Sulat-Kamay ng Grade 8 Student, Kinilalang Pinakamagandang Handwriting sa Buong Mundo

Bata pa lamang nang turuan tayong magsulat dahil isa ito sa pinaka-importanteng bagay na dapat alam ng isang tao. Ang sulat-kamay ng tao ay iba-iba pagdating sa porma at itsura, ang ilan ay hindi nabiyayaan ng magandag sulat-kamay at ang ilan naman ay nabigyan ng talento dito.

Si Prakriti Malla ay isang grade 8 student mula sa Nepal na biniyayaan ng magandang sulat-kamay. Hinangaan si Prakriti dahil sa kanyang talento na magsulat ng napakaganda at perpektong mga letra at salita. Nakakabilib ito para sa marami dahil hindi lahat ay nabiyayaan ng ganitong klaseng kakayahan.

Credit: Twitter / Kirstin Ferguson

Ibinahagi ng kanyang guro na si Dr. Kirstin Ferguson sa social media ang kanyang napakagandang sulat-kamay na nag-viral at umani ng maraming paghanga mula sa mga netizens. Napabilib umano ang guro sa taglay niyang talento sa pagsusulat na tila ito ay computerized o printed dahil sa ganda ng font style at pagiging pantay at malinis ng bawat letra at salita.

Hindi umano alam ni Prakriti na nag-viral ang post ng kanyang guro at nagulat na lamang siya dahil marami ng nakakakilala sa kanya at pinupuri ang kanyang sulat-kamay.

Credit: Twitter / Kirstin Ferguson

Para kay Prakriti ang kanyang kakayahan sa pagsusulat ng maganda at perpekto ay normal lamang. Bata pa lamang ay mahilig na siyang magsulat kaya naman nahasa na ang kanyang kakayahan. Walang kahirap-hirap niya itong ginagawa sa araw-araw at katulad din ng marami na normal ang pagsulat at hindi talaga pinaglalaanan ng maraming oras. Natural ng lumalabas ang kanyang talento sa oras na makahawak na siya ng ballpen at papel at magsimula sa pagsusulat.

Dahil sa kanyang talento ay nanalo si Prakriti sa isang penmanship competition na paligsahan sa pagandahan ng sulat-kamay. Kinilala rin siya na may pinakamagandang sulat kamay sa buong mundo na ipinagmamalaki naman ng kanyang bansang Nepal.

Credit: Smart TV

Marami ring netizens ang humihiling na sana ay gawing computerized font style ang sulat-kamay ni Prakriti upang maranasan din daw nilang magkaroon ng ganon kagandang penmanship. Hangad nila na mailagay ito sa mga computers at sigurado daw na lagi nila itong gagamitin.

“Sana all maganda ang sulat.”

“Ang ganda ng penmanship, kasing ganda niya rin.”

“Wow. Congrats sayo at sa angkin mong talento.”

“Very talented, keep it up girl!”

“Parang tinype sa computer ang galing!”

Credit: Smart TV

May ilang mga netizens rin ang nagbiro na sana daw ay kasing-ganda ng sulat kamay ni Prakriti ang sulat kamay ng mga doktor. Dapat daw gawing inspirasyon ng mga doktor ang sulat-kamay ng bata para naman mas maintindihan ng mga tao ang mga nirereseta nilang gamot.

“Sana ganito rin sulat ni dok, hahaha.”

“Kung ganyan lang sulat ng doktor e di sana ginanahan ako uminom ng gamot.”

“Nahiya sulat ng mga doktor, hahahaha.”

Credit: Smart TV

Masaya naman si Prakriti dahil maraming nakaka-appreciate at pumupuri sa kanyang talento sa penmanship. Dahil daw dito ay mas gusto niya pang pagbutihan ang ginagawa at sumubok pa ng ibat-ibang klase ng font style.

Hangad niya rin na sana ay maging inspirasyon siya sa mga kapwa niya estudyante na huwag tamarin sa pagsusulat dahil baka madiskubre din nila na may talento pala sila sa penmanship. Maganda din daw na ang isang tao ay magkaroon ng maganda at maayos na sulat-kamay dahil sumasalamin din ito sa pagkatao na meron ang isang tao dahil sinasabing makikita sa sulat-kamay ng tao ang kanyang ugali.

Credit: Smart TV

Talaga namang kahanga-hanga ang batang si Prakriti dahil sa murang edad ay nadiskubre nya na ang kanyang talento, at kinilala pa bilang may pinakamagandang handwriting o penmanship sa buong mundo. Patunay lamang ito na ang simpleng pagsusulat ay hindi lang pala simple kundi maituturing na talento mula sa Panginoon na dapat ipagpasalamat at palaguin pa.

Leave a Reply