Lalaki, Nagparetoke ng 9 na Beses Matapos Ilang Ulit na Hindi Matanggap sa Trabaho

Sa panahon ngayon hindi maitatanggi na ang pisikal na kaanyuan ay malaking basehan sa maraming bagay. Talaga namang may malaking ambag sa buhay ng tao ang kagandahan o kagwapuhan ng itsura, lalo na sa paghahanap ng trabaho. Hindi maitatanggi na ang panlabas na itsura ngayon ang tinitingnan ng karamihan kaysa sa kalooban kaya naman hindi maiiwasan na marami na ang sumailalalim sa pagpaparetoke para lamang makamit ang hinahangad na itsura.

Nag-viral sa TikTok ang 26-anyos na binata matapos niyang ipakita ang dati niyang itsura bago pa siya nagparetoke. Ikinagulat ng maraming netizens ang pagbulgar niya sa dating kaanyuan. Hindi nila akalain na ang gwapo niyang itsura ngayon ay hindi pala natural kundi sumailalim na sa retoke ng hindi lang isa, kundi siyam na beses.

Credit: Do Quyen

Nakilala siya bilang si Do Quyen, isang Vietnamese, kung saan nga ay nagtataglay siya ng kagwapuhan na hinangaan at tinilian ng maraming netizens. Makikitang mala-anghel at artistahin ang mukha nito kaya naman hindi kataka-taka na umani siya ng maraming atensyon sa social media at kahit sa totoong buhay.

Ngunit sa likod pala ng kanyang kagwapuhang taglay ay isa pa lang nakakalungkot na karanasan ang pinagdaanan niya sa buhay. Ginamit niya nga ang TikTok upang ibahagi ang kanyang nakakalungkot na kwento.

Bata pa lamang daw si Do Quyen ay tampulan na siya ng tukso dahil sa kanyang itsura. Hindi umano siya gwapo sa paningin ng mga tao kaya naman madalas siyang makatanggap ng mga panlalalit at panunukso. Mahirap daw para sa kanya ang makihalubilo sa mga tao dahil mababa ang kanyang self-confidence na dala ng kanyang itsura.

Credit: Do Quyen

Lalo pa daw siyang nahirapan noong naghahanap na siya ng trabaho dahil walang tumatanggap sa kanya. Matinding kalungkutan ang naranasan ni Do Quyen dahil sa sa dami ng rejection na kanyang natanggap at iyon daw ay dahil isa nga sa basehan sa trabaho ay ang pagkakaroon ng maganda at gwapong mukha.

Kaya naman napagdesisyunan nya ng sumailalim sa pagpaparetoke ng kanyang mukha. Hindi naging madali ang proseso upang makamit niya ang kagwapuhang taglay ngayon dahil dumaan siya sa maraming uri ng surgery tulad ng: rhinoplasty, chin implant, double eyelid surgery, lip implants, lip reshaping, porcelain veneers at iba pa. Ayon sa kanya ay nasa siyam na klase ng surgery ang kanyang pinagawa sa kanyang mukha.

Credit: Do Quyen

Umabot daw ang kanyang pagpaparetoke ng $17,256 o katumbas ng Php 847,977 dito sa Pilipinas. Aminado rin si Do Quyen na hindi naging sang-ayon ang kanyang mga magulang sa kanyang naging desisyon ngunit ipinagpatuloy niya pa rin ito dahil sa kagustuhang mabago ang kanyang itsura at mapataas ang kanyang self-confidence. Malaking tulong rin daw ito sa kanyang trabaho at upang mawala ang kalungkutan mula sa mga panlalait at rejections na kanyang natanggap.

At dahil nga napakalayo ng kanyang dating itsura sa itsura niya ngayon, umani siya ng maraming reaksyon at komento mula sa netizens. Ang ilan ay natuwa para sa kanyang pagbabago habang ang ilan naman ay hindi napigilan ang pagkadismaya.

Credit: Do Quyen

“Alam nyo dapat marunong kayong rumespeto sa desisyon ng ibang tao. Kasi sa totoo lang nakakasawa na ang mga panlalait at masakit yun sa damdamin kaya hindi nyo siya masisi kung nagparetoke siya.”

“Whyyyy not! Kung ikabubuti naman niya diba. Nakakalungkot lang na dahil sa mga discrimination ay napilitan ang mga tao na magparetoke.”

“Masyado kasing mapanghusga ang mga tao, hindi na nag-iisip kung nakakasakit ba sila ng damdamin basta makapanglait lang sila. Hindi nyo alam gaano kahirap na laging nilalait ang itsura kaya wala kayong karapatan na husgahan ang desisyon niya.”

Credit: Do Quyen

“Everything in this world is beautiful as they are created by God. Physical appearance is not important, the most important is the innermost of an individual.”

Sa kasalukuyan ay masaya si Do Quyen sa kanyang naging desisyon. Marami ang nabago sa kanyang buhay lalo na ang kanyang self-confidence. Hindi niya rin alintana ang mga humuhusga sa pagpaparetoke niya dahil mas importante para sa kanya na naging komportable at masaya siya pagkatapos magparetoke.

Leave a Reply