Anak ng Grab Driver, Umalma nang Buhusan ng Mainit na Sabaw ng Customer ang Kanyang Ama

Sa panahon ng pandemya, ang pagiging delivery driver ang naging pangunahing hanapbuhay ng karamihan. Dahil nalimitahan ang paglabas ng mga tao, nagbigay ito ng oportunidad para sa mga motorcycle riders na maging delivery rider ng mga produkto o pagkain. Ngunit sa likod ng hanapbuhay na ito ay dala ang paghihirap, kapahamakan sa kalsada at pang-aabuso mula sa mga customers.

Noon lamang Agosto 7, 2021 ay ibinahagi ng isang anak ang sinapit ng kanyang grab rider na ama sa isang mapang-abusong customer. Hindi niya napigilang mag-post sa kanyang instagram account dala ng awa para sa kanyang ama at pagkadismaya dahil sa sinapit nito. Pinamagatan ito ni Esther Erin ng “A True Story About Grab Drivers” kung saan nga ay inilahad niya ang buhay ng isang grab rider at ang pang-aabuso na naranasan ng butihing ama.

Credit: Instagram / esthererin

Bilang masipag na ama, gumigising umano ng ala-singko pa lang ng madaling araw ang ama ni Erin upang masimulan na ang trabaho bilang grab rider. Nagtatrabaho daw ito ng halos dose-oras sa isang araw at 8pm na ng gabi kung kumain ng tanghalian. Hindi daw alintana ng kanyang ama ang pagod at gutom basta’t makapagtrabaho lamang.

“The pain on his back and the hunger in his stomach were nothing compared to the worries in his mind: ‘Will I make enough deliveries today to cover the bills?'”

Credit: Instagram / esthererin

Ala-sais daw ng gabi ng malapit na silang maghapunan ng pamilya ng biglang may isang Korean food restaurant ang nangailangan ng grab rider at pinapapunta agad ang kanyang ama. Mabilis naman umalis ang ama at iniwan sila kahit hindi pa nakakapag-hapunan para lamang sa trabaho. Agad daw nakarating ang kanyang ama sa nasabing Korean restaurant at binati ang may-ari nito, ngunit masamang tingin lamang ang binigay ng may-ari at sinabing hindi ito pwede sa loob ng restaurant at sa labas lamang maghintay.

Inabot daw ng halos 30 minutes ang paghihintay ng ama niya sa labas ng Korean restaurant at nakatanggap na ito ng galit na mensahe mula sa customer. “Why the f*ck is my food taking so long to arrive?” Agad daw kinabahan ang ama niya kaya naman pumasok muli ito sa restaurant upang i-follow up ang order ngunit sinigawan lamang siya ng may-ari, “NOT READY! Grab drivers outside!”

Dahil hindi naman kontrolado ng ama niya ang sitwasyon at tanging paghihintay lamang ang magagawa nito, humingi ito ng pasensya sa galit na customer na ang kanyang order ay hinahanda pa lang. Subalit imbes na pang-unawa ang natanggap ay pagbabanta ng low rating ang ibibigay nito sa kanyang ama. “I’m going to give you LOW RATING” mensahe ng customer.

Credit: Tech in Asia

Naghintay muli ng halos 20 minutes ang kanyang ama bago tuluyang nai-deliver ang pagkain sa customer. Pagdating daw nito sa customer ay agad itong nanghingi muli ng pasensya, ngunit sinigawan lamang siya nito ng “You jangan kurang ajar!” (You don’t be disrespectful!) At hindi pa daw natapos sa masasakit na salita ang naranasan ng ama kundi ay bigla na lamang daw binuhos ng galit na customer sa kanyang ama ang ‘piping hot bowl of soup’ at sabay sabing “So f*cking long better don’t deliver next time!”

Ang mga ganitong karanasan ay normal na daw para sa kanyang ama, madalas daw talaga maka-engkwentro ang ama niyang grab rider ng mga bastos at nagmumurang customer ngunit hindi daw nito inaasahan na makakatanggap ito ng pang-aabuso. Masakit man ang naranasang emosyonal at physical abuse ay hindi ito inalintan ng ama ni Erin at inisip na lamang na maswerte pa rin dahil may trabaho ito kahit na pandemya.

Credit: Instagram / esthererin

Inabot daw ng dalawang oras ang kanyang ama bago ito nakauwi at agad nilang ikinagulat na makita itong basa ang damit at may mga paso ito sa balat mula sa mainit na sabaw. Bukod pa dun ay namamaga rin ang mga mata nito na tila ba galing ito sa pag-iyak. Sobrang sakit daw para kay Erin na makita sa ganung sitwasyon ang kanyang ama na walang ginawa kundi magsumikap sa paghahanapbuhay.

“It hurts me, even more, knowing that my father is the victim of emotional and physical abuse. Could you stand to see your father get bullied and all you could do is pat them on the back and tell them ‘everything is going to be okay?”

Credit: philnews.ph

Isa ang mga delivery riders sa marangal na hanapbuhay na nakakatulong sa maraming customers upang makuha nila ang kanilang mga inorder na bagay o pagkain. Hindi nila alintana ang init at ulan basta’t makapag-deliver lang ng mabilis at maayos. At kahit pa sa gitna ng pandemya at delikadong kalsada ay hindi sila nagpapatinag kaya naman nakakalungkot isipin na sa kabila ng kanilang mga sakripisyo ay nakakatanggap pa sila ng pang-aabuso.

Hangad ni Erin na sanay magsilbing pang-unawa ito sa lahat ng customers na maging marespeto sa lahat ng delivery riders dahil hindi biro ang kanilang trabaho. Tanging respeto na lang maisusukli nila sa mga katulad ng kanyang ama bilang paghihirap at pagsususmikap upang mapaabot lamang ng maayos at mabilis ang kanilang mga inorder. Hindi ibig sabin na porke ay natagalan sila sa pagdating ay may karapatan na silang mang-abuso.

Leave a Reply