Lalaking Hindi Alintana ang Kapansanan, Nagsusumikap Pa Rin sa Buhay

Maituturing na maswerte ang mga taong ipinanganak na normal at may kumpletong bahagi ng katawan dahil mas madali para sa kanila ang kumilos at maghanapbuhay. Para naman sa mga ipinanganak na may kapansanan o kakulangan, kay hirap para sa kanila ang kumilos kung kaya’t nakakamangha na sa kabila ng kakulangan nila ay makikita pa rin silang nagsususmikap sa buhay.

Si Darwin ay isang PWD o Person With Disability na nagsusumikap maghanapbuhay sa kabila ng kanyang kapansanan. Hindi niya alintana ang kakulangan niya ng mga braso at kamay at ang pagiging maiksi ng kanyang mga paa upang magsumikap.

Ibinahagi ni Jacklyn Hidalgo sa kanyang Facebook account ang mga larawan ni Darwin na masikap at matiyagang naghahanapbuhay. Si Darwin ay nagbebenta ng mga faceshield at alcohol sa gilid ng kalsada, kung saan may mga taong dumadaan upang makita ang kanyang mga paninda. Humanga si Jacklyn sa taglay na determinasyon ng binata sa paghahanapbuhay kahit pa ito ay may kapansanan dahil bihira daw lamang siya makakita ng taong tulad ni nito.

Credit: Digital Human Rights Lab

Ayon kay Jacklyn, siya ang nagsu-supply kay Darwin ng mga paninda nitong faceshield at alcohol. Nais niya raw na matulungan ito sa paghahanapbuhay kung kaya’t walang pag-aalinlangan niya itong binigyan ng oportunidad na makapagtinda. Nakakabilib daw ang kagustuhan nitong kumita upang may panggastos sa kanyang araw-araw at hindi umasa lang sa kanyang pamilya.

Hindi kalakihan ang kinikita ni Darwin sa kanyang pagtitinda at madalas ay dinadaan-daanan lang siya ng mga tao at hindi pinapansin, ngunit patuloy pa rin ang pagsusumikap nito. Bukod sa kanyang kapansanan, hindi rin naging hadlang ang init ng araw at ang pandemya upang siya ay magpatuloy.

Panawagan ni Jacklyn sa lahat ng netizens na makakakita kay Darwin sa gilid ng daan ay sana daw bumili sila ng kanyang paninda. Makikita si Darwin na nakapwesto malapit sa Police Station sa Maguyam, Silang, Cavite kaya kung sino man ang makita siya doon ay sana matulungan siya sa simpleng pagbili ng kanyang tindang faceshield at alcohol.

Credit: Facebook / Jacklyn Hidalgo

Isa umanong inspirasyon si Darwin sa maraming tao na maging mapagpasalamat sa pagiging normal at walang kakulangan, saad ni Jacklyn. Sa lahat daw ng makakakita kay Darwin ay siguradong gaganahan sa buhay dahil sa inspirasyong dala nito.

“Ipinapaalala po niya sa inyo kung gaano kayo kaswerte sa buhay. Sisipagin kayong tiyak sa buhay pag nakita nyo siya.”

Umani naman ng maraming reaksyon at komento ang post ni Jacklyn tungkol kay Darwin. Maraming netizens ang humanga at nabilib sa taglay na determinasyon ni Darwin sa buhay.

“I salute you kuya kahit napakahirap ng sitwasyon mo lumalaban ka pa rin ng patas para mabuhay, unlike sa mga iba diyan na kumpleto ang mga kamay at paa nakakakilos ng maayos pero hindi magawang lumaban ng patas bagkus nanglalamang pa ng kapwa.”

Credit: Magazine Luzia

“Buti pa siya di sumusuko sa laban ng buhay at di basta umaasa lang sa ayuda.”

“Mabuti pa siya nabubuhay ng marangal di tulad ng iba diyan kahit normal ay gumagawa pa ng masama.”

“God bless sayo kuya, pagpalain ka pa sana ng Diyos. Mahirap ang buhay peron laban lang, saludo ako sayo.”

“Ang mga ganyang tao dapat ang tinutulunagn hindi yung iba dyan na puro reklamo wala namang ginagawa. Good job sayo kuya at lagi kang mag-ingat.”

“Thumbs up ako kay kuya, compare mo naman diyan sa hindi PWD na umaasa lang sa ayuda. Let’s support this kind of people, huwag na pong tumawad kapag bibili sa kanya dahil malaking tulong na yon.”

Credit: Facebook / Jacklyn Hidalgo

Hiling rin ng netizens na sana ay mapansin ng gobyerno ang mga katulad ni Darwin na may kapansanan dahil ang mga katulad niya daw ang dapat tulungan. Madaming PWDs ang mas nangangailangan at deserving na matulungan katulad ni Darwin kaya sana ay mapagtuunan sila ng pansin ng mga nasa itaas.

Talaga namang isang inspirasyon si Darwin sa lahat ng tao, PWD man o hindi. Isa siyang patunay na hindi kailanman magiging hadlang ang kapansanan at kakulangan upang makapamuhay ng marangal. Hanggat may buhay at may pag-asa lahat ay posibleng gawin nang hindi umaasa sa ibang tao.

Leave a Reply