Estudyante sa Leyte, Nanalo ng 20 Million sa Isang International Science Competition

Ang pagiging matalino ay tunay ngang biyaya ng Maykapal. At kung patalinuhan ang labanan, hindi magpapahuli ang mga Pinoy dyan. Sa katotohanan ay marami na sa kababayan natin ang nagtagumpay at naipakita sa buong mundo ang angking talino na mayroon ang mga Pilipino. Isa na nga dyan ang isang estudyante mula sa Leyte na nanalo ng tumataginting na 20 million pesos sa isang patimpalak tungkol sa siyensya.

Si Hillary Diane Andales ay isang grade 12 student mula Tacloban, Leyte. Hindi naging madali ang buhay ni Hillary at ng kanyang pamilya bago niya nakamit ang tagumpay sa ibang bansa. Maaalalang hinagupit noong taong 2013 ng bagyong Yolanda ang probinsya ng Leyte kung saan pinakalubos na naapektuhan ang bayan ng Tacloban kung saan nakatira si Hillary at ang kanyang pamilya.

Credit: Facebook / Hillary Diane Andales

“We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor,” kwento ni Hillary. Lubos daw silang natakot at nahirapan ng kanyang pamilya ng panahon ng bagyong Yolanda dahil wala silang ikalawang palapag kaya naman umasa lamang sila sa double-deck ng kanilang kama.

At nang inabot na ng tubig ang kanilang double-deck ay napilitan na ang kanyang ama na sirain ang kanilang kisame upang makapitan nila ang bakal mula sa kanilang bubong. “My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided,” dagdag ni Hillary.

Credit: Facebook / Hillary Diane Andales

Kahit na hinagupit ng mapaminsalang bagyo si Hillary at ang kanyang pamilya ay hindi ito naging hadlang upang siya ay magtagumpay sa buhay. Pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral at ginamit ang kanyang angking katalinuhan upang sumali sa isang malaking patimpalak sa siyensya sa ibang bansa.

Nakakamanghang isipin na nakipag-tunggali si Hillary sa 11,000 entries mula sa 178 na bansa sa mundo. Bukod pa dun hindi lang ito simpleng patimpalak kundi patimpalak sa siyensya na maituturing na isang mahirap na kategorya. Dahil sa kanyang bukod tanging science project entry na “Relativity and the Equivalence of Reference Frames” ay hinirang siyang kampyon sa International Science Competition na Breakthrough Junior Challenge.

Credit: Facebook / Hillary Diane Andales

Ang science entry ni Hillary ay tungkol sa malikhain at simpleng paraan ng Theory of Relativity kung saan ay ginamit niya ang cellphone at pick-up truck upang ipaliwanag ito sa madaling paraan na maiintindihan ng lahat. Layunin kasi ng patimpalak na parangalan ang matalinong estudyante na kayang magpaliwanag ng science theory sa simpleng paraan at hindi komplikado. Hindi naman nabigo si Hillary sa kanyang science entry kung saan nga ay napahanga niya ang mga hurado sa kanyang magaling at simpleng paliwanag.

Ang grand prize na naiuwi niya nga ay 20 million pesos kasama ang parangal para sa kanyang guro at paaralan. Hindi lang premyong pera ang kanyang naiuwi kundi nabigyan rin siya ng scholarship grant dahil sa kanyang katalinuhan na magagamit niya sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo.

Credit: Facebook / Hillary Diane Andales

Masaya si Hillary sa kanyang naabot na parangal sa ibang bansa dahil hindi niya rin lubos akalain na sa 11,000 entries ay ang ang kanyang science entry ang mananalo ng grand prize. Ngayon nga ay itinuturing siyang pride ng Leyte dahil sa kanyang pinakitang katalinuan sa larangan ng siyensya at galing na matalo ang ang 178 na bansa.

Kung iisipin ay para na ring sumali si Hillary ng Miss Universe ngunit sa larangan ng patalinuhan sa siyensya. Hindi ito biro ngunit dahil sa angkin niyang talino at sinamahan niya pa ng determinasyon na manalo ay hindi siya nabigo. Malaki rin ang naging tulong sa kanya ng pagmamahal niya sa asignaturang science dahil ito ang naging dahilan upang siya ay magpatuloy.

Credit: Facebook / Hillary Diane Andales

Naging mahalaga rin para kay Hillary ang oras, aniya ang tingin niya sa kanyang oras ay pera. Dahil sa naranasang hirap sa buhay ginamit niya ang kanyang oras upang matuto ng mga bagay at magkaroon ng pera mula rito. Aniya, “If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource.”

Naging patunay si Hillary na anumang bagyo ang dumating sa buhay hindi ito hadlang upang sumuko at magtagumpay. Ang tamang paggamit ng talino at sinamahan pa ng determinasyon ay isa sa mga paraan upang makabangon sa hirap at makamit ang mga pangarap.

3 Comments

  1. Wow congratulations im so proud of you your parents now super happy GOD bless you & your family pursue your dreams & finish your studies…. Put your head on the ground…….

Leave a Reply