Pulis, Pinakyaw ang Dalawang Bayong ng Saging na Nilalako ni Lolo

Madalas na tingin sa mga pulis ay masama dahil sa kaliwa’t kanang krimen na kinasasangkutan ng kanilang propesyon. Ngunit hindi naman lahat dahil marami pa ring mabubuting pulis na ginagawa ng maayos ang kanilang tungkulin na magligtas at magprotekta. Sa katunayan, isa ngang pulis ang nag-viral sa social media matapos niyang tumulong sa isang lolo.

Si Police Officer Jojo Paguia ay nag-viral matapos niyang pakyawin ang panindang mga saging ng isang lolo. Naawa umano si Paguia ng makita ang matandang naglalako sa ilalim ng tirik na tirik na araw at sobrang napaka-init ng panahon.

Credit: Wellbeing Magazine

Para kay Paguia, hindi biro para sa isang matanda ang maglako habang buhat ang napakabigat na dalawang bayong ng mga saging. Makikitang napakatanda na ng lolo at halatang hirap na hirap ito sa kanyang dala-dalang mga paninda at paniguradong masakit na ang likod at balikad nito.

Tanghaling tapat na ngunit tila puno pa rin ang dalawang bayong ng saging na paninda ng matanda, na ibig sabihin ay wala pa itong benta. Sa panahon ngayon ng pandemya, talaga namang napakahirap maghanapbuhay kung kaya’t nakakaawang tingnan ang sitwasyon nitong patuloy pa rin sa paglalako sa gitna ng initan at hindi alintana ang dalang sakit ng Covid19.

Credit: Facebook / Pilipinas Trending Viral

Hindi na pinatagal pa ni Paguia at agad na nilapitan ang lolo upang bumili ng paninda nitong mga saging. Ngunit ang hindi inaasahan ng matanda ay hindi lang ito bumili ng isang piling ng saging kundi pinakyaw ang lahat ng kanyang paninda. Ang dalawang bayong ng saging na paninda ng matanda ay bukal na binili ni Paguia dahil gusto niya na daw itong makauwi at makapagpahinga na.

“Umuwi ka na Tatang papakyawin ko na po itong mga paninda mo, tirik ang araw kaya wag na po kayong maglakad sa kalsada para di na kayo mapagod saka para di na kayo makasagap pa ng virus sa makakasalamuha mo,” saad ni Paguia.

Hindi napagilan ng matanda na mapaluha dahil sa malasakit at kabutihang loob na pinakita ni Police Officer Paguia. Hindi niya daw akalain na mauubos agad ang kanyang panindang saging at maaga siyang makakauwi at makakapagpahinga. Labis ang kanyang pasasalamat para rito dahil napakalaking tulong ang ginawa nito.

Credit: Facebook / Pilipinas Trending Viral

Bukod pa sa pagpakyaw ni Paguia sa mga paninda ni lolo ay dinagdagan pa nito ang kanyang binayad. Tulong niya daw ito para may panggastos pa ang matanda sa mga darating na araw. Alam niya daw na hindi naman laging nauubos ang mga paninda ng lahat ng naghahanapbuhay kaya’t ito ang naisip niyang tulong.

Para kay Paguia kahanga-hanga ang pagsusumikap ng matanda na maghanapbuhay. Kahit matanda na ay makikita mo pa rin ang determinasyon nitong kumita at makaraos sa buhay, imbes na magpahinga na lamang sa bahay. Alam niya daw ang hirap ng bawat nagtatrabaho at kahit sa kanyang sariling propesyon ay nakakaranas din ng paghihirap.

Credit: Facebook / Pilipinas Trending Viral

Gusto ring maging magandang halimbawa ni Paguia hindi lang sa mga kapwa nya pulis kundi sa lahat ng netizens, na ang simpleng pagmamalasakit ay malaki na ang tulong na nagagawa. Gusto niyang ipakita na bukod sa pagprotekta at pagligtas ay kaya rin nilang mga kapulisan ang magmalasakit, hindi lang sila basta pulis na laging idinidikit sa mga isyu at krimen.

Maraming netizens ang natuwa sa ginawang pagmamalasakit at pagtulong ni Police Officer Paguia kaya nman ay umani ng maraming reaksyon at komento ang kabutihan niya. Masaya naman si Paguia dahil hindi niya kalain na magva-viral ang simpleng kabutihan na kanyang ginawa. Hindi niya hangad ang sumikat at nais lang daw niyang magmalasakit. Sana daw ay gawin itong inspirasyon ng netizens.

Leave a Reply