyang gustong gawin. Ipinagpatuloy niya ang online selling na nagpapasaya sa kanya at hindi na pinansin ang mga taong nanghuhusga sa kanya. Naging maganda ang takbo ng kanyang negosyo at kasabay nyan ay naging MA holder din siya sa Nagoya University, Japan sa kursong International Development. Bukod pa diyan ay kasalukuyan rin niyang pinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral upang magkaroon ng PhD.

Credit: Facebook / Kamila’s 4am Art

Pinatunayan ni Mimi sa lahat ng tao, lalo na sa mga nanghuhusga sa kanya na hindi basehan ng tagumpay ang degree. Hindi nito masusukat ang potensyal ng isang tao, dahil napakaraming pwedeng gawin sa mundo na pwede ring magbigay ng tagumpay. Hindi mo kailangan sumunod sa karaniwang ginagawa ng iba o sa kung ano ang inaasahan ng lipunan. Mas importante ang iyong sarili at kung saan ka mas sasaya.

“My passion in life is to really inspire and empower people to pursue what makes them happy and to be better for themselves. I really believe that money follows when you love what you do. If you’re going to be motivated to put in your time and efforts, money will follow.”

Naging malaking bagay rin umano sa kanya ang pag-aaral niya sa Japan dahil marami siyang natutunang bagay tungkol sa buhay. Tinuruan daw siya ng Japan na hindi importanteng matalino o magaling ka sa Ingles, basta’t may kakayahan at kagustuhan na gawin ang isang bagay ay maaring magtagumpay.

Credit: Facebook / Kamila’s 4am Art

Ito naman ang payo ni Mimi para sa mga tao, at kapwa niya degree holder ngunit malayo sa tinapos ang ginagawa ngayon o gustong gawin.

“I just wanted to share, the moment you’re working on something that you love, it’s really true that it doesn’t feel like work anymore. More importantly, I’ve never felt so alive now that I’m doing something that makes me happy day-in and day-out. It’s a totally different feeling than being so tired and dreading to wake up and do your work once more. So, maybe my parting words are to encourage people-don’t mind other people, because it’s your life. Also, just try! At least before you say no, just try and see what happens. Just try and you’ll never know what pans out.”

Isang magandang inspirasyon si Mimi para sa lahat na huwag sumuko sa mga bagay na masaya kang gawin dahil lang nakakatanggap ka ng panghuhusga. Ipagpatuloy lang ang iyong mga pangarap, at kalaunan ay magbubunga rin ang iyong paghihirap.

Leave a Reply