Inggiterang Beshy, Sinita at Inokray ang Pag-i-Ingles ng Anak ng Kaibigan

Ang salitang ingles ay isa sa pangunahing lenggwahe na ginagamit dito sa Pilipinas. Bata pa lamang ay namulat na ang lahat sa lenggwaheng ito, mula sa paaralan hanggang sa trabaho. Isa ang pagsasalita ng ingles sa importanteng kakayahan mayroon ang isang tao kaya naman hindi maiwasan na may mga magulang na bata pa lamang ang anak ay tinuturuan na ng salitang ingles.

Isa na dyan ang inang si MJ na maaga pa lamang ay tinuruan na ng salitang ingles ang kanyang anak. Para sa kanya, wala naman sa estado ng buhay ang paggamit ng salitang ingles dahil gusto niyang habang bata pa ang anak ay maging malawak na ang kaalaman nito.

Credit: tv-english.club

Bilang isang ina, pinagtyagaan umano ni MJ na turuan ng salitang ingles ang 2 years old niyang anak. Masaya umano siya na kahit bata pa lamang ito ay nakakaintindi na ito ng salitang ingles. Ngunit hindi niya ikinatuwa ng ang ‘beshy’ niya ay sinita ang pang-iingles ng kanyang anak at ang paraan niya ng pagpapalaki dito.

“Beshhy englishero anak mo???” Tanong daw umano sa kanya nito at pinagtawanan pa na hindi nakakaintindi ng Tagalog ang kanyang anak.

Credit: Facebook / MJ

Mahinahon naman siyang sinagot ni MJ dahil nasanay na ang anak niyang kinakausap ng ingles kaya’t medyo hirap nga ito sa pag-intindi ng Tagalog. Hindi rin naman daw ito magiging hadlang sa pakikipag-communicate dahil tinuturuan din naman nila ng Filipino ang kanilang anak at matututo rin ito kalaunan at marami pa itong panahon para matuto dahil bata pa naman ito.

“Hehehehehe, sosyal si baby mo mayaman kayo siguro kaya english nyo kinakausap,” patuloy na insulto ng ‘beshy’.

“Hindi kami mayaman haha! Hindi naman kailangan mayaman o mahirap para turuan ng english mga kids ngayon,” kahit hindi na natutuwa si MJ sa sinasabi ng kausap ay maayos niya parin itong pinaliliwanagan.

Credit: Facebook / MJ

“Hindi naman pala kayo mayaman beshy, sana tagalog na lang haha!” patuloy pa rin ito sa nakakainsulto nitong mga sinasabi at pinaparating pa na maarte lamang si MJ at ang kanyang anak kaya nag-iingles.

Para kay MJ walang mali sa istilo ng pagpapalaki niya sa kanyang anak, tinuruan niya ito mag-ingles hindi dahil maarte o mayaman sila. Hangad niya lamang na mapalawak ang kaalaman nito, hindi para ipagyabang na marunong ito mag-ingles. Isa pa, masakit para sa isang ina na sitahin at insultuhin ang kanyang anak dahil lang sa pag-iingles nito dahil wala namang ginawang masama ang kanyang walang muwang na anak at hindi nito deserve na makatanggap ng hindi magandang komento mula sa ibang tao.

Credit: Facebook / MJ

Binigyang diin din ni MJ na walang masama sa pagtuturo ng ingles sa bata at hindi rason kung mayaman ka o mahirap dahil hindi ito basehan ng pagkatuto. Nasa magulang ang desisyon kung ano ang makakabuti para sa anak at huwag hayaang maging hadlang ang insulto ng iba para mapalaki ng maayos ang anak.

“Nasa magulang ang tiyaga sis. Pag may tiyaga may nilaga. Huwag mong sabihin na maarte ang mga bata, natural yan sa bata. Lalo na pag mga babies pa. Of course they being maarte due to the attitude of the guardians din siguro or how you treat them nasa magulang kung paano mo sila palakihin, wala namang perpektong magulang. But you need to give your best para sa mga anak mo at magiging anak mo pa.”

Credit: Facebook / MJ

Sa huli ay hindi naman pala niya ‘beshy’ o kaibigan ang taong nang insulto sa kanila, tila nakiki-chismis lamang ito at gusto lang talaga silang sitahin at insultuhin dahil sa pag-iingles.

“Don’t call me beshy I’m not your beshy! wag mo papakielaman yung pag tuturo ko sa anak ko sis! FYI nasa magulang yun kung may tsaga ka. It’s not my failt anymore kung ayaw mo sila turuan ng english. Wag ka mag alala turuan ka ni Bryzen pag nag kita kayo!”

Sa panahon ngayon ang salitang ingles ay malaking bagay na talaga para sa isang tao, napakalawak ng importansya nito dahil ginagamit ito sa paaralan, trabaho at madalas ring makita at marinig sa telebisyon, sa kalsada, sa social media at marami pang iba. Malaking tulong rin ito sa pakikipag-usap sa ibang tao lalo na sa mga banyaga.

Walang masama sa pagtuturo ng ingles sa mga bata sa murang edad kung para naman ito sa kanilang ikabubuti. Hanggat hindi naman kinakalimutan ang pangunahing lenggwahe na Filipino ay hindi ito problema. Hindi rin tamang maging basehan ang estado sa buhay para matuto ng ingles dahil mahirap o mayaman ay pwedeng matuto.

Leave a Reply