Batang Namigay ng Pera sa mga Kalaro Para Ipambili ng Ulam, Kinagiliwan ng Netizens

Natural sa mga bata ang pagiging mabait sa kanilang kapwa lalo na kung kakilala at kalaro nila ang mga ito. Ipinanganak ang mga bata na sadyang mababait kaya naman hindi maiwasan na kagiliwan sila sa kanilang mga ginagawang kabaitan. Ngunit dahil bata pa ay hindi pa nila alam ang kanilang mga ginagawa, kung kaya’t hindi maiwasan na sila ay maloko lamang ng ibang tao at pinagsasamantalahan ang kanilang pagiging inosente.

Credit: Facebook / BABy H. MB. Cakes & baking supplies

Isang video ang nag-viral sa Facebook matapos ipost ng isang ina ang kabaitan ng kanyang anak na lalaki sa mga kalaro nito. Binigyan kasi ng pera ng kanyang anak ang mga kalaro nito na wala daw pambili ng ulam. Natuwa naman ang kanyang ina dahil nga sa natural nitong kabaitan, ngunit pinangaralan niya rin ito dahil ayaw niyang mapagsamantalahan ang pagiging mabait at inosente ng kanyang anak. Ang nasabing video ay mayroon ng mahigit 300,000 reactions at 22,000 comments mula sa netizens.

Bilang isang magulang, nakaka-proud magkaroon ng mabait na anak ngunit bilang isang mabuting magulang hindi rin dapat hayaan na maloko ang anak dahil sa mga mapagsamantalang tao. Napag-alaman ng ina na nagbigay ng pera ang kanyang anak dahil hiningan daw ito ng pera pambili ng ulam, agad namang nagbigay ang anak niya ng pera na kinuha nito mula sa sariling ipon na nakalagay sa alkansya.

Credit: Facebook / BABy H. MB. Cakes & baking supplies

Ayon kay Bigboy, nagbigay siya ng halagang 50 pesos noong una siyang hingan ng pera ng kanyang kalaro, nung sumunod naman na araw ay 25 pesos. Kailangan daw umano nito ng pera upang may pambili ng ulam kaya naman bilang natural na mabait na bata ay walang pag-aalinlangan itong kumuha sa kanyang alkansya ng pera para magbigay.

Credit: Facebook / BABy H. MB. Cakes & baking supplies

Agad itong nalaman ng kanyang ina nang may isang concerned na kapitbahay ang nagsabi sa kanya. Agad daw siyang naalarma dahil hindi lang isang beses nanghingi sa kanyang anak kundi paulit-ulit. Bilang isang ina ayaw niyang mapagsamantalahan ang kabaitan ng kanyang anak kaya naman ay pinagsabihan niya ito na huwag basta magbibigay ng pera sa kahit kanino at mas mabuting ipaalam muna sa kanya.

“Langga kanino ba to nagmana anak ko sobrang bait namigay ng pera hahaha. Namigay ng pera sa kapitbahay namin kasi sinabihan daw siyang pambili ng ulam yong mga bata. Kaya lang inaraw araw ang henge sa kanya buti na lang may nagsabi yong isang kalaro niya.”

Credit: Facebook / BABy H. MB. Cakes & baking supplies

Mapapanuod sa video na naiiyak na si Bigboy habang pinagsasabihan ng kanyang Mommy at dinidepensahan ang kanyang ginawa. Pambili daw ito ng ulam ng kanyang kalaro at sarili niya namang pera ang kanyang ginamit. Nakakatuwa ang pagiging mabait nito ngunit hindi pa rin mapigilan ng kanyang ina na ipaintindi sa kanyang anak na huwag basta magtiwala at magbigay ng pera sa ibang tao.

Hindi daw ito dahil sa pagdadamot o ayaw niya lang magbigay, ngunit mas magandang ipaalam muna sa kanya dahil bata pa ang kanyang anak at hindi pa nito alam ang tama at mali. Para din ito sa ikabubuti ng kanyang anak ay upang maprotektahan mula sa mga mapagsamantalang tao sa paligid.

Credit: Facebook / BABy H. MB. Cakes & baking supplies

Ang ipon daw ng kanyang anak ay nagmula sa inani nitong gulay na nilako at binenta. Ang kinita daw nito sa mga gulay ay siyang nilagay nito sa kanyang alkansya para pala sa kanyang kaarawan. Para naman kay Bigboy, okay lang daw na nagbigay siya ng pera sa mga kalaro dahil may mga barya pa naman siyang natira para sa kanyang kaarawan.

Credit: Facebook / BABy H. MB. Cakes & baking supplies

Sa huli ay pinatahan na ng ina ang kanyang anak sa pag-iyak at sinabing maganda ang kanyang ginawa ngunit sa susunod ay gusto niyang magpaalam muna ito sa kanya. Sumang-ayon naman sa kanya si Bigboy at nangako na ipapaalam muna sa kanya kapag may nanghingi ulit sa kanya ng pera. Marami namang netizens ang natuwa at kinagiliwan ang ginawang kabaitan ni Bigboy.

Para naman sa mga nagsasabing masyadong galit at mataas ang boses niya kaya umiyak ang bata ay huwag daw mag-alala dahil normal na boses niya ito. Ganun lang daw talaga ang tono ng kanyang boses at nakadagdag pa na medyo naka-fast forward ang video kaya tumaas ang boses niya. Hindi naman daw niya pinalo o sinaktan ang kanyang anak na si Bigboy at kahit kailan ay hindi niya ito pinagbuhatan ng kamay.

Credit: Facebook / BABy H. MB. Cakes & baking supplies

Isang inspirasyon si Bigboy sa lahat ng bata sa pagiging mabuti at mapagbigay nito. Nakakatuwa na sa murang edad ay may simpatya na ito sa mga tao at walang pag-aalinlangan na tumulong.

Gayunpaman, para sa kanyang ina, magsilbi rin sana itong aral sa lahat ng magulang na bantayan ang kanilang mga anak. Huwag hayaang maloko at mapagsamantalahan ng ibang tao ang kanilang pagiging mabait at inosente. Responsibilidad ng mabuting magulang na huwang mapahamak ang anak sa kamay ng iba kaya’t mabuting pangaralan sila habang bata pa.

Leave a Reply