Matandang Delivery Rider, Nagsusumikap Pa Rin Kahit Bakal Na Ang Isang Binti

Sa kabila ng krisis na pinagdadaanan natin ngayon, nakakatuwang marami pa ring Pilipino ang hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay at mas lalong nagsusumikap upang maitaguyod ang pamilya. Hindi batid ang pandemya at kahit pa may kapansanan ay tuloy lang sa paghahanapbuhay tulad na lang ng kahanga-hangang delivery rider na ito.

Ibinahagi ng netizen na si Avril ang larawan ng isang delivery rider na naghatid ng kanyang order. Hindi lang dahil matanda na si tatay kaya kahanga-hanga ito, kundi mayroon din itong kapansanan. Napabilib si Avril dahil hindi nito alintana ang hirap ng pagiging delivery rider at makikita ang pagiging pursigido nito sa buhay.

Si Tatay ay isang Lalamove delivery rider na naghahatid ng mga ibat-ibang orders ng mga customers. Noong araw na iyon ay magpapa-deliver si Avril ng dimsum kaya’t tumawag siya ng Lalamove rider, ngunit hindi niya inaasahan na ang delivery rider ay isang matanda at may kapansanan. Putol ang kabilang binti ni tatay at meron lamang itong prosthetic o bakal na binti na nakakabit.

Credit: Facebook / Avril Avril Avril

Pahayag ni Avril, napansin nya daw na hirap na maglakad si tatay dahil na rin siguro sa katandaan bukod pa sa prosthetic nitong suot. Nag-alala rin siya dahil may kabigatan nga ang mga ipapadeliver niyang dimsum at baka mas lalo itong mahirapan, ngunit imbes na i-cancel ay tinanggap nito ng buo ang kanyang dimsum at pursigidong ideliver ito.

“Kung mapapansin niyo po bakal ang kanang side ng paa ni Tatay. Kaya hirap siya tumayo at kahit mabigat po pinadeliver ko na dimsum di po siya nag-cancel. Di ko din po kasi expected na ganun po kalagayan ni Tatay. Basta Tatay salute ako sa’yo.”

Namangha si Avril dahil sa ipinakitang pagpupursige at pagsusumikap ni Tatay. Hindi daw nito alintana ang kanyang edad at kapansanan basta’t makapaghanapbuhay lang para sa pamilya. Imbes na magpahinga na lamang ito sa kanilang tahanan ay mas pinili nitong maghanapbuhay na tila walang kapahamakan ang kalsada at pandemya.

Credit: Facebook / Avril Avril Avril

Bukod kay Avril, marami ring netizens ang bumilib ng makita ang mga larawan at kwento ni Tatay. Umani ito ng maraming reaksyon at positibong komento na nagpapahayag ng paghanga para kay Tatay:

“Yan ang mabuting Tatay, madiskarte, masipag, matiisin. Saludo ako sa inyo Tatay, magandang halimbawa ka sa iba.”

“Nakakabilib ka Tatay, meron po dyan malalakas pa at walang kapansanan pero di marunong magbanat ng buto puro asa lang. Salute, Tatay!”

“Yan ang dapat hangaan na di hadlang ang kakulangan para magtrabaho ng matuwid, samantalang yung iba walang kakulangan pero nagtatrabaho ng di matuwid.”

“Ang mga PWD hindi hadlang sa society bagkus nakakatulog pa! Mabuhay ang mga nagsususmikap na PWDs!”

“Ang galing mo Tatay, good job ka! God bless you po sa inyo. Lagi kayong mag-ingat.”

“May God bless you, Tatay. I wish you good health and better life.”

“Maswerte po ang pamilya nyo Tatay sa inyo dahil masipag kayo at mapagmahal na ama.”

Credit: Lalamove

Bukod sa paghanga kay Tatay, may mga humanga at nagpasalamat rin sa Lalamove dahil tinanggap nila si Tatay kahit na matanda na ito at may kakulangan. Magandang ehemplo daw ito para sa iba pang mga negosyo o kumpanya na hindi lang bumabase sa panlabas na kaanyuaan at mas pinapahalagahan ang kakayahan at determinasyon ng isang tao.

“Salamat sa Lalamove dahil hinire si Tatay.”

“Sana lahat ng kumpanya katulad ng Lalamove na hindi tumitingin sa kapansanan.”

“Dapat ganyan ang mga kumpanya, hindi namimili ng empleyado basta masipag.”

Credit: Facebook / Avril Avril Avril

Isang inspirasyon si Tatay sa lahat na hindi hadlang ang edad at kapansanan upang maghanapbuhay. Hanggat may determinasyon at pagsusumikap ay may pag-asa. Huwag gawing dahilan ang kakulangan upang huminto at maging tamad.

Nagsilbi ring magandang representasyon si Tatay para sa mga PWDs o Person With Disability na hindi sila pabigat sa lipunan kundi mayroon silang kakayahan kung bibigyan lamang ng pagkakataon. Madalas husgahan ang mga katulad niyang may kapansanan sa ating lipunan dahil tingin ng marami ay pabigat lamang sila at walang kayang gawin, ngunit ang lahat ng ito ay ipinakitang hindi totoo ni Tatay delivery rider.

Leave a Reply